Five years ago...
“Okay class, you may go. Take care.” sabi ng aming adviser.
Masaya ang mga Senior High na magsi-labasan.
“Iris! Bukas sabado, i-save mo 'yang araw na yan! pupunta tayo ng simbahan.” ngumiti naman naman ako kay Lucy na kaibigan ko.
“Oo naman. Madami din akong gustong ipag-pray.” sagot ko. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapag-desisyon kung ano ba talaga ang kursong kukunin ko.
“Tungkol pa rin ba sa kukunin mong course?” may pagkalungkot sakaniyang boses. Dahil iilan sa mga kaibigan ko, may mga gusto na silang i-take pag nag-college.
Nang makarating ako sa bahay namin, nandoon sila mama at papa.
“Naka-uwi na po ako.” sabi ko. Tumingin si mama at papa, sabay pa silang ngumiti sa akin. Nag-mano naman aki sakanila.
Umakyat muna ako sa aking k'warto at nagpahinga.
Ginawa ko 'yung mga assignments bago ako matulog.
Sumapit na ang sabado at pupunta na kami ni Lucy sa simbahan.
Nagpa-alam ako kila mama na pupunta lang ako ng simbahan at kasama ko si Lucy.
Nang makarating ako sa simbahan, nakita ko roon si Lucy nakita kong kumaway pa siya sa akin kaya ngumiti ako.
“Tara na, pumasok na tayo.” sabi niya at pumasok na nga kami sa loob.
Madami ngang tao ngayon, at puro kabataan. Dahil Youth day pala ngayon sa simbahan namin.
Nag-preach naman si Pastor about sa “future.” natamaan naman ako dahil 'yun yung gusto kong malaman, kung ano ba talaga 'yung naka-tadhana sa akin.
“Jeremiah 29:11 which says, "For I know the plans I have for you. Plans to prosper you and not to harm you. Plans to give you a hope and a future. May plano si God sa buhay mo, hinahanda ka lang Niya sa future mo. Maganda 'yan na may pangarap ka, 'wag mong hayaan na mamamatay ang pangarap mo dahil lang sa hindi mo kaya. At kung hindi mo pa alam ang pangarap na gusto mo, ipag-pray mo pa din! h'wag kang susuko.”
Lahat ng kabataan sumi-sigaw ng 'amen.' dahil totoo naman, si God lang ang nakaka-alam ng magandang future para sa amin.
Pag tapos ng preaching nagkatuwaan muna, pero hindi na ako nag-tagal dahil madami pa akong aayusin na project.
‘mabilis lang ang isang taon.. kailangan ko na mag desisyon kung ano ba talaga ang kukunin ko.’ sabi ko sa isip ko.
Habang nagla-lakad ako may nakita akong pitaka, pagpulot ko nakita ko 'yung laman, mat I.D sa loob.
Pero may nakita akong matandang babae na may dalang karton. Tumakbo naman ako papalapit sakaniya. Pero napansin ko ang panghihina niya.“Lola, sa inyo po 'tong pitaka. Naihulog niyo po.” magalang na pagkaka-sabi ko.
Tumingin siya sa akin, ngunit nagulat ako ng bigla siyang tumumba.
“Lola!” nag-panic agad ako. Hinawakan ko 'yung pulsuhan niya, mahina ang pulso niya!
“A-ambulance!” hindi ko na alam ang gagawin... “Hello... May emergency po dito! please pumunta po agad kayo, may matandang babae na nawalan ng malay!” nagpapanic na sabi ko. Sumagot sila ng one the way. Pero wala pa ding malay si lola.
“Tulong! Kailangan ko ng tulong! please po!” tumu-tulo na ang mga luha ko.
But I heard this voice...
“Any problem?” napatingin ako sa may ari ng boses. Hindi ko mabasa ang expression ng kaniyang mukha.
“A-ahm, nawalan siya ng malay.” sabi ko.
“What is her name?” tanong niya. “Ma'am can you hear me? if you do please response.” tinatapik-tapik niya si lola.
“Ang pangalan niya ay Linda.” sabi ko.
“Ma'am Linda, please response.” patuloy pa din siya. Pero nagulat ako ng mag-labas siya ng ballpen at mabilis na tinusok niya doon sa hita ni Lola Linda.
Napatakip ako sa aking bibig. ‘anong ginawa niya?’
Nakita ko ang pag-galaw ni Lola Linda, gumana! Nakahinga din siya ng maluwag at sakto ang pag dating ng ambulansiya.
“The patient is now okay, she had a asthma so that's why she collapsed. Take her to Resurrection General Hospital (RGH) I will assist you there.” rinig kong sabi ng lalaking tumulong sa matanda.
“Excuse me, but, who are you?” tanong sakaniya ng nurse.
“I'm Doctor Yoshihiro Takashi.” nagulat ako— what? Doctor siya?! kaya pala alam niya ang ginagawa niya kanina.
Nakita ko naman na sumakay na 'yung dalawang nurse. Sasakay na din dapat si Dr Takashi pero nagsalita ako.
“Uhm..” lumingon naman agad siya sa akin.
“Everything is alright and it's all because of you, don't worry anymore.” nakita ko ang tipid niyang ngiti at dahil doon bumilis ang tibok ng puso ko.
“T-thankyou for the help!” sabi ko at nag-bow sakaniya. Ngunit nagulat ako sa ginawa niya— he tap my head.
At umalis din nakita ko ang pag-sakay niya sa ambulansiya. Nakita ko ang pag-alis ng ambulansiya...
At sa araw na 'yun nakapag-desisyon ako na mag-nurse...
Pumunta ako sa isang book store at nakita ko ang libro— 'AIIMS Staff Nurse Exam Study Material Books (English, Paperback, Dr. Kasthuri Ranganathan)' at binili ko 'yon.
AFTER ONE YEAR
Graduation na namin. Sobrang saya dahil naging with honor pa ako friendship goals namin ni Lucy. Dahil naging with high honors siya.
Nang matapos ang event sa school nag-celebrate kami sa bahay nila Lucy.
“Wow! Good for you! alam ko namang kaya mo 'yan!” napangiti ako sa sinabi niya. Kakayanin ko 'to at hahanapin ko si Takashi Sensei!
“Ikaw din, sa pangarap mo maging Engineer, I will support you!” naka-ngiti kong sabi.
Just wait there Takashi Sensei magiging nurse din ako!
*****
This is work of fiction. Names, characters, bussinesses, places, events, and incidents are either the products of author's imagination or used in fictitious manner.
And this story is inspired by the Doctor and Nurse love story.
Cute though.
YOU ARE READING
I'm Inlove with Sensei Yoshihiro (Sensei Series #1)
RomanceFive years ago Iris Mendiola-18 years old, is a happy-go-lucky girl. Madami siyang napapasayang tao at dahil doon, gumagaan ang pakiramdam niya. Isa siyang grade twelve student at hindi niya pa alam ang kukunin niyang kurso sa kolehiyo. Nag-punta s...