Chapter 3

6 0 0
                                    

Hunter's POV

Nasa tapat ako ng bahay namin.

Or should I say nila?

I want to see this house for the last time.

Nasa loob parin ako ng sasakyan ko, nagdadalawang isip kung papasok ba o aalis nalang ulit. Nakapag-palit na ako gamit ang mga extra kong damit.

Hindi kalaunan ay bumaba na ako. Mula dito ay kita kong naka-bukas pa ang ilaw sa sala kahit maliwanag na.

Pumasok ako sa loob gamit ang spare keys ko. Nang maka-pasok ako ng tuluyan sa loob ng bahay ay nilibot ko sa paligid ang mata ko.

"Hunter anak! Huwag ka tumakbo wag mo na pahirapan ang mommy na habulin ka"

"Anak ingat sa pag-akyat ng hagdan baka malaglag ka"

"Maligo ka na ang bantot bantot mo na kaka-laro"

Sobrang daming alaala ang naipon sa bahay na 'to. Mga alaalang hindi ko makakalimutan.

"Anong ginagawa mo dito?" Nilingon ko ang babaeng naka-upo sa sofa at umiinom ng tsaa. Prente itong naka-upo at naka-tingin.

She's now my step-mother huh?

"It's also my house" Pag-balewala ko sakanya at nagdire-deretso papuntang kusina para kumain.

"Well not anymore" Huminto ako saglit pero agad din tumuloy sa kusina.

I know.

Kumuha ako ng apple sa counter at kumagat dito nang makarinig ako ng yabag na pababa ng hagdan.

"Hon gising ka na pala" Rinig kong pag-sasalita ng step-mom ko.

"Hon, next week pa tayo makakapag-honeymoon, tatapusin ko lang yung case ni Mr. Rodriguez. Are you fine with that?"

He's a lawyer.

"Yes, It's fine" she answered without any interest in her voice."By the way, fix this first"

"He's already here?" Pagtatanong nito. Nakatalikod ako mula sa pintuan ng kusina habang naka-sandal sa counter, kumakain parin ng apple.

"Yes, nasa kusina" Narinig ko ang yapak niya na papalapit ng papalapit sa akin. Huminto ito sa tatlong hakbang malayo sa kinatatayuan ko.

Rinig kong bumuntong hininga ito bago mag-salita."Hindi ka na titira kasama namin, anak"

Alam ko na yun bago pa niya ianunsyo na papakasalan niya ang kabit niya. Alam kong mangyayari ito. Pero hindi ko talaga mapigilan na hindi mainis sa pag-tawag niya sakin.

"Anong meron sa pag-tawag mo sakin ng anak ngayon dad?" Sarcastic kong tanong.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ko tinawag na anak kahit isang beses, so what's up with the word" Hinarap ko siya ng dahan-dahan at nakita ko ang tatay kong nakapantulog pa at naka-kunot ang noo habang naka-tingin sakin. Samantalang ang kanyang bagong asawa naman ay naka-upo parin sa sala at mukhang nakikinig lang.

"Why? Because I'm supposed to do you a favor by leaving?" Pilit kong nilalabanan ang galit ko at kinakalma ang sarili ko.

"Where's your respect?" Ma-awtoridad na wika nito.

It was long gone.

"Listen Hunter, you're old enough to start on your own" I stared at him analyzing his face. My eyes ended up with his.

I hate to admit that I still need him. I still need my father. Pero kahit kailan, kahit nandyan siya sa tabi ko...

It felt like he's never there.

"Please" Iniwas ko ang mata ko at tumingin sa malayo.

"What?" Halatang nawawalan na ito ng pasensya dahil sa bahid ng naiinip na tono nito.

"Stop making excuses. If you want me to leave just tell me to leave. Stop doing what you've been doing ever si--"

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang dumapo ang kamao niya sa gilid ng pisngi ko.

"Bakit? Akala mo walang makakaalam?" Malumanay na tanong ko habang naka-yuko parin.

"Get out" Tumingala ako at pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko. Hindi na ako nag-salita at naglakad na palabas ng bahay. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

Sabi nila kapag lalaki ka pero umiiyak ka, mahina ka. F*ck that shit.

"Hunter" Huminto ako nang marinig ko ang boses niya. That voice really irritates me.

"You can't go back from now on" She said with a hint of happiness and triumph on her voice. Pero halatang pinipilan niya ito.

Wala naman na talagang point kung babalik pa ako.

I turned to her. "Masaya ba?" She seems surprised by my sudden question.

"What are you ta-"

"Ang manira ng pamilya ng ibang tao? Nakuha mo na lahat. Masaya ka na?"

Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at tumalikod na ako.

------------


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HIRAETHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon