Yzel's POV
Nanginginig padin ako
Sarap nyang ipalapa sa ahas
Ay hindi pala
Dapat ipalapa sya sa Leon, kase kung ahas? Hindi sya sasaktan ng mga yun,kauri nya yun eh
Umalis naman na si sab ng may bwisit na pagmumukha
Sige lang mabwisit ka lang
Zyrus's POV
Asan naba yong babaeng yon?
Kala ko nasa likuran ko lang sya kanina,san naman nag sususuot yong kaluluwa na yon
"Hello tita? Wala padin po eh, hindi naniniwala si Zach Saken naasar nako tita"
Rinig kong sabi nung babae sa isang sulok
Nakatalikod sya habang may kausap sa telepono
Hindi ko mawari kung bakit pero natagpuan ko nalang ang sarili kong nakikinig ng usapan nila
'Bat ko ba to ginagawa?'tanong ko sasarili ko
"Tsk!ginawa ko naman pero ayaw nyang maniwala saken,ganon nya naba kamahal ang babaeng yon?sana talaga natuluyan nalang yon eh"sabi panya
Teka,sinong babae ang tinutukoy nya? At Zach? Sino yon?
"Bakit ba kase ang bobo bobo nyang inutusan nyo? Hindi nya nalang tinuluyan ng mapasakin na si zach"
Tinuluyan? So my ipinapatay silang nabuhay pa hanggang ngayon?
"Kung hindi pa mamamatay ng tuluyan yang Yzel na yan, pwes ako ang gagawa"
Sabu nya at binaba na ang phone
Nag panggap naman akong dadaan para hindi halatang my narinig ako
Yzel?so..si yzel ba na kaluluwa any tinutukoy nya?
Tsk baka iba Lang
Naglakad pako ng makita ko si Yzel na nasa isang lugar dito sa hospital na walang masyadong tao
"ARRRRGHHH!! NAIINIS TALAGA AKO SAYONG IMAPAKTA KA!"sigaw nya
Anyare naman sa isang to?
"Papatayin talaga kitang impakta ka sa oras na magising ako!"dagdag panya
Nilapitan ko naman sya at kinausap
"Hey ano bang pinag sisisigaw mo dyan?"tanong ko sakanya
Lumingon lang sya saken at hindi ako pinansin
Nagsisisigaw sya ng pagkalakas lakas at ang lagi nyang bukam bibig ay
'PAPATAYIN KITANG BABAE KA'
Sa pag kakaalam ko pag ang kaluluwa ay ganito kagalit makakagawa sya ng hindi maganda sa taong kinaiinisan nya
Walang nakakarinig sakanya maliban saken kase ako lang naman ang nakakakita sakanya
Yzel's POV
Kahit na sigaw ako ng sigaw wala namang makakarinig saken maliban kay Zy
Arrrggggg!hindi ko alam kung bakit kaganon nalang kalaki galit ko sa babaeng yon
Hindi lang naman siguro to dahil kay zach diba? Kase...kahit hindi ko man aminin sa sarili ko alam kong my malalim na dahilan kung bakit ako ganito kagalit sakanya
"Hey ok ka lang?"tanong ni zy
H-hindi a-ako makahinga
"I-cant b-breath"
Shit!ang sakit ng puso ko
Namimilipit ito sasakit at parang nadadaganan ang mukha ko
"H-hey"nag aalalang sabi ni zy
Pero maya maya ay bumalik naden ako sa normal
"Ok kana?"tanong nya
Napahawak naman ako sa puso ko at habol ang hininga at parang my sumasakal saken kanina pero hindi ko alam kung sino
Tumango ako bilang sagot
Shit! What was that?!
Sabrina's POV
"Ano bang meron sayo na wala saken ah yzel?"tanong ko sakanya
Pinagmasdan ko ang katawan nya at natutuwa dahil nakikita kong nahihirapan sya,madaming nakasabit na kung ano ano sa ano mang bahagi ng katawan nya
"Mas maganda naman ako sayo?"sabi ko habang papalapit sakanya
"Mas sexy naman ako"
Walang nagbabantay sakanya maliban saken kase umuwi muna si tito at kukuha ng damit
Tsk tsk tsk
Poor yzel
Hinawakan ko ang kamay nya at sinuri yon
Pinasadahan ko ng tingin ang mukha nya at tumingin sa my bandang dibdib nya
"Mas malaki naman ang akin kesa sayo"sabi ko pa at hinaplos ng hintuturo ang mukha nya pababa sa my baba nya hanggang leeg at sinakal sya
"Pero bat ganon? Bat hindi ako magawang magustohan at mahalin ni Zach? "nanggagalaiti ako sa babaeng to lahat nalang!
Hinawakan ko ang sa my bandang puso nya at dinaganan ng mga kamay ko
Tinabunan ko din ng unan ang mukha nya para matuluyan na sya
Naririnig ko namang nag wawarning na ang computer na nag momonitor sakanya at mas lalo ko bang diniinan para mamatay na talaga sya
Pero
Hindi ko sya natuluyan dahil my parang kung anong kumalabit saken mula sa likod kaya nabitawan ko sya
Nagulat akong napatingin sa likod ko pero walang tao
Inayos ko ang sarili ko at tinanggal ang unan sa mukha nya inihagis ko yun sa upuan dahil nakikita ko ng my mga doctor na papalapit pero hindi nila nakita ang ginawa ko
Nag arte naman akong parang nag aalala
"D-doc a-ano pong nang yari sakanya? Please doc i survive nyo po ang best friend ko"pagsusumamo mo
Muka namang naniwala ang doctor
Tsk mga madadaling mauto
Chineck na nila si yzel at naging normal naman na din sya
Lumabas na ang Doctor at pinasadahan ko muna sya ng tingin bago umalis sa room nya
Tsk! Sana namatay ka nalang eh! Ng wala nakong basurang poproblemahin
BINABASA MO ANG
SHE'S DEAD AT 18YRS OLD
SpiritualBabaeng naging isang kaluluwa dahil sa hindi inaasahang pangyayari,babaeng walang ka alam alam at nabuhay bilang isang Kaluluwa.