Chapter 3
Third Person POV
Maagang bumangon si Iris, five am palang gumising na siya. Nag sulat pa siya sa note 'Thankyou! I'm leaving now. five am.' At idinikit sa ref.
Nag-ayos na si Iris dahil mabilis lang ang oras, kumain na din agad siya at saktong six AM nakalabas siya ng condo.
Nagising naman si Yoshihiro ng six AM dahil sa alarm clock, pagka-bangon niya wala na si Iris.
Lumabas siya ng kwarto at nakita ang sulat ni Iris sa bandang ref.
'Thankyou! I'm leaving now. five am'
Hindi na niya tinanggal doon at dali-dali na siyang nag-ayos.
.
Pag-pasok ni Iris sa loob ng hospital, may mga lobong naka sabit at cartolina na may mga sulat.
'Welcome back! The great Sensei's!'
'Go, Welcome back!! Akihiro!'
'We love you Haruto Sensei!!'
'We can do it! #TeamLucas!'
'You're doing well, Shawn!'
Nang makapunta si Iris sa staff station nila nagtanong agad siya.
"Ah, anong meron?" nagtataka niyang tanong.
"Uuwi na daw 'yung apat na great sensei dito sa RGH, 'yung mga nag-aral sa America." sagot ni Venice.
Napatango-tango naman si Iris.
"Mako-kompleto nanaman ang Five great sensei's!" narinig kong sabi ni Chichi na nakangiti.
"Oo nga eh. It's been a long years din na hindi sila nagkasama-sama." sagot ni Gabby.
"Iris! Parte si Yoshihiro sensei sa grupo na 'yun. Mga gwapo na, plus! magagaling na mga Doctor dito sa ating hospital!" masayang sabi ni Chichi. Tumango-tango naman ako.
Biglang dumating si Yoshihiro sensei sa staff station, at naupo, sabay may chineck sa laptop.
"Nandyan na si Yoshi Sensei." sabi ni Gabby.
Napangiti naman si Iris ng maalala niya 'yung pag asikaso sakaniya ni Yoshi Sensei.
"You." napalingon si Iris dahil sa boses ni Yoshi Sensei.
Siya lang ang nakatayo malapit sa table nila. Lumingon-lingon pa siya at tumingin ulit kay Yoshi Sensei sabay turo sa sarili. "Ako?" nagtataka niyang tanong.
He just glared at Iris. "Sino pa ba?" seryoso niyang sabi.
"Aba, malay ko ba! May pangalan kasi ako, diba? It's Iris! Iris Mendiola!" padabog niyang sabi.
"Lumapit ka dito." sabi ni Yoshi Sensei kaya napatigil si Iris.
"Bakit?" sabay lapit kay Yoshi.
"You will come with me later. Four PM." sabi niya na ipinag taka ni Iris.
"Huh? Saan naman?" nagtataka niyang tanong.
"Tss. Sa airport, susunduin ko sila Akihiro." seryosong sabi ni Yoshi Sensei.
"Ah! 'Yung apat na lalaki, okay. Sige sasama ako." nakangiti niyang tugon. "Kapatid mo ba si Akihiro Sensei?" biglaang tanong ni Iris.
"Yes." tipid na sagot ni Yoshi Sensei habang nakatingin sa laptop.
Tumango-tango si Iris. "Hmm, okay." sabi niya, tinignan niya ang orasan at Seven AM na. "Mauna na ako, ako ang naka assign sa room 725 ngayon. Babush!" at nagmadali na si Iris umalis.
YOU ARE READING
I'm Inlove with Sensei Yoshihiro (Sensei Series #1)
RomanceFive years ago Iris Mendiola-18 years old, is a happy-go-lucky girl. Madami siyang napapasayang tao at dahil doon, gumagaan ang pakiramdam niya. Isa siyang grade twelve student at hindi niya pa alam ang kukunin niyang kurso sa kolehiyo. Nag-punta s...