Ako si Mika..mayroon akong sakit sa puso,well ganoong talaga Ang buhay,Hindi dapat perfect.
Pero Kung meron man Sana akong pwedeng mahihiling..Yun Yung Sana mabigyan ako Ng Bagong Heart Transplant.
Maldita ako,pero ginagawa ko Lang Yun para maipakita ko sa mga Tao na Hindi ako Basta Basta mahina.
Minsan Yung galit ko nauuwi sa Luha..
Mayroon akong kaibigan? Hindi ko alam.Basta lagi nya akong kinukulit pero iritang irita ako sa ugali nya.
Mabait sya pero..ayoko talaga sa kanya,minsan nga napagsasalitaan ko na sya Ng masasama pero ni minsan Hindi nya man Lang ako tinigilan.lagi nyang sinasabi
'kaibiganin mo na Kasi ako..'
Hayst!
"Hi mikmik!"muntik ko Ng mabuga Ang iniinom kong kape sa kanya.
"Ano ba Wilmark?!"sigaw ko
"Hayst..kakaibiganin mo na ba ako?"pa-cute nyang sabi,umiling ako sa kanya,aktong tatayo na ako Ng hinila nya ako paupo."Kung ayaw mo ako kaibiganin.. boyfriend na la--AWW!"Pinitik ko Yung noo nya Ng malakas
"Tigilan mo na ako!,Wala ka Rin Namang Kwenta"nakita ko sa mga Maya nya na masaktan syaHindi ko Naman ginusto Yun eh,ayoko Lang talaga na may maawa sa kalagayan ko.
"Ayoko nga."seryosong Sabi nya
"Hindi Kita kakaibiganin tandaan mo Yan!"tumayo ako sa upuan ko at lumabas Ng room para kumuha Ng kakakain sa canteen.Kinapa ko Ang bulsa ko para icheck Kung andoon yung--
"Nawawala..nawawala yung Reseta ko"Dali Dali akong pumunta Ng classroom Nakita Kong hawak hawak ni Wilmark Yung Binigay sa'kin na Reseta.
Agad ko itong kinuha.
"Bakit ba nangengealam ka?!"galit Kong Sabi,halos lahat sa room napatingin sa'kin.
"Nahul--"
"Wala akong pakialam! Kung nahulog edi Sana nilagay mo Lang sa ibabaw Ng desk ko!"Hindi ko na sya pinatapos mag salita.
"Huminahon ka..bakit Hindi mo sinabi na may sakit ka sa puso?"malungkot nyang Saad.Nagsimula Ng magbulungan Ang mga kaklase namin.
"Ang taray taray nya may sakit Naman pala sa puso"
"Sana walang mag donate Ng heart Transplant sakanya"
"Bida-bida Wala Naman palang maayos na puso"
Bigla akong nakaramdam Ng hapdi sa mata ko,na dahilan para tumulo Ang mga luha ko.
"Tigilan nyo si Mika!"sigaw ni Wilmark pero Hindi parin sila tumigil
Bigla akong nakaramdam Ng paninikip Ng dibdib..Hindi ako makahinga.
"Ano ba?! Sabing tumigil na kayo eh!"sigaw ulit ni Wilmark.
Sa sobrang iyak ko,nahirapan na akong huminga,nandidilim Ang paningin ko.Nakikita Kong sumisigaw si Wilmark pero Hindi ko na sya masyadong marinig.
Naramdaman ko nalang na natumba ako sa sahig..ipinikit ko Ang mga mata ko dahil nakaramdam ako Ng antok.
Dyos ko..kayo na po Ang bahala sa'kin.
Wilmark's PoV
Nakita Kong nakahiga sa sahig si Mika,kaya Dali Dali akong pumunta sa kanya at buhatin sya.