Chapter 7

5.5K 251 11
                                    

"Pa-a-sa!"

"Ha?" takang tanong ni Sabrina kay Gabino.

"Pa-a-sa mo to!" inis naman na sabi nito na mas lalong idinuldol sa mukha niya ang test paper kaya inis na tinabig niya 'yon.

"Sa'n ko papasa yan letse ka? Pahingi lang ako ng isa!" inis na sabi niya dito. Nagtatanga-tangahan na naman itong gago na 'to! alam naman nitong siya na ang pinakadulo sa row nila, saan kaya sa tingin nito niya iyon ipapasa? Sa bookshelf na nasa likuran niya? humablot lang siya ng isang test paper saka inirapan ito. "Pasa mo yan sa harap!" mataray na sabi niya dito.

"Tss!" narinig niya pang palatak nito.

Naiinis na siya dito dahil simula nung nangyari yung sa canteen di na siya pinapansin nito mas madalas na pagsungitan pa siya nito. Akala mo naman inapi niya ito kung makaasta.

Nag-concentrate na lang siya sa long quiz nila. Hindi siya nag-review kaya stock knowledge lang ang gagamitin niyan kung may naka-stock man.

WALA ang teacher nila sa P.E. kaya naglaro na lang sila ng batuhang bola dito sa quadrangle, twenty six silang magkakaklase kaya hinati na lang nila sa dalawang grupo.

Magkakasama sila nila Gabin at Jannah sa iisang team. Sa ngayon sila ni Gab ang namamato ng bola at si Sonia na lang at ang apat pa nilang kaklase ang natitirang hindi pa natatamaan ng bola.

"Sab, Paasa! Paasa!" sigaw ni Gabin habang ikinakaway ang mga kamay. Napakunot naman ang noo niya dahil malinaw na malinaw 'Paasa' ang sinabi nito! Base na rin sa pagkakabungisngis ni Jannah. Kanina nang nagte-test sila akala niya namali lang siya ng dinig, pero hindi! Tinawag talaga siyang 'Paasa' ng siraulong to!

Malakas na binato niya yung bola bumuwelo pa siya. Sa lakas nang pagkakabato niya hindi nito iyon nasalo. Nangingiting namaywang siya. Siniguro niyang laglagpas dito yung bola, yung tipong magpupulot ito sa malayo. Lalong lumawak ang ngiti niya nang makitang napunta nga sa malayo ang bola at hinabol nito, pero nasipa ng isang estudyante na dumadaan kaya habol na naman ito sa bola na gumulong lalo palayo.

Serves you right! - nakangising bulong niya sa sarili.

Naupo muna siya sa bench habang inaantay na makabalik si Gabin. Nginisihan niya ito nang makitang nakatingin ito sa kanya habang nakasimangot na naglalakad hawak ang bola.

"Wow, galing ni Gabin maghabol ng bola ah!" kantiyaw niya dito nang makapunta na ito sa puwesto nito. Tumayo na rin siya at pumuwesto limang metro paharap dito, na sa gitna nila sina Sonia.

"Magaling ka magpaasa eh!" ganting sigaw naman nito.

Ha-ha lang ang sinagot niya dito.

Ngumisi lang ito at bumuwelo saka binato ng malakas ang bola lagpas sa kanya. paglingon niya ang layo na ng bola.

Nunkang habulin ko yan!

Humarap siya kay Gabin ang laki ng pagkakangisi ng loko pero nginisihan niya lang din ito at nag-dirty finger saka naglakad sa direksyon ng bola pero nilagpasan niya lang ang bola dumiretso siya sa canteen. Narinig niya pa si Jannah na tinawag siya pero di siya lumingon.

Bumili siya ng mineral water saka naupo sa bakanteng lamesa. Binuksan niya ang mineral saka uminom, naubos niya iyon dahil na rin sa sobrang inis na nararamdaman niya.

Tss siraulong yong pinagtitripan ako!

Inihilig niya ang ulo niya sa ibabaw ng lamesa may thirty minutes pa naman bago ang next subject nila kaya dito na lang muna siya tatambay, ipinikit niya ang mata niya.

Mayamaya napapitlag siya ng may kamay na sumalat sa noo niya.

Dumilat siya at nakita niya si Manolo na nakatayo sa harap niya habang nakapatong ang isang kamay sa noo nito at isa naman ay sa noo niya.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon