Mabilis kong sinara ang pinto. Sumilip ako sa labas at tama nga ang hinala ko. Mga patay nga ang may gawa ng kaluskus. Nanlilisik ang mga mata nila na para bang may hinahanap.
Mabilis kong inalis ang paningin ko sa bintana baka makita pa nila ako mahirap na.Ayaw ko pang mamatay.
Madilim ang buong bahay tanging liwanag na nangagaling sa bintana ang nagsisilbing liwanag dito sa loob.
Lakad dito....
Lakad doon..
Kapa dito...
Kapa doon...
Dahan dahan lang dahil wala parin akong maaninag.
Tumambad sa kin ang mahabang hagdanan paitaas. Nagmadali akong umakyat dahil na e-excite ako pero sa aking pag-akyat may napatid akong malamig na bagay dahilan para bumagsak ako dito.
Ano to?
Sinipa sipa ko ito ng mahina.
Mahaba ito na parang kasing taas ko la—Wait!
Kinapa kapa ko ito. At may nahawakan akong buhok.
Hmmm...
Ano kaya to?Kumunot ang noo ko....Bakit may—
Huminto na ako sa pagkapa dahil may narealize ako.
Wa'g mo sabihing.....bumagsak ako sa kanya?
Pano nangyari yun?
Konsensya: Nangyari yun minutes ago pa lang. Imposibleng malimutan mo.
Alam ko!
Bakit ba kasi sa may hagdanan pa siya nahiga!?
Nagpakawala ako ng mallit na fireball na sakto lang para makita ko siya. 'Di naman siguro kami mapapansin
Binuhat ko na siya at dinala sa taas. Isinandal ko siya sa pader at tiniklop ang mga binti para may umalalay sa naman sa kanya.
Di rin nagtagal ay gumalaw siya, niyakap n'ya ang sariling tuhod."Hey Ady! matulog ka na para tumaba ka naman!"
Na-i-imagine ko tuloy ang palaging sinasabi ni Howard tuwing oras ng tulugan.
"Oo Howard, matulog ka na din," malumanay kong turan.
Ipinikit ko na ang mga mata ko.
****
Unti unti kong ibinuka ang kaliwa kong mata tapos ang kanan naman.
Kinuskus ko ang mga ito.Antok pa ko!
Mga ilang oras pa lang simula ng ipikit ko ang mga mata ko hindi ko alam kong bakit bigla na lang akong nagising parang ang wierd lang.
Tumayo na ako sa pagkakaupo't inilibot ang paningin ko sa paligid, wala na mang kakai....
Waaaaah!!
Napasigaw ako sa sobrang gulat di ko namalayang hagdanan na pala ang sunod kong a-atrasan.Gumulong gulong ako hangang sa pinakadulo ng hagdanan. Di ko na magawang gamalaw sobrang sakit at nahihilo ako.
Pinilit kong gumapang sa kalapit na lamisa. Dahan dahan akong tumayo.Di ko na halos magalaw ang buo kong katawan. Nanginginig ang mga ito.
Mula sa paa'y dahan dahang gumapang ang lamig sa buo kong katawan. Hangang sa tuluyan na akong nasakup ng yelo at wala na akong maramdamang sakit, naging manhid ang lahat.
Tagumpay akong nakatayo na para bang 'di ako bumagsak sa mahabang hagdanan.
Nagulo na naman ang utak ko ng maalala ang dahilan kong bakit ako bumagsak.
BINABASA MO ANG
Kismet Tragic
FantasyAdison Midler is a witch. He have given a task to study human life for the purpose of bringing back the life of a dead human. Alison Quinsley a zombie itself, she lived with her step-father and later on decided to suicide. When the two of them meet...