Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng sakit. Siya lang naman yung unang babaeng minahal ko. Sino ba'ng hindi magkakagusto kay Aubry Dela Rosa na sa ganda niya'y walang makakapantay? Matalino rin siya. Maputi. Maganda ang hubog ng katawan, lalo na't mahilig siyang magsuot ng maiikli at fitting na damit –shorts man o t-shirt.
Dito kasi sa amin, ang kokonserbatib ng mga babae, kapag nagsuot ka ng maiikling damit, tatawagin kang malandi, pero pag pumunta ka naman sa mga malalaking syudad, normal lang naman yung ganoong mga suot. Pero para sakin, huhusgahan ka rin naman ng tao kahit ano pa yang suot mo. Kahit mala anghel ang dating at pormahan mo, may masasabi talaga ang tao. Mahahanapan ka talaga ng mali, kaya't suotin mo ang kahit anong damit na gusto mo. Mas kilala mo ang sarili mo kaysa sa kanila. Hindi naman siguro kailangang magustohan ka ng lahat; ang mahalaga mahal mo ang sarili mo.
Sikat rin si Aubry sa subdivision namin, lahat ata ng lalaki napapalingon niya ng walang palya. Mabait rin siya. Tumutulong sa kapwa, sa mga nangangailangan at malinis naman ang intensyon niya.
Okey na sana ang lahat, eh kaso nung nagpahouse party siya, bigla siyang naglaho.
Tawag ako ng tawag pero hindi talaga sinasagot. Nag alala ako ng nag alala, baka ano na ang nangyari sa kaniya. Hinanap ko siya ng hinanap pero wala talaga. Pumunta ako sa kubeta na nasa ikalawang palapag ng bahay nila, pero iba yung andon; dalawang lalaki na naghahalikan. Isinara ko uli yung pinto na parang wala akong nakita at dali dali akong naglakad patungo sa tapat ng kuwarto ni Aubry.
Huminga ako ng malalim. Sana di nila ako napansin. Wala naman akong problema sa mga lalaki na kapwa lalaki rin yung gusto, yun nga lang sana isinara nila ng maayos yung pinto.
Napakalakas ng musikang pinapatugtog nila sa ibaba na parang nahihilo ako kaya't sumandal ako sa pinto ng kuwarto niya. Tinext ko si Brian, kaibigan ko.
"Pre, nakita mo ba si Aubry?" Nag antay ako ng ilang minuto sa reply niya pero sobrang nag eenjoy ata sa party. Hindi ako mapakali at tinext ko na rin si Aubry. Antanga tanga ko, ba't ngayon ko lang naisip na mag text sa kaniya.
"Saan ka" sinend ko agad. Ganyan lang dapat. Walang question mark para mukhang galit yung tono. Nag antay ako pero hindi talaga nag reply. Tinawagan ko ulit si Aubry. Nag ring. Pero ba't parang naririnig ko yung ringtone niya sa loob ng kwarto niya? Binaba ko yung nagriring na call at biglang nag reply si Brian.
"Nakita ko siya kanina, kasama niya yung si Mark"
Napaisip ako habang nakasandal sa pinto ng kuwarto niya. Iba talaga yung kutob ko pero hindi ako pwedeng mag assume na may ginagawa siyang masama, wala akong proweba eh. May tiwala naman ako kay Aubry na hinding hindi niya yung gagawin sakin, may mga panahon lang siguro na kahit alam kong hinding hindi niya yun gagawin o wala siyang ginagawang masama hindi parin ako mapakali.
Ganito talaga siguro no? Kapag mahal mo yung tao ipagdadamot mo talaga siya, tulad ng mga paborito mong damit mo. Ayaw mong mawala.
Pinakalma ko yung sarili ko. Huminga ako ng malalim para mailabas ko ang maibigat kong pakiramdam. Pilit kong pinapaniwala sa sarili ko na mali yung kutob ko at na mahal na mahal ako ni Aubry. Hinding hindi niya ako sasaktan. Humarap ako sa pinto galing sa pagkakasandal ko rito. Tinawagan ko siya ulit at nag ring na naman.
Dahan dahan, habang nanginginig yung pawis na pawis kong kamay, binuksan ko yung pinto. Kabadong kabado.
Pero. Wala. Wala si Aubry.
BINABASA MO ANG
Mirasol
Ficção AdolescenteSummer, 2016. Si Alonzo Arches, isang seventeen year old na lalaki na di mapigilang matulog sa klase kaya't pinalabas at nagbago ang kanyang mundo.