Nag simula ang party ng masagana. Tabi tabi parin kami ng mga pinsan ko sa lamesang malapit kay Lilianne. Agad syang lumapit sa gawi namin upang kamistahin kami. Napakaganda nya talaga ngayon.
"Uy ate Ely! Di mo ata kasama yung boyfriend mo ngayon? Diba may invitation sya?" Pag tutukoy nya kay Andrew.
Paanong makakapunta eh nag away nga sila? At isa pa, ayaw ni Tito Ezequiel kay Andrew.
Nung minsan na sinubukan syang ipakilala ni Ely samin, tanggap naman namin sya, si Tito lang talaga ang may ayaw.
"Busy sya eh, tsaka alam mo naman, tumutulong sya sa family nya sa pag mamanage ng business nila" halata sa tono ni Ely ang pagkairita ng maging laman ng usapan si Andrew.
Humagalpak naman ng tawa si Matt. Jusko, kaya ayokong kasama to eh. Walang araw na hindi naninira ng trip.
"Yang ganyang boses mo? Hahaha, wag ako! Nag away kayo ng jowa mo no?" Kung ganoon ay hindi lang pala ako ang nakahalata sa tono ng boses ni Ely.
Biglang nag salubong ang kanyang kilay at pinagka titigan ng masama si Matt. Hindi na bago iyon, mapang asar talaga yung mokong.
"Will you please shut up? Sira na nga ang mood ko, sinisira mo pa lalo" napipikon na ani ni Ely.
Kumukulo na ang tyan ko kaya nag desisyon ako na kumuha na ng pagkain, kanya kanyang serve kasi. Pwera nalang sa mga wine na ang mga waiter at waitress ang nag seserve.
Ngunit bago pa man ako makatayo ay pinigilan na ako Yuan at nag presinta na sya na ang kukuha ng pagkain naming lahat.
Habang abala ang lahat sa pag kkwentuhan ay bigla namang pumasok sa isip ko kung sino kaya ang lalake kanina. Halatang nag mamasid sya ngumit hindi ko batid kung para saan.
"You know what? Ang tahimik mo ngayon" pabulong na sambit ni Kuya Lance sa tabi ko.
"Ano kasi," hindi ko alam kung saan sisimulan dahil hindi ko din naman alam kung napaparanoid lang ba ako o ano.
"Ano??" Nag hihintay nyang sagot. Nakataas pa ang dalawang kilay nya at naka pangalumbaba. Lumapit sya sakin ng bahagya, ipinapakita ang pakikinig nya.
"May lalaki kanina" kinakabahan ako habang sinasabi ko iyon. Hindi ko alam kung tama bang sabihin.
"Lalaki? Madaming lalaki dito ngayon. Ako, lalaki ako." Kahit kelan talaga puno ng sarkasmo ang utak.
"Lalaki nga, nakasilip sa bintana" hindi ko mawari kung bakit tila may kaba talaga sa aking dibdib ng sabihin ko iyon.
"You mean parang nag mamatyag?" Nakuha nya ang ipinaparating ng tinig ko. Tila iisa ang laman ng utak namin.
"Yeah, hindi ko alam kung sino basta naka cap sya. Nung ituturo ko sana sya kay Matt bila naman syang nawal---"
"What are you guys murmuring about?" Naputol ang pag sasalita ko ng dumating si Yuan na may bitbit na pag kain.
Nag katinginan kami ni Kuya Lance at binigyan ko sya ng makahulugan na tingin na nag sasabing kami lang dapat ang maka alam nito.
Hindi sya nag salita at batid kong gusto nya parin itong pag usapan mamaya.
"Nothing. Let's eat. What do you have in that plate?" Pag iiba ko ng usapan ngunit hindi nakatakas sa mga mata ko ang nag tataka nyang tingin.
YOU ARE READING
Have We Met Before?
RomantizmCesealia Madeline Hispaniola is just a typical girl who lives peacefully with her loved ones. She managed to be at peace for the rest of her existence not until this person came into their life claiming that he's Cesealia's partner, but on the other...