Avril's POV
Weeks passed by so fast. Saturday ngayon kaya mahaba ang naitulog ko. I checked the time and got up to brush my teeth. Pagkatapos ko kumain ay pumunta ako sa living room at nanood until I heard kuya Adam's voice.
"Manang, ano pong ulam?" tanong nito kay Manang Fe, kasambahay namin. Mom hired one helper since maaga kaming naalis ni kuya every weekdays and para na din may mag update sakanya.
"Fried rice at bacon sir, kain na" said Manang Fe. Pagkatapos kumain ni kuya ay pumasok ito sa study room. Tinigil niya agad ang ginagawa niya nang makitang pumasok ako sa pinto.
"Kuya, I'll go to Bri's house later" pagpapaalam ko.
"Why? Alam mo ba kung saan yon?" tanong niya.
"Yeah, she told me she'll pick me up. I already text her the address. Gagawa lang kami ng research" sabi ko. Nag assign kasi ang prof namin ng research study and good thing by group siya at free kami na mamili ng ka group namin and as expected, kaming tatlo nila Bri at Marga ang magka group.
"Okay, just text me kung magpapasundo ka"
"No need kuya, ihahatid din niya ko kung gagabihin" i told him.
"Sige, mag iingat kayo ha" pagkasabi ni kuya non ay lumabas na din ako ng study room.
I still have more time so nag isip na lang ako ng pwedeng title ng research study namin. I also did some work outs and then naligo na ko dahil nag text na si Bri na on the way na daw siya. I wore a simple shirt partnered with high waisted shorts and white sneakers. Kinuha ko na ang tote bag ko at nilagay doon ang laptop at iba pang kakailanganin sa paggawa.
Nagpaalam na din ako kay kuya at pinuntahan na si Bri. May driver pa siyang kasama nang sunduin ako. Nginitian ko agad si Bri nang makasakay ako.
"We're going to pick up Marga" sabi niya.
"Okie!" i replied.
Kasama na namin si Marga ngayon and we're on our way to Brianna's house.
"Dun tayo sa kwarto mo ah, nakakahiya kay Ethan" sabi ni Marga.
Shit. Oo nga pala. Nataranta ako pagkasabi ni Marga non, hindi naman big deal sakin kung nandoon nga si Ethan dahil bahay naman nila yon, hindi ko lang alam pano ko siya haharapin simula nung last na usap namin. Ang awkward talaga nung day na yon!"Don't worry, he's in his training, malapit na laban nila kaya nag t-training din sila during weekends" nakahinga ako ng maluwag ng sabihin yon ni Brianna.
Nang makababa kami sa sasakyan, napatingin ako sa laki ng bahay nila Bri. May malawak itong backyard at swimming pool. Mas lalo akong namangha nang makapasok kami sa loob, ang simple lang nito at napakalinis. Winelcome kami ng nanay ni Bri at inaya na umupo muna kami sa living room.
"Mom, this is Avril, friend namin ni Marga" pagpapakilala sakin ni Bri.
"Good afternoon po Ma'am" pagbati ko kasabay ng ngiti.
"Ang formal naman, tita Maris na lang" sabi niya at sabay ngumiti. Tinanguan ko naman yon, nakakahiya!
"Eat first before you do your research, halika!" inaya kami ng mom ni Bri sa dining table. Ang daming hinandang pagkain! Sinaway ko si Marga dahil walang hiya itong kuha ng kuha ng pagkain.
"Wag mo naman pahalatang patay gutom ka gurl" bulong ko sakaniya na narinig ata ni Tita Maris.
"Don't worry hija, hinanda talaga yan para sa inyo, wag ka nang mahiya. Feel at home!" sabi ni Tita sakin. "Ganiyan talaga yang batang yan, parang anak ko na din yan dito" sabi nito at tumawa.
YOU ARE READING
Gamble Of Fate
RomanceAvril-- a medicine student who is ghosted by his past falls for Ethan, an engineering student. As their relationship started to get deeper, Avril's past came back. But what's more worse is that, the man who ghosted him two years ago will become her...