Chapter 41

12 1 0
                                    

Avril's POV

Eight years later..

Nagulat ako nang maka tanggap ako ng imbitasyon para sa kasal nila Dave at Marga. I felt happy for them and excited at the same time. Parang dati lang, nagtatalo pa sila sa kung sino ang mauunang ikasal, mapag laro nga talaga ang tadhana!

Brianna Venice: Congratulations Dave and Marga!! So happy for the both of you <3

Mikee Zamora: Congrats omg!

Dave Pineda: Salamat sainyo! Wala eh, nag propose sakin best friend niyo, nakakahiya namang i-reject hays.

Margarette Dizon: Ang kapal ng mukha mo, hoy! Anyway, thanks Bri and Mikee!

Shaun Reyes: HAHAHAHA ano may pa pusta pusta ka pang nalalaman, ikaw naman pala mauuna gago! Congrats sainyo yieee!

Paolo Martinez: Una pa sa first boi haha congrats!

Avril Salazar: Congrats!!

Margarette Dizon: Thank you, Av!

Brianna Venice: When's the bachelorette party? Hmm.

Paolo Martinez: Am I not enough?

Shaun Reyes: Plot twist: kami yung macho dancers HAHAHAHAH!

Avril Salazar: Inom na lang kaysa bridal shower hahaha!

Dave Pineda: Meganon? nag break lang  naging lasinggera na hahahahah!

Natahimik ako doon ah. Hindi ko alam kung ano ang ire reply ko so I just reacted it with a thumbs down. I wondered why Ethan was not replying to the gc. Natulog na lang ako para makaiwas sa asaran, gosh! Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Ethan kapag nabasa niya iyon.

When morning came, bigla na lang nag pop up ang message ni Ethan sa group chat.

Ethan Vergara: Congrats love birds!

Dave Pineda: Salamat tol, oh inom daw sabi ni Av!

My eyes widened when Dave said that. Sinabi pa talaga niya, gosh! I wanna stitch his mouth!

Paolo Martinez: G!! Saan tayo?

Shaun Reyes: May alam ako kung saan.

Kinabahan ako bigla nang mag chat si Shaun. God! I hate myself for saying that! If only I can remove the message I sent. Hindi tuloy ako mapakali sa kinatatayuan ko, kinakabahan ako habang nag ta-type si Shaun dahil mukhang alam ko na ang sasabihin niya.

Shaun Reyes: Sa condo nila Captain!

Sabi ko na nga ba eh!

Margarette Dizon: Tara! Payag ka ba Ethan?

Ethan Vergara: Yeah, sure.

For God's sake! Bakit ang dali naman niyang pumayag?! Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Kung wag na lang kaya akong pumunta?

Mikee Zamora: Yon oh! Ikaw Av, okay lang ba sayo?

Avril Salazar: Huh? Why me?

Brianna Venice: The condo's yours too.

Avril Salazar: Ah, oo naman haha!

Dave Pineda: Oh g na yan bukas ha, 7 PM sharp!

Gusto ko man sabihin na ayaw kong pumunta, hindi ko magawa dahil ayokong masira ang mood nila. Besides, matagal tagal na din kaming hindi nag kakasama. Labag man sa loob ko, kailangan ko talagang umuwi ng Maynila para pumunta.

Gamble Of FateWhere stories live. Discover now