Chapter 8

5.8K 283 17
                                        

"Hoy, Jannah!" tawag ni Sabrina kay Jannah na paakyat na sa hagdan. Mabilis niya itong hinila at hindi na inantay pang makareklamo. Ipinasok niya ito sa loob ng CR.

"What?" nakasimangot na tanong nito sa kanya.

"Is it true?"

"Ha?" Halatang iritable na ito.

Naipaikot niya ang mga mata. "Is it true that Gab has a crush on me?" excited na tanong niya dito. Tinitigan siya nito na parang na babaliw na siya. Well nababaliw na nga siya! At kung hindi pa ito magsasalita baka masakal niya na ito sa sobrang pabitin nito.

"Ano?" inis na untag niya dito dahil parang wala itong balak magsalita!

Maarteng itinirik nito ang mga mata. "Ghaadd! Manhid ka ba? Obvious naman na gusto ka niya!" inis na anito.

It's O to M to G! Gusto niyang mangisay sa kilig! Confirmed! Crush siya ni Gab!

Akmang tatalikod na ito ng pigilan niya.

"Ano ba, Sabrina?" asik nito na nandudumilat pa ang mga mata sa kanya.

Nag-puppy eyes siya dito. "May itatanong pa ko please..." pakiusap niya dito.

"Tss! puwede ba next time na lang?" Tatalikod na sana uli ito ng pigilan niya uli.

"Ngayon na saglit lang toh!"

"Ghaad! Okay pero do'n na tayo sa labas!" tatalikod na naman ito ng pigilan niyang muli, for the third time.

"Dito na lang para walang ibang taong makarinig sa atin!" pakiusap niya dito.

Pero nagulat siya ng bigla siya nitong tabigin ng malakas. "E, anong tingin mo sa mga yan, bato?" galit na anito sabay turo sa likod niya.

Nilingon niya naman ang itinuro nito.

Mga estudyanteng lalake na nakaharap sa urinal at umiihi habang ang mga ulo ay nakapaling sa kanilang dalawa ni Jannah. Kaya pala mapanghi!

Pero hindi 'yon ang ikinagulat niya kundi ang isang estudyante na malaki ang pagkakangisi na nakatingin sa kanya habang nagsasara ng zipper ng pantalon nito. Si Gabino! Lintik!

"Ghaad! My virgin eyes!" maarteng tili ni Jannah sabay labas ng CR.

Nang mga oras na 'yon isa lang ang gusto niyang mangyari, ang bumuka ang sahig na tiles ng CR at lumubog siya!

Nakakahiya!

PARA MAKAIWAS kay Gab pinakiusapan niya na lang ang classmate niya na makipagpalit ng upuan sa kanya. Pinili niya yung malayo kay Gab.

Ramdam niya na tinititigan siya nito. Parang nai-imagine niya na ang pagkakangisi nito katulad na lang kanina kung paano siya nito ngisihan ng magkatinginan sila. Parang nahuli siya nitong nagnakaw kung tignan siya.

Bakit ba kasi hindi niya man lang naisipang i-check kung kaninong CR ba yung pinapasok niya? Nakakahiya daig niya pa nag-confess kay Gab dahil sa nangyari! Kilig na kilig pa naman siya, may patili-tili pa siyang nalalaman!

Nakakahiya talaga! Mag-transfer na kaya ako?

Inuntog niya ang noo sa ibabaw ng desk niya. Nakaramdam pa siya ng kaunting pagkahilo dahil napalakas ang ginawa niya.

"Aw!" daing niya habang hawak ang nasaktang noo. Pag-angat ng ulo niya nakita niyang nakatayo sa harapan niya ang teacher nila. Napaatras ang leeg niya.

"Inaantok ka na ba sa klase ko, Ms. Arcega?" seryosong tanong ng teacher nila.

pinamulahan siya ng mukha. Napalingon siya kay Gab. Nakapangalumbaba ito habang nakangiting nakatangin sa kanya. Napapahiyang inirapan niya ito.

✔️ The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon