Chapter Two

60 10 1
                                    

Dali dali akong  bumaba. Bakas ang pawis ko sa kulay gray kong v neck t-shirt na may nakasulat na Japanese sa harap. Di ko rin alam kung anong ibigsabihin nun. Naka black, ankle length, slim-fit  trousers rin ako at; naka casual shoes na kulay maroon. May suot rin akong gintong relo at singsing na bigay ng mama at pilak na kwintas na bigay ng papa.


Lumabas ako sa kanilang bahay, para magpahangin. Nag antay ako kay Aubry, baka kasi bumili lang ng alak; di makasagot sa mga tawag at text ko kasi nagdadrayb. Nakatayo lang ako sa may gilid ng kalsada, kinapa ko yung kanang bulsa ko at naramdaman ko yung bukol na dulot ng lighter. Kinuha ko yung yosi na nasa kabilang bulsa at sinindihan ito. Nag isip ako kung anong maihahambing ko sa isang yosi. 

Mahilig akong maghambing ng mga bagay bagay. 

Katulad ng isang  bag  na maihahalintulad ko sa mga problemang pinapasan ng mga tao araw-araw at; maskara na maihahambing ko sa panlabas na emosyong pinapakita ng isang tao.

Sa tingin ko naman ang yosi na nasa kamay ko ngayon ay maihahambing ko sa pagmamahal ni Aubry para sa'kin. 

Umaalab nga, paubos naman ng paubos. 

Alam ko'ng mahal niya ako pero iba yung kutob ko. Pinaparamdam niya sakin na mahal niya ako pero pero ba't parang napipilitan nalang siyang mag stay. Paubos na nga ba talaga? Kailangan ko ng reassurance

Reassurance is not only applicable sa feeling na nag che-cheat yung other half mo, it is also applicable sa feelings. Yung kailangan mo ng reassurance hindi dahil feeling mo may iba siya, pero kailangan mo ng reassurance dahil ramdam mo na hindi ka na niya mahal. Gusto kong malaman kung gusto niya parin ba ako kasi siya lang talaga yung gusto ko.

Hindi kasi nawawala sa isip ko yung sinabi ni Brian na may kasama siyang lalaki, na may kasama siyang iba. Kung kailangan niya ako, andito naman ako.  

Kaming mga lalaki kailangan rin namin ng reassurance. Mahal namin eh. Matino ako sa kaniya eh at siya lang talaga yung gusto ko.


Ilang minuto na ang nakalipas,  wala paring Aubry na dumadating. Naka ilang text at tawag na ako, pero hindi naman sinasagot. Pumasok ako uli sa bahay at tumungo sa kubeta nila. Umaasa ako na wala na yung dalawang lalaki na naghahalikan  —kung andon pa man sila, sana'y isinara na nila ng maayos ng di na mabuksan at walang makakakita. 

Meron talagang mga bagay na dapat kayo lang dalawa ang nakakaalam at naangkop ito sa lahat ng klaseng relasyon, homosexual o heterosexual na klaseng relasyon. 

Take note: not everyone has to know everything.

Kumatok muna ako sa pinto ng kubeta, walang sumagot pero may babaeng umuungol sa loob. Napakamot ako sa buhok ko.  

"Anak ng puta" Bulong ko at sinuntok ko ng mahina yung pinto at biglang lumakas yung ungol na  galing sa loob. Nagpasya na lang ako na iihi ako labas ng bahay.

Habang pababa ako ng hagdan, nakasalubong ko si Mark.

"Excuse" bulong niya, medyo aggressive.  Sinundan ko siya sa itaas at huminto ako malapit sa may hagdan, napansin ko na may chikikinini siya sa leeg niya. Nakatingin lang ako sa kaniya habang patungo siya sa kubeta. Sinubukan niyang buksan yung pinto pero di siya nagwagi at sinandal niya yung ulo niya rito. 

Talo talaga tayong lahat sa mga malalandi. Sana all nagsesex.

"Maghanap kayo ng lodge!" Sigaw ko. 

Huminga siya ng malalim, lumingon at lumitaw yung mga mata niya sa kinatatayuan ko. Mahaba yung buhok niya, abot panga at naka butterfly pa. Matangos ilong niya. Moreno. 

Naka skinny jeans siya at naka polo na itim na halos lahat ng botones ay bukas.


Dahan dahan siyang lumapit at inabot niya yung kaliwang kamay niya at inabot ko rin yung kanang kamay ko. Di kami makapagkamay. Maling kamay inabot niya eh, sino ba mag aadjust? Sorry tol, ma pride ako. Ikaw mag adjust. Ibigay mo yung kanang kamay mo.

Tinitigan niya lang ako sa mata at dahan dahang binaba yung kamay niya.

"Mark, tol" pakilala niya sa sarili niya, kalmadong kalmado. Maaamoy mo yung alak at yosi sa mga hininga niya, nakarami ata.

"Alonzo. Alonzo Arches" sagot ko.

Halatang hilong hilo na siya. Pinikit niya yung mga mata niya at nag-abot na yung dalawang kilay. "Wala, tol . Sorry. Nakit—" itatanong ko na sana kung asan yung pinakamamahal kong babae.

"Nakita mo ba si Aubry?" tanong niya. Nagulat ako. Anong kagagohan to

"Ha? Hindi ba kayo nagsama?"

"Hindi kami nagsama, boyfriend at mga kaibigan ko yung kasama ko buong oras. 'Pag nakita mo siya pakisabi  nalang na umuwi na Kami ni Jared"

Di ako makapaniwala sa narinig ko. Di ko alam kung saan ako mas magugulat; yung nalaman kong hindi sila nagsama ni Aubry o yung may boyfriend siya?

MirasolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon