D,
Tulala akong nakatitig sa nasa harapan kong prof na nagtuturo. Napabuntong hininga nalang ako ng pilit kong sinisik-sik sa utak ko ang sinasabi niya. Pero pumapasok lang sa isa kong tainga at lalabas sa isa. Napakamot ako sa tungki ng aking ilong sa sobrang boring. Pero bigla akong napatuwid ng upo ng biglang may pumasok sa classroom namin.
Nakanga-nga akong nakatitig sa lalaking nasa harapan namin. Pati ang prof ay biglang napatigil sa pagtuturo sandali ring napatulala sa itsura nito. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pag-guhit ng gulat na may halong pagkamangha sa mata ng mga babae kong kaklase. Nakakunot pa ang kilay ng ibang kaklase kong lalaki nang makita din nila ito. Tila hindi nila matanggap na may mas gugwapo pa sa mga itsura nila. Bigla siyang nagpakilala habang iniisa-isa niyang tignan ang mukhang nasa room. Tumapat ang mga mata niya sa gawi ko at saglit na nagtama ang paningin namin. Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla ko nalang nahagip ang maliit na ngiti sa labi nito. Nginitian ba niya ako? Iyan ang tanong na gumugulo habang nakatingin sa sapatos kong maalikabok na natalsikan ng tubig dahilan para magkaroon ng hugis mapa dito.
Nalibang ako sa kakaisip kaya hindi ko namalayan na umupo na sya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Tumingin ako sa gilid pero mata lang ang gumalawa tila takot na takot gumawa ng kilos na ikahihiya ko.
Marlanson.
Marlanson ang pangalan ng lalaking palagi kong gustong makita. Lalaking palaging hinahanap ng mga mata ko.
Napangiti ako sa sariling iniisip. Napakagat ako sa ibabang labi ng mapagtanto kung gaano kaganda at kabagay sa kaniya ang kaniyang pangalan.
Lalaking-lalaki ang dating. At mas lalong nakakagwapo sa kalagayan niya. Bagay na bagay.
Pero ang hindi maalis-alis at gumulo ng lubusan sa utak ko. Kaklase namin siya, sabihin na nating.. KAKLASE KO SIYAAAA! owemji!
- Amara