Chapter 7
Saturday
Iris POV
“Salamat namannn na nakapag-pahinga din!” masayang sabi ni Reign sabay higa sa kama ko.
Nandito siya sa condo unit ko, at day off niya rin.
Parehas kaming saturday ang napiling day off, para sa family purposes.“Wait? Diba pupuntahan niyo ang family mo? Tarayyy meet the parents!!” kinikilig na sabi niya. Kaya natawa ako.
“Wag ka ngang maingay! Marinig ka niya eh.” sabi ko habang inaayos ang buhok ko.
“Siya pa talaga nag aya sayo, feel ko mahal ka na din niyan ni Doc Yoshi, natatakot lang umamin.” biglang sabi niya at nag crossed arm siya.
“Eh, paano mo naman nasabi?” kasi feel ko, it's just a wish. Feel ko matatapos din 'tong relasyon namin.
“Feeling ko lang naman, pero kasi hindi naman niya sasabihin sa'yo 'yun, kung hindi ka kayang mahalin or magustuhan. Ano 'yun trip-trip lang na inaya ka niya maging girlfriend?” pagpapaliwanag niya. “Kilala mo si Doc Yoshi, seryoso sa lahat ng bagay 'yun.” dagdag niya pa kaya napatango ako. “Uy! masarap 'tong nasa ref. Pengeee ah?” sabi niya at kinuhang choco milk. Tumango naman ako.
“May point ka naman, kaso hindi ko maiwasang mag-doubt.” sabi ko.
“Haynakoooo! Nakakasira kaya ng relasyon ang pagd-doubt! Trust him, sizt!!” ngumiti siya at kinurot ang pisnge ko. “Chill ka lang, mahal ka non.” at kumindat siya sa akin.
.
“Let's go?” nakangiti kong tanong kay Yoshi sensei.
Habang naglalakad hinawakan niya ang kamay ko kaya napangiti ako. “How's your mom and dad?” tanong niya habang nakatingin sa daanan.
“Okay naman sila, buti nga at maayos ang kalusugan nila.” nakangiting sagot ko.
Ginamit niya ang isa niyang kotse nang makasakay ako inistart niya na.
“You can rest. 3hours ang biyahe.” sabi niya kaya napatango ako.
“Okay..” sabi ko. Nag earphone ako at plinay ang music at ipinikit ko na ang mga mata ko.
.
After 3hours.
“Hey, we're already here.” naramdaman ko ang pag tapik sa akin ni Yoshi. Kaya naidilat ko ang mga mata ko.
Nag ayos muna kaming dalawa at pagtapos bumaba na din kami. At doon nakita ko si Mama at papa.
“Ma! Pa! I miss you!!” sabi ko sabay takbo sa gawi nila. Sumunod naman si Yoshi.
Niyakap nila akong dalawa. “Welcome home, anak.” sabi nila. Bumitaw sila sa akin ng makita nila si Yoshi.
“Ah mama at papa, siya si Yoshihiro Takashi, isa po siyang doctor. And boyfriend ko po.” nakangiti kong sabi. Nakita kong ngumiti si Mama at Papa nang magbow si Yoshi sakanila.
“Nice to see you po Ma'am and Sir.” magalang sabi niya.
“Masyadong pormal, Tita Jen at Tito Steve nalang.” sagot ni Mama. “Welcome to our family.” dagdag niya pa at niyakap niya si Yoshi.
Nakita ko ang pagka gulat sa mga mata niya.
Third Person's POV
'A mother's hug.’ yan ang naisip ni Yoshi nang yakapin siya ng nanay ni Iris.
“Tara na't pumasok, baka lumamig ang hinanda naming pag-kain.” sabi ng tatay ni Iris.
Pagpasok nila sakanilang bahay, simple lang ito.
Pumunta sila sa sala at doon maraming pagkain na nakahain.
YOU ARE READING
I'm Inlove with Sensei Yoshihiro (Sensei Series #1)
RomanceFive years ago Iris Mendiola-18 years old, is a happy-go-lucky girl. Madami siyang napapasayang tao at dahil doon, gumagaan ang pakiramdam niya. Isa siyang grade twelve student at hindi niya pa alam ang kukunin niyang kurso sa kolehiyo. Nag-punta s...