PART 10: VOICE

509 33 3
                                    

(Kim Taehyung)

Nagising ako kasi parang naiihi ako. Pag-mulat ko sa mata ko bumungad sakin yung mukha ni Jungkook na mahimbing na natutulog. Ang cute niya. Na-realize ko din na medyo malapit yung mukha namin sa isa't isa.

Diko na yun pinansin at tinitigan ko lang siya. Di ko inakala na meron din palang gantong feature dito sa mundo. Ang gwapo niya, cute, yung mga pisngi niya ang sarap kurutin, yung buhok niya ang sarap hawakan, his lips looks so soft. Well naramdaman ko na din naman yung labi niya sa labi ko ng ilang beses.

Bigla akong natauhan ng maalala ko na naiihi na pala ako. Agad ako napatayo at tumakbo sa banyo.

Ilang minuto pa nakalipas at lumabas na din ako sa banyo. Nag-hilamos na din ako at nag toothrush.

Pag-labas ng banyo nakita ko na tulog parin si Jungkook. Hinayaan ko nalang yun at kumuha ako ng damit at bumalik sa banyo at nag-palit.

Pag-labas ko ay tinignan ko yung sarili ko sa salamin at kinuha yung cellphone ko. Pagkakuha ng cellphone ko ay nag-lakad na ako papalayo para lumabas ng kwarto.

Lalabas na sana ako ng biglang mag-salita si Jungkook.

"Saan ka pupunta?" Biglang tanong nito.

Napalingon ako at nakita ko siya na naka-upo while rubbing his eyes. Magulo din yung buhok niya, lalo lang nagpagwapo sa kanya. Hays! Iba naman talaga kapag may kagaya akong mala anghel ang mukha. Tss! Di naman ako papayag na siya lang noh?! Ako din kay--

"Huy! Tae? Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala. Tinatanong kita pero di ka nasagot!"

Bigla akong bumalik sa sarili ko. Nakita ko na nasa harapan ko na pala si Jungkook.

"Ah eh. Sorry, pupunta lang ako sa kusina. Magbe-breakfast." Sabi ko.

Tumango lang siya at nag-punta na ng banyo. Ako naman pumunta na sa kusina para kumain.

Chineck ko yung pantry kung meron bang makakain don. Luckily may cereal, kinuha ko yung gatas sa ref at kumuha na din ako ng bowl at kutsara.

Prinepare ko yung umagahan ko and after non umupo na ako at kumain na. Nilabas ko yung cellphone ko.

Scroll scroll habang kumakain. Narinig kong bumukas yung pinto and sure ako si Jungkook yon kaya di ko na nilingon. Pinag-patuloy ko yung ginagawa ko.

Naupo si Jungkook sa harapko na may dala dala na ring kutsara at bowl. Inagaw niya yung cereal at gatas sa tabi ko at naglagay sa bowl niya.

After ng ilang minuto ay natapos na din kami kumain.

"Ako mag-liligpit ikaw maghuhugas." Sabi ko.

"Mkay.." Tipid nitong sagot.

Niligpit ko na yung pinagkainan namin at hinugasan na niya yung mga plato.

Lumipas ang ilang oras ay wala kaming ginagawa. Di kami nagiimikan o nag-uusap. Naka-higa lang ako dito at nagse-cellphone. Siya naman naka-upo sa sofa at naka-relax hang nakikinig ng mujicc, este music pala.

Napansin ko naman na sobrang relax siya kaya nilapitan ko ito at tumabi sa kanya. Kinuha ko yung isang piece ng earpods at nilagaya tenga ko.

Napa-tingin naman siya sakin. Nginitian ko lang siya. Bumalik na siya sa pagkaka-relax at pinikit ulit mata niya.

I heard him humming the song. Maganda siguro boses nito. Hum palang kasi ang angelic na. I wonder kung kinanta na niya. How angelic would his voice be.

"Marunong ka ba kumanta?" Diko na natiis na mag-tanong.

Napa-tingin naman siya sakin.

"Medyo. Bakit?" Tanong nito.

SEDUCING MY RIVAL: BAD IDEA | MAFIA | VKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon