Sab's Pov
Nagmamadaling pumasok si tito sa kwarto ni yzel
Nag aalalang nakatingin sya saken
"Ok naba ang anak ko? Akong nangyari sakanya?"naaalarma nyang tanong
Nag roll eyes ako nung Hindi na sya naka tingin at nag salita ng parang wala Lang pero hindi ko yung pinahalata
"Hindi ko din po alam tito eh bigla pong nagsitunugan yung mga machines kaya po bigla ding nag sipunta dito ang mga doctor at nurses"sagot ko
Tumingin naman ako sakanya
I mean sakanila
A love of a father
Napakuyom ako ng kamao ko at nanatiling nakatingin sa kanila
Dapat ako yan eh
Dapat ako ang may ganyan eh
Pero bakit?
Bakit moko pinabayaan?
Bakit hindi moko hinanap?
Habang pinagmamasdan ko silang mag ama
Napaluha ako
Dali dali Kong pinahid ko yun baka makita pa nya
Pero hindi ko mapigilan
"Tito uwi po muna ako"paalam ko
Hindi nya ulit ako singot at nanatiling nakahawak ang kamay nya sa kamay ni yzel
Lumabas nako don
Pumunta akong parking lot at nag drive papauwi sa bahay ko
Pag dating ko don
Pinagtatapon ko lahat ng mga mahahawakan ko
Lahat ng madadaanan ko my mga bubog na nasa sahig
Araw araw akong nag wawala
Araw araw kong tinatanong sa sarili ko
Bat ang swerte swerte mo yzel?
Bat mahal na mahal ka ng daddy mo?
Bat parang wala kayong alam tungkol sa past ko?
Isang patak nanaman ng luha ang bumagsak sa pisngi ko
"AAAAAAHHHHHHHHH!!"
Binasag ko ang vase ang mga paintings ang mga naka display sa living roon lahat lahat
"BAKIT?! BAKIT BAKIIIIIT!!! AHHHHHHHHH!!!LAGI NALANG IKAW LAGI NALANG NASASAYO ANG LAHAT WALA NG NATIRA SAKEN! PATI SI ZACH NILALAYUAN NAKO NG DAHIL SAYO!!"
Nanghihina akong napaupo sa sahig at don ako humagolgol ng humagolgol
Yzel's Pov
Kanina pako naka sunod kay sab
At nagwawala sya ng hindi ko alam kung bakit
Ewan ko pero imbes na maawa ako galit ang nangingibabaw sakin
Nasisiyahan akong makitang ganyan sya
Napaupo sya sa sahig at doon humagulgol
Pinasadahan ko ng tingin ang bahay na to
Nililinis na ng mga maid ang kalat nya pero hindi sya nilalapitan
Parang nagdadalawang isip pa ang mga maid na lumapit para pulutin ang mga binasag nyang mga kagamitan
Tumayo sya at bigla namang napatigil ang mga maids sa ginagawa nila
Namumula sila na parang nakakita sila ng multo
Magsasalita na sana ang isa pero naglakad na si Sab pataas ng hagdan kaya sinundan ko sya
Pumasok sya sa isang kwarto
Siguro kwarto nya to
Isinara nya agad pero ako ito tumagos lang ulit
Kulay red ang kwarto nya
Malaki at maayos
Pero hindi ko bet ang style
Ampangit kasing pangit nya
Lumapit sya sa isang drawer at binuksan yon
Umupo sya sa tapat ng isang desk at inilabas ang laman ng kinuha nya sa drawer
Nagsimula syang humikbi
Linapitan ko sya at nakita kong pictures yun ni dad
Napapantastikuhang napatingin ako sakanya
At kinakabahang nagsalita
"Anong binabalak mo sa daddy ko ah?! Sinasabi ko sayo sa oras na may mangyaring masama sa daddy ko papatayin kita!"pero kahit anong gawin ko hindi nya ako naririnig
Hinawakan nya ang mukha ng daddy ko sa picture saka umiiyak na nagsalita
"D-dad"
Para akong mabuhusan ng isang malaking tubig na my madaming yelo
A-ano daw? D-dad?
Nakatingin padin ako sakanya
Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sakanya
"Bat hindi moko hinanap dad? Bat..bat hinayaan mo akong mawala?"tanong nya
"Anong sinasabi mo?! Dad mo ang dad ko?! Nasisiraan kanaba ng bait?! Hindi kita kapatid!"sigaw ko ulit pero wala syang narinig
Umiiyak padin syang niyakap ang pics
Anong pinagsasabi nya? Nahihibang naba sya? At bat dad ang tawag nya sa daddy ko?
Napatingin ako kay sab na umiiyak padin ng tahimik
Kaylangan ko tong sabihin kay zy gusto kong malaman kung bakit at kung bakit ganyan ang mga sinasabi nya as far as i know wala akong kapatid only child lang ako
Oo alam ko yun unti unti nading bumabalik ang mga memories ko nung buhay pako
Sana may maalala akong makakatulong sa kaso ko.
BINABASA MO ANG
SHE'S DEAD AT 18YRS OLD
SpiritualBabaeng naging isang kaluluwa dahil sa hindi inaasahang pangyayari,babaeng walang ka alam alam at nabuhay bilang isang Kaluluwa.