"Aalis ka na naman?" natigil ako sa pag aayos ng gamit ko dahil sa boses ni kuya.
"Hey," bati ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "I need to visit tita and Ford"
"Again?" napakagat labi ako at tumango.
"Ginawa ko naman ang mga dapat tapusin diba? May kailangan pa ba akong gawin?" I asked him. He shook his head immediately.
"But look at yourself Iyah. Nakikita mo ba kung gaano kahalata na pagod ka na?" alam ko naman iyon. Hindi na din ako masyado nakakakain dahil wala na akong oras.
Marami akong trabaho at responsibilidad na kailangang gawin.
"Hindi ako pagod kuya. I am still healthy" depensa ko sa kanya.
"Talaga? Iyah naman.. hindi ko sinasabi na maghiwalay kayo ni Ford. But please, give time to yourself. Please rest" umiling agad ako sa sinabi n'ya
"Mas kailangan ako ni Ford kesa ng sarili ko kuya. I can handle don't worry." Isinukbit ko ang bag ko at dadaanan na sana s'ya but he held my arms tight.
Nahulog ang hawak kong cellphone at hindi ko agad iyon nalimot dahil hindi ako makakilos.
"Sariyah.. listen to me before everything go worst" wala sa sarili kong inalis ang kamay n'ya sa braso ko.
"I can handle kuya, no pressure" nilimot ko ang cellphone ko at nagmadaling lumabas ng opisina.
Sumakay ako sa kotse ko at dumaan sa starbucks para bumili ng kape. Sobrang kulang na ako sa tulog. Pero hindi ko naman iyon kailangan na iinda. Ford was the one who's suffering. Mas mabigat pa sa katotohanan na hindi s'ya nakakatulog dahil may mas mabigat s'yang rason. Ang sakin sobrang babaw lang.
Ford needs me. And i'll not going to leave him.
Noong nagcelebrate nga kami last month ng 5th year anniversary namin ay walang ganap. Which is hindi ko naman pa binigyan ng pansin. Kumain kami sa ospital room ni tita. He greeted me and kissed me.. it makes that special day complete.
Because for me, it's his presence that always matter.
Pagkatapos ko sa starbucks at sumakay na muli ako sa kotse ko. I was about to start the engine but my phone rang.
Doon ko lang napansin na nabasag pala kanina ang cellphone ko. Kinabahan ako nang makita si Ford sa callers ID.
"Love" bati ko. Lalo akong nanlamig dahil sa hikbi n'ya sa kabilang linya.
[Iyah.. si ma..mama] napalunok ako at ikinalma ang sarili.
"What happened? Anong nangyari kay tita?" hindi s'ya agad sumagot dahil umiiyak na s'ya.
"Ford calm down, papunta na ako" I started my engine and I was about to end the call when he finally spoke.
[Wala na si mama Iyah.. wala na s'ya]
BINABASA MO ANG
thank u, shopee (seulmin ff) | [UNDER EDITING]
Fanfictionin which Sariyah Fuentes (ksg) sent a rant message to a seller from shopee but it turned out to be his long time crush. *** written in: tagalog low case intended semi epistolary credits to the owner(s)/creator(s) of the medias I used