"HOLDAPPER"

283 8 12
                                    

Chapter 5

12/28/14

YES NAG UPDATE DIN AKO HAHAHA. SA NAG ADD NETO SA RL NILA SALAMAT NG MARAMEEEE. PINASAYA NYO KO :*))

~

Nagising ako ng may sumisilaw saking mga mata, Minulat ko ang mga mata ko at, Natagos sa manipis na kurtina yung sinag ng araw, Ambilis naman, parang kakatulog ko lang tapos umaga na?

Nag unat ako at inayos na ang kama ko, Sya nga pala, nakalipat na ako ng bagong apartment,hindi na sya condo tulad ng dati, isang simple at sakto lang para sa isang tao ang apartment ko. Nakakamiss din sila auntie at uncle. Naglakad ako papuntang kusina, Nag timpla ako ng kape at bumalik sa sala, Binuksan ko ang TV at ang bumungad sakin ay ang muka ni Sho.

Muntikan na akong mabilaukan, Ibang iba talaga sya pag nasa TV, Tss kung makangiti akala mo mabait! Sus ang sama naman ng ugali!

"Kamusta ka Sho?" Tanong ni Taylor Yung host netong The Taylor Show

"Mabuti" sabi naman nya ng nakangiti paren,Tilian yung mga guest, tss.

"Balita ko may Girlfriend ka na daw Sho ha?" Sabi ni taylor

"Ahaha, oo nga e nanonood sya ngayon, Hello Babe" sabi nya ng nakaharap sa Camera, WTH?! nabilaukan na talaga ako ngayon

Letseee ka Sho pag ako namatay ng dahil sayo hindi kita papatahimikin.

Nakita kong nag "aaahhhwww" ung mga guest at nag pout ung iba.

"Omg,confirm na nataken ang ating King Hearthtrob, So sino ang maswerteng babae?" Tanong pa ulit ni taylor

Tss, may girlfriend naman pala ang loko, Tapos sasabihin nya ayos lang na maging gf nya ko. Ginawa pa kong kabit neto. Pinagpatuloy ko ang pag inom ko ng kape ng muli syang nagsalita

"Hindi ko pwede sabihin e, Hindi kase sya artista o miski public figure." Teka teka, maari ba ako ang tinutukoy nito?!

"Ang sweet naman talaga" sabi pa ni taylor

"Bago mag tapos ang 3 minute talkshow naten ano ang gusto mong sabihin sa gf mo?" Sabi ni taylor na kinikilig

"Kaen ka na ng breakfast mo babe" sabi nito. At muli nag tilian ang mga tao.

Pinatay ko na ang lesheng tv, at nagpatuloy sa pag inom ng kape. Hindi ko na tatawagan yung Asungot na yon, Sa iba nalang ako manghihingi ng tulong!

Nag ayos na ko at lumabas ng bahay, Walang ligo ligo. Paglabas ko nagpara agad ako ng Tricycle at pupunta pa ko ng TV6 Mag aaudition ako don, Ayoko na manghingi ng tulong sa Sho nayon.

-TV6-

Pagpasok ko, andaming babae sa loob, yung iba pa hindi mag ka undagaga, yung iba naman talon ng talon, Yung totoo? Mental ba to, hindi ako nainform.

Nagpunta ako sa Receptionist, na sa tingin ko e wala rin sa sarili

"Miss!" Sabi ko sa babaeng receptionist, Hindi manlang lumingon ang girlaloo na to, Aba naman teh, ayos trabaho mo a, patanga tanga lang

"MISS!" sabi ko at pinitik ko ang mga daliri ko sa harapan nya.

"Ay po mam ?!" Sabi nya  pero hindi sya sakin nakatingin, sino ba kase tinitingnan neto? may tao dito sa harap nya ayaw nya tingnan,

"Miss kausap kita diba? san ka ba nakatingin?"

"omg ayan na sya!!" huh? sino? may multo ba sa likod ko? titingin nasana ako sa likod ko ng may humawak sa mga braso ko, pag harap ko nakita ko ang pagmumuka ng taong kinaiinisan ko.

"WHAT THE" sabi ko ng ngumiti sya, kung katulad lang ako ng mga fan girls nya tiyak kanina pa ako hinimatay sa sahig at naglumpasay sa kilig, ay pwede ba yon?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya, buti nalang nakashades tong mokong na to, baka kung totoong mata nya ang tinitingnan ko ngayon, baka na duling na ko sa sobrang lapit

"Wala ka na don" sabi ko at inalis ang braso ko sa pagkakahawak nya.

mas lalo syang lumapit sakin at bumulong

"Hmm, e paano kaya kung sabihin ko na, holdapper ka?"

"EDI SABIHIN MO" sabi ko sakanya, ha akala nya naman ma bablackmail nya ko, pero sa totoo lang kinakabahan ako sa lalaking ito

"HELLO PO!" sabi nya ng malakas, para marinig ng sambayanan,

"HOLDAPPER PO SYA< NUNG NAKARAAN LANG PO AY HINOLDAP NYA AKO" nanlaki ang mga mata ko ng sinabi nya yon, abayga tong lalaking to ah! magsasalita na sana ako ng yakapin nya ako

"HOLDAPPER PO SYA NG PUSO AT NANGHINGI SYA NG RANSOM, KAYA PATI UTAK KO SYA NA LANG PALAGI ANG INIISIP" ngumiti sya yung pang artistang ngiti, ang galing talaga umarte neto, nagtilian naman ang mga babae don, at yung iba sinabing ay sila? di bagay ampanget nung girl

PERO HANUDAW???! nakayakap parin sya sakin at hindi mapigilan ng puso ko tumibok, ALANGAN NAMANG HINDI TUMIBOK?!, pero iba kase to parang sasabog, hala ito ba yung tawag sa natatakot? napalunok ako, tama nakakatakot nga si sho, kaylangan ko ng lumayo sakanya baka mamatay pa ko sa atake sa puso.

The Perfect REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon