Mag uuwian ng matanggap ko ang sunod sunod na chat sakin ni Ely. Tinignan ko muna yung lecturer sa unahan bago ko pasimpleng inilabas yung cellphone ko at binasa ang chat nya.
~~~Elizabeth~~~
12:34
"Aba late ata lumabas si De Villa ngayon?"12:36
"Huy Ces, malalate na tayo mamaya, sabihin mo dyan sa teacher mo, paki bilisan naman ng onti"12:37
"Dios mio! Trenta minutos nang late si De Villa, ano yan? Afternoon tutor? "Agad kong itinago ang cellphone ko sa loob ng bag ko ng mapansing patapos na sa pag kakalikot ng laptop nya si Ms Shane.
Ms. Shane naman talaga tawag naman sa kanya-
-pag nasa loob ng classroom. Ayaw nya kasing tinatawag sya sa surname nya for "some personal" reason daw.
"Psst" dinig kong tawag ni Fatima mula sa likuran ko.
May inaabot syang papel sa akin na halatang itinupi ng madaming beses. Scratch paper siguro.
Agad ko naman itong kinuha binasa ang nakasulat.
"Pupunta ba kayo ni Ely mamaya? Balita ko madami daw pogi dun. Hehe"
Ang loka mas naexcite pa sa mga pogi hahahaha.
Natapos na ang pag sesermon ni De Villa samin noong hapon na iyon. Nakakapagod. Walang araw na pumasok syang hindi nanenermon.
"Ces!! Here!" Mula sa bench na kinauupuan ko ay nakita ko si Ely na nakasakay sa sasakyan nya malapit sa gate ng school namin kasama si Hershey.
Tumayo naman ako and chineck ang mga gamit ko kung may naiwan ba ako o wala. Nang masiguradong wala na akong naiwan at pumunta na ako sa gawi nila Hershey.
"Ces, kaloka yang teacher mo ha. Ano yon? Walang ibang pag kakaabalahan kaya kayo nung laging pinag aaksayahan ng oras?" ani ni Hershey na nakaupo sa may backseat ng kotse habang bukas ang bintana.
Agad naman akong pumasok sa kotse ni Ely at naupo sa may passenger seat. Kumuha ako ng tissue sa bag at saka pinupasan ang noo kong pulos pawis.
"Ewan ko ba dun, this is why I hate Fridays, kahit pa sabihin natin na half day lang pag Friday, hate ko parin. Laging si De Villa last subject pag Friday" singhal ko sa kanila.
Napatingin ako kay Ely at doon ko lang napag tanto na hindi pala sya pumasok. Masyado occupied ang utak ko sa mga panenermon ng lecturer ko kaya di ko napansin na di sya pumasok.
"Wag mo kong tignan, nilalagnat ako kaninang umaga kaya di ako pumasok" ani nya.
Ay nako teh, alam ko yang ganyan mo! Nag away lang siguro kayo ni Andrew.
Isinalpak ko ang headphones ko ang piniling umidlip.
-------------
Pag karating namin sa bahay ay dumiretso na ko sa kwarto ko upang maghanda para sa party ni Lilianne mamaya. 16th birthday nya kaya pinag handaan namin maigi.
Kasalukuyan akong nag tutuyo ng aking katawan ko mula pagkakaligo ng may kumatok sa aking pintuan.
"Can I come?" batid kong si Hershey iyon. Di ko sya sinagot, sa halip ay hinintay na lamang syang pumasok.
"Tita bought this for you" pag tutukoy nya sa mint green cocktail dress. Maiksi ang harapan nito bagaman mahaba ang likuran. Kasama ng dress ay isang mint green din na medium heel sandals.
YOU ARE READING
Have We Met Before?
RomanceCesealia Madeline Hispaniola is just a typical girl who lives peacefully with her loved ones. She managed to be at peace for the rest of her existence not until this person came into their life claiming that he's Cesealia's partner, but on the other...