Second

7 4 1
                                    

It's Monday morning. My class starts at 10 am but nagising ako ng 7:30, napagod ako kahapon kaya  bagsak agad sa  kama pagkauwi. I took a quick shower bago lumabas ng room ko. Naabutan ko pa si manang na naghahanda ng agahan, typical breakfast.

"Morning manang, si kuya?" i ask manang  ng makapasok ako sa kusina.

"Tulog pa iha, ang iyong mommy at daddy naman ay maagang umalis, hindi na nga nagbreakfast yung dalawa eh" sabi ni manang habang hinahayinan ako ng pagkain.

Wala naman akong ginawa masyado nung umaga, review lang ng konti dahil may quiz kami sa isang subject. After nun, naghanda na ako para pumasok. School is 10 min away lang sa bahay pero kung traffic, minsan umaabot ng 20mins, hassle yun for me. Good thing it wasn't a heavy traffic today so nakarating pa ako sa school ng 9:30. Dumaan muna ako sa Starbucks sa loob ng campus bago dumiretso sa room.

"Xyyyy!! Good morning! I miss you!!" Shy greeted me energetically. She's my bestfriend. Siguro meant to be na maging bestfriend ko siya kasi halos magkatunog lang name namin. Her name is Shylene, at napakatinis ng boses niya. Hayyys, ewan ko ba naman kase dito sa babaeng to,  parang pinaglihi sa ibon.

"Morning to you, too Shy and i don't miss you" sabi ko at nakita ko naman siya na nag-pout. Mahilig din  to mag-pout eh, bagay sila ni kuya. Actually, may crush to kay kuya kaya kapag wala kaming ginagawa at hindi busy sa school, tambay to sa bahay namin. Ang kuya ko namang pakipot, alam ko namang may gusto din yun kay Shy, nag-iinarte lang at ayaw pansinin tong bestfriend ko. Buti na  lang hindi pa nagsasawa si Shy sa pagpunta-punta sa bahay para lang makita si kuya.

"Hmp! Anyways, nagreview ka? Help me muna, wala  pa naman si  prof" so for the meantime, I help her review since our prof is taking his time. Halos 30 mins siyang late tapos pagpasok niya, get 1 whole sheet of yellow paper tapos quiz agad. Talaga naman. It's a 3 hour class  and after  nun, wala na kaming klase.

Umuwi na lang  ako sa bahay after class kase may tinatapos akong painting. Pwede ko tong ibenta for at least 2k. Maliit lang naman. Actually,  nagbebenta ako ng mga paintings ko, wala lang. Though sabi  ni  mom, ako daw ang bahala sa mga paintings ko, basta daw masaya ako  sa ginagawa ko. So, binebenta ko siya sa presyong hindi mahal. Yung napagbentahan  ko, lagay  ko sa isa kong account sa bangko. Nakaipon yun dun.

"Lil sis, dinner" katok ni kuya sa pinto ng kwarto ko. Gabi na pala, hindi ko namalayan ang oras kase busy ako sa pagpipinta. After kong maghugas ng kamay, bumaba na rin  ako. Mamaya ko  na lang lilinisin ang kalat  ko.

"Hindi ka lumabas ng kwarto mo, sweetie. Been painting?" my dad asks pagkaupo ko. I nod in response at nag-umpisa ng kumain. Tahimik ang hapag, siguro pare-parehas kaming pagod. After kong kumain,  nagpaalam akong babalik na sa kwarto, lilinisin ko pa yung mga gamit ko. Mabilis ko lang naman yung naayos. I took i quick shower before i lay down and sleep.

.......

My days  passed in a blur. Nasa huling taon na ako sa kolehiyo. Im running for valedictorian in  my last year kagaya nung mga past years ko. I never forget my studies even though i party. Kapag may mga mahalagang okasyon at kapag nagkakayayaan ang iba kong mga kaibigan,  sumasama ako but in control ako sa sarili ko at sa alak. I know my limits, kaya siguro okay lang sa parents ko. Time's so fast. Huling taon ko na. Maya maya pa, may trabaho na ako. Buhay nga naman.

Im preparing for my first day of class. 1 pm na ang sched ko at 2 subjects yun. 2 hrs both yung klase. Wish me luck!

When I enter the room, nakita ko kaagad si Shy. We're classmates? Yes!

"Xyyy, OMG! We're classmates! Waahh, i miss  you" tapos niyakap niya ako. Mygad na babaeng to, tinis talaga ng boses.

"Miss you too, Shy" i said before pulling out from  the hug. May lumapit naman na ibang girls sa amin at nagpakilala din. The short haired girl is Danica, the ash gray haired is Nicole and the long haired girl is Lhea. Grabe ang haba ng hair niya, umaabot sa pwetan niya. Cool! May lumapit din samin na boys at  nagpakilala. Yung singkit, si Ash daw, yung white haired, si Vin, then yung black haired guy ay si Skai daw. Ang cool din nung eyes niya, color blue parang anime. Halos magkakatabi lang din kami ng seats. Kaming girls yung nasa harap ng boys. Biglang laki ng circle of friends ko.

Sweet DreamsWhere stories live. Discover now