Epilogue

234 6 2
                                    

"I never knew that I will be standing here wearing my dream wedding dress, with my dream groom" nakangiti lamang ako the whole time I am watching her.

Knowing her, she's really a cry baby. Kung kaya't may luhang nagbabadya na agad sa gilid ng mata n'ya.

"Simula noong nakilala kita, agad akong humanga sayo. It's not because of your looks but because of your determination. Kita ko sa bawat school bulletin ang pag angat mo sa academics. At alam ko kung gaano mo 'yun pinaghihirapan. At hindi ako nagkamali. Ikaw 'yung lalaking may prinsipyo at may pangarap sa buhay" a tear flow in her eyes, ngumiti ako at hinaplos ang kamay n'ya.

"I thought you are cold hearted, pero when I spend days with you. Mas nakilala ko na soft ka pala, maalaga, mapagmahal, saka mabait. Sa loob ng limang taon noon, hindi ka nagkulang na iparamdam sa akin kung gaano mo ako kamahal. I remember how I flexed you dahil ginagawa mo ako ng mga presentations.. but it's more than that. I love you because you thought me how to grow"

Napakagat labi ako dahil sa pag cracked ng boses n'ya ng lingunin ko ang mga nanonood sa amin ay kapwa din sila naiiyak.

Lalong lalo na ang mga kaibigan n'ya

"And thank you, thank you for everything, sa pagkapit hanggang sa pagbitaw"

"Pinapangako ko, na hanggang sa huli.. ikaw pa din ang pipiliin ko. Mapagod man ako, ikaw ang pahinga ko. I will be going to try my best to be your dream wife. I love you" I smiled at her and she smiled also

"I, Sariyah Ana Fuentes take you Clifford Mendez as my husband, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health 'till death do us part" I gave her a soft kiss on her forehead

When it's already my turn. Parang huhugutan ako ng hininga sa kaba.

But when I saw the kalas, ay napangiti ako dahil nagchi cheer lang naman sila na parang nasa concert.

I swallowed hard before holding her hands tight.

"Sariyah, noong una kitang nakita.. aaminin ko nainis ako sa'yo. I thought you are just really pulling a prank.. well hindi nga ba?" tinaasan ko s'ya ng kilay at pinalo n'ya ako sa dibdib.

"Hindi ko sinadya 'yon!" pagdepensa n'ya at natawa 'yung mga bisita.

"Fine. Naalala ko kung gaano ka kahypher non. You are very carefree.. and you are so good being you and I admire you for that. I loved you before because you are Sariyah Ana Fuentes, and I'll take that forever. I'll forever love you" lalo ata s'yang naiyak sa sinasabi ko sa kanya ngayon.

"I'm so much grateful that I have you in my life. Hindi ka nagdadalwang isip na ipatong ang ulo ko sa balikat mo sa tuwing umiiyak ako sa problema at responsibilidad ko. Hindi ka napapagod na bigyan ako ng oras, para pasayahin ako. Sa mga banat, sa mga libre, sa bawat lakad natin. You never failed to realized that every seconds and minutes that I am spending with you is beyond precious" kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan din ang pag iyak ko.

"Ikaw 'yung sobrang maunawin, magaling magluto, pikon pero madali masuyo, marupok pagdating sakin" I chuckled. At napairap naman s'ya.

"Ikaw 'yung babae na simple lang, very fun to be with and very showy. We both struggled before, doon nakita na ikaw 'yung babae na hindi ako susukuan. Ikaw ang babae na handa akong tabihan, samahan sa bawat problema ko. Ikaw ang babae na naniwala sa akin at tumanggap noong mga panahon na walang wala ako. Ikaw 'yung babae na naging hagdan ko sa bawat pangarap ko, at ikaw ang babaeng pinapangarap ko" may tumulong luha sa pisngi ko pero agad ko iyon na hinawi.

"Ikaw ang babae na gusto ko makita sa tuwing gigising ako sa umaga, ikaw 'yung babae na makikita ko bago ko ipikit ang mga mata ko sa gabi. Gusto kong makita sa kusina na nagluluto at pinapakain ang anak ko. Ang yayakapin ko sa tuwing uuwi ako sa trabaho, at ang kasama ko hanggang sa tumanda ako" I saw how some audience tearing up.

thank u, shopee (seulmin ff) | [UNDER EDITING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon