Sa isang silid sila'y nagtipon, ito'y binabalot ng dilim at tanging isang kandila lamang ang nagsisilbi nilang liwanag. Hindi mapakali ang lahat. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala, ang pagkainis.
Ingay. Sigawan dito. Sigawan doon. Napakaingay. Madilim man ang silid ngunit binabalot ito ng kanilang mga boses.
"Tahimik!" isang sigaw ang nagpatahimik sa lahat kasabay ng pagkapatay ng kandila at pagliwanag nito sa isang malaking apoy.
Makikita sa kanilang mukha ang pagkagulat, pagkatakot. Wala ni isa ang nagtangkang magsalita, o gumawa ng kahit anong ingay. Katahimikan ang bumalot sa buong silid.
***
Naisipan kong bumaba dahil gutom na rin ako. Ano kaya ang niluto ni Sera? Adobo? Sinigang? Menudo? Gutom na gutom na talaga ako. Kung ano anong pagkain ang naiisip ko as I walk down the stairs.
Isang tahimik at madilim na sala ang bumungad sakin. Sinabi ko naman sa kanyang buksan ang ilaw o ang kurtina paglalabas eh. Kailan ba matututo yun.
Para sa ikatatahimik ng kaluluwa ko binuksan ko ang mga kurtina. Hindi ko gusto ang dilim dahil nararamdaman kong parang may nagmamasid sakin pag ganoon. Kaya pinilipi kong may liwanag, kahit unti lang. Matapos mabuksan ang lahat ng kurtina, nagdiretso na ko sa kusina para kumain.
Nagsimula akong kumain ng biglang nagvibrate ang phone ko. From unknown number, hindi ako basta basta nagbabasa ng message lalo na kung unknown number ito. Pero may kung anong naguudyok sa akin na buksan ito at para ring may kanina pang nagmamasid sa akin. Ito na nangaba ang sinasabi ko eh. Weird.
Parang may naguutos sa akin na basahin kung ano man ang laman ng mensaheng ito. Ngunit binale wala ko na lang ito, at nagpatuloy na sa pagkain. Baka isang spam lang ito, o kaya naman na wrong send. Bahala siya kung sino man siya. Mas mahalaga ang pagkain kesa sa kanya.
Maya maya nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Mukhang si Sera ata iyon. May nakalimutan ba siya? Pwede naman niya akong tawagan. Dali dali naman akong tumayo para salubungin siya.
"Ser-" di ko natapos ang sasabihin ko ng mapagtanto kong walang tao sa sala. Tanging isang madilim na sala lamang ang bumungad sa akin. Lahat ng kurtina ay nakasara, ganoon rin ang pinto.
Sa pagkakatanda ko binuksan ko ang mga kurtina, at hindi ko rin narinig na nagsara ang pinto. Teka ano bang nangyayari?
"Sera!" sigaw ko sa madilim na sala. Nagantay ko ng ilang segundo ngunit katahimikan lamang ang nakuha kong sagot.
Putek nakakakilabot talaga pag ang tahimik ng palingid. Samahan mo pa ng isang madilim na silid. Parang anytime lang mag biglang susulpot sa harap ko. Wag naman sana.
Bubuksan ko na sana ang kurtina, ng nakarinig ako ng pagkabasag ng paso sa labas.
Aba't mukhang may nanti-trip lang sa akin. Kung sino man ang taong iyon, humanda siya sa akin. Dali dali akong lumabas para komprontahin ito. Ngunit isang saradong gate at basag na paso lamang ang bumungad sa akin. Sinubukn ko ring tignan sa labas ng bahay, baka sakaling di pa nakakalayo ang may gawa nito. Pero walang tao sa labas. Nababaliw na ba ako? Ito ba ang epekto ng kape? O may isang gago lang talagang malakas mangtrip?
Sinubukan ko na lang baliwalain ito at bumalik na sa loob. Pagbalik ko ng sala, hindi ko alam kung nae-enkanto na ba ako or what. May bakas ng paa sa sahig and as far as I remember wala pa 'to kanina paglabas ko. Nabasag rin ang vase sa may mini table. And what the fuck? Is that a fucking blood?!
Beside the shattered vase was a red fluid, I don't know if it's a blood or what but shit it's dripping from the carpet. Malalagot ako kay Sera nito. Paborito niya pa naman yung carpet na yun. Pati yung vase. Bwisit naman. I really don't know what's happening right now. I don't having a fucking idea. And for fuck's sake bakit yung vase at carpet pa?
I slowly reach for the envelope that was soak in blood, di ko siya agad napansin dahil nabahiran na rin ito ng pulang likido. With a trembling hand, I slowly open it.
Sebastian Jaxx Van Lewen
My name was imprinted at the front page. What the heck?! Paano napunta ang pangalan ko dito. Paano nila nalaman ang pangalan ko? Still don't know what's happening I slowly unfold the piece of paper.
It was blank, except for a word that was written on the center of the paper. What the heck?
"Hey Sera, wala ako sa mood makipaglaro ngayon" sigaw ko habang nililibot ang paningin sa paligid.
"O kung sino kamang gago ka lumabas ka na!" ngunit kahit anong sigaw ang gawin ko, Wala pa rin akong nakuhang sagot. Damn it!
'Open it' napatingin agad ako sa likod ng may marinig akong nagsalita. But to my surprise, no one's there. What the fuck! Biglang nagsitayuan ang buhok ko sa batok. Tangina!
***
Nakakuyom ang kamay kong pumasok sa loob. Masisira ang plano pagnagpatuloy ito. Katahimikan ang sumalubong sa akin. Lahat sila ay nakayuko. Ano na naman bang nangyari?
"Nag-uumpisa na sila" basag ko sa katahimikan. Lahat sila'y napatingin sa akin. Naghihitay kung anong sunod kong sasabihin. Hindi mapakali ang mga mata nila. Papalit palit ng tingin sa amin. Naghihintay ng sagot.
"Alam ko" tugon niya sa isang malalim na boses. His voice is enough to send shiver to my body. Bakit ba ganito tong isang to? Di na nagbago.
Nagsimulang umingay ang silid. Unti unti naman akong lumapit sa kanya. Napaingay talaga ng mga ito.
"Anong plano mo?" tanong ko, napatingin naman siya sa akin. At sa di malamang dahilan bigla niya na lang hinampas ang lamesa na naging dahilan ng pagtahimik ng lahat, at nagdulot ng pagkasira ng lamesa. Tangina may galit ba ito sakin? Kawawa yung lamesa. Gagong to, buti di ko nakaupo doon.
"Hanapin ang kambal"
***
Kakaibang sulat ang laman nito. Ngayon ko pa lang ito nakita. Tinry kong baliktarin ang piraso ng papel. Sinubukan ko ring tignan kong may nakasulat sa likod. Ngunit wala.
Tinitigan ko lang ito. Pupunitin ko na sana ng biglang gumalaw ang mga simbolo, at nag simulang bumuo ng mga letra. Bigla ko ito nabitawan.
Di malaman kong anong gagawin. Nakatitig lang ako sa papel na ngayo'y nasa sahig na, lumulutabg sa dugo. Sa dimalamang dahilan, ito'y nanatiling malinis. Walang makikitang mantsa ng dugo kahit na napapaligiran ito.
Nararamdaman kong may nakatingin sa akin. Kaya sinubukan kong ilibot ang paningin ko. Walang tao. Isang tahimik na sala. Ako lang ang nandito.
Ibinalik ko ang tingin ko sa papel na ngayo'y may mga letra ng nakalagay. Dali dali ko naman itong kinuha. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito.
'Miracle cafe. Nathan. Don't tell anyone.'