Hunter's POV
"Uuwi na ako" Pag-alis ko sa bar stool at medyo humawak sa counter upang maalalayan ang sarili ko.
"Tss, uuwi nga ba?" Tiningnan niya ako na parang sobrang imposible na umuwi ako.
"Uy ano yung naririnig kong uuwi uuwi ha? Kakarating ko lang bat may uuwi na?" Pag-singit ni Andre na kararating lang at pormang porma.
"Kalanan ko bang late ka na dumating? It's 4 am already and It's way too crowded here" Reklamo ko.
"What do you expect? 24/7 bukas tong bar na to kaya maraming dayo" Sarcastic na sambit ni Jude.
"Men daya mo naman"
"Shut the f*ck up"
"Tingnan mo ikaw nagyaya tapos mas nauna ka pang nalasing si Jude nga mukhang hindi pa umiinom tas ikaw mukha kang naluging unggoy"
"Lol, I'm not drunk"
"You can't drive"
"I can" Inis na sagot ko.
Gustong gusto ko na umalis sa lugar na to. Nakakahilo ang mga taong nasa paligid ko kahit mataas ang alcohol tolerance ko.
"Sinong niloko mo" Tiningnan ko siya ng masama.
Kinuha ko na yung susi at wallet ko sa counter at nag-lakad ng mabilis palayo sakanila.
"Bahala ka nga sa buhay mo" Huling rinig kong sigaw nila.
-----------
Nakatayo ako sa isang cliff ngayon. My mind is clouded. I wanted to jump and drown myself, but there's also a part of me that wanted to live.
I want to live for my mom.
I don't want to die yet. But I want to.
Hindi tulad ng sa ibang parte ng dagat na sobrang lakas ng alon, dito ay mapayapa at mahina lang ito.
Tumingin ako sa tubig sa baba. Pero kahit anong tingin ko ay hindi masukat kung gaano ba kalalim ang tubig. Kasi kahit anong tingin mo kung titingnan mo lang, hindi mo malalaman.
Kailangan mong sisirin.
"HOY!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki na sinubukan pang kunin yung braso ko pero dumaplis nalang ang kamay niya.
Ramdam ko sa balat ko ang lamig ng hangin habang dire-deretso ako sa pag-bagsak pababa.
I just closed my eyes until I felt the cold water that touched my skin then my whole body.
I know I'm not strong enough, but I'm trying.
I'm not killing myself.
I just want to feel alive.
It felt just like this that time.
Ramdam kong may humawak sa magkabilang balikat ko at inangat ako sa tubig ibabaw.
"Tanginang tao to papakamatay na nga lang idadamay pa ako" rinig kong bulong nito sa sarili na inis na inis.
Ramdam kong dinala ako nito sa dalampasigan pero hindi ko minulat ang mata ko.
"Hindi kita kilala pero kahit gaano man kasama yang problema mo, hindi solusyon ang pagpapakamatay pre" Pagsasalita nito habang nakaupo sa buhangin malapit sakin dahil naririnig ko ang paghinga niya.
Tss, hindi naman kasi ako magpapakamatay.
Nang narinig ko na tumayo na siya at naglakad paalis ay minulat ko na ang mata ko at tinitigan ang buwan.
Mom kung nakikita mo man ako, I'm sorry. I know that you won't like what I'm doing, but I'm barely living.
------------
Akumu's POV
Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan ng maliit naming tahanan.
"Oh bakit ang aga mong umuwi? Ano? Tinatamad ka na magtrabaho? Hindi ba't sinabi kong umuwi ka kapag marami ka nang dalang pera? Eh punyeta pano tayo aangat niyan kung tatamad tamad kang babae ka!" pasigaw na bungad ng aking ina na namumula pa ang mukha dahil sa kalasingan.
"Galing ako sa trabaho, maagang nagsara"
Yun naman ang totoo at imposibleng makakuha agad ako ng maraming pera dahil once a week lang ang pag-sahod ko.
"Aba't talagang magpapalusot ka pa?!"
Pero hindi siya maniniwala.
"Hindi ako nagpapalusot" Walang emosyon kong sagot.
"At sumasagot ka pa! Wala ka talagang kwenta! Para kang tatay mo!"
Hindi ako katulad niya.
"Alam ko na para wala kang lusot sa trabaho trabaho na yan huwag ka narin mag-aral! Mag-drop out ka na!" Tinitigan ko siya ng hindi makapaniwala sa mga narinig ko.
Sobra na.
"Bakit ko gagawin yun?" Pilit na tawa kong saad.
"Gawin mo para makatulong ka sakin" natawa ako ng bahagya.
Makakatulong sayo yun? Hindi.
"Nanay ba talaga kita?" Mapait na pag-sambit ko sa mga salitang iyon.
"Tinatanong mo kung nanay mo ako? Eh kung palayasin kaya kita ngayon?!" Dinedma ko ang sinabi niya at nagdire-deretso sa kwarto ko. Ini-lock ko ang pintuan at umupo sa tapat nito.
Kahit lasing siya o hindi, masakit siya magsalita. Alam kong nasasabi niya lang yun dahil sa galit niya. Pero ang hirap.
I've been living in a hell my whole life.
Ganitong scenario nalang ang palagi kong nadadatnan tuwing umuuwi ako. Hating-hati ang oras ko sa pag-aaral at pagt-trabaho.
Lumapit ako sa durabox at kinuha ang isang papel doon na may kasamang larawan. Tinitigan ko ang larawan at liham ng matagal pero nahagip rin ng mata ko ang isang kwintas na katabi ng pinaglalagyan ko ng papel.
Pinunasan ko ang luhang kumawala sa aking mga mata habang nakatingin ako dito.
Buong buhay ko nag-asam ako na makaramdam ng pagmamahal niya.
Hinintay kong bumalik siya.
Pero walang bumalik dahil kahit kailan, hindi na siya babalik.
BINABASA MO ANG
HIRAETH
AdventureA person who forgot everything about its past and seeks for the truth, a person who seeks justice and happiness, a person who wanted to have a peace of mind, and a person who wants nothing but to forget. Four different persons were united by fate, t...