Teaser

12 4 0
                                    

Sa ilalim ng tulay natutulog ang isang palaboy at namumulot ng mga basura't bote na nagngangalang Bonsai. Naalimpungatan ito ng may tumamang liwanag sa kanyang mukha ga'yong hatinggabi na.

Napamulat siya ng mata at bahagyang inangat ang ulo mula sa kanyang kinahihigaan. Sa di kalayuan ay may natanaw siyang isang bulto ng lalaki. May hawak itong flashlight sa kanang kamay habang isang itim na garbage bag naman ang sa kaliwa.

"Doon ba talaga siya magtatapon ng basura?" tukoy ni Bonsai sa lalaking sumira ng tulog niya.

"Ang mga taong may pinag-aralan pa talaga ang mga malalakas bumastos sa kalikasan. Isa pa, hindi ba nila naiisip na amoy putragis na ang mga ito?" dagdag pa ni Bonsai habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.

"Pero sabagay, nakaranas na rin naman akong tumira sa mga mababahong lugar at nakaamoy na rin naman ako ng mga basurang mas mabaho pa diyan." bulong ni Bonsai sa sarili habang inaayos na muli ang kanyang paghiga. "At tsaka kahit ano pa iyan ay wala na akong pakialam diyan. Maaga pa ang gising ko bukas para makarami." huling wika niya sa sarili bago muling magpikit ng mata noong makitang umalis na ang lalaki.

Ilang minutong katahimikan ay maririnig ang mahihinang kaluskos. At mula sa makapal na halamanan ay lumitaw ang isang ulo ng batang lalaki.

SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon