Mabilis siyang tumayo mula sa sofa nang may mag-doorbell.
Napagbuksan niya sina Mateo, Manolo, Arjhay, Gabin at... si Millet - muse ng school, candidate for valedictorian at napapabalitang nililigawan ni Gab. Akala niya tsismis lang pero sa nakikita niyang pag-alalay dito ni Gab mukhang totoo ang tsismis.
Puta! Ang sarap manakit!
"H-Hi, pasok!" sabi niya na may pilit na ngiti at niluwagan ang pinto.
Nagsipasok naman ang mga ungas, mga feel at home na dumiretso sa sofa at nagsisalampak ng upo. Naiwan sa pinto si Gabin at Millet.
"Hi, Sabrina, right?" bati sa kanya ni Millet. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Plastic nito, samantalang dati kung paringgan siya wagas, dahil lang nanligaw sa kanya yung ex nitong mukhang kulugo.
Naramdaman niya naman ang marahang pagsiko sa kanya ni Gab, kaya tinignan niya ito ng masama. Sumisenyas ito na batiin niya naman si Millet.
Manigas ka! Hayup! Hindi pa man tayo nagtataksil ka ng letse ka!
Gusto sana niyang sabihin pero nagpigil siya. Kapag plastic ang kaharap, aba, di magpaka-plastic ka din! Ha!
"Hi, tumataba ka ah." Nginitiaan niya pa ito ng nakakaloko at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Namula naman ito sa sinabi niya halatang napahiya. Totoo naman kasi medyo tumaba nga ito kumpara sa huling kita niya dito.
"'Wag mong pansinin 'yan, Millet, palabiro talaga yan. Tara do'n?" sabi ni Gabin kay Millet saka iginiya na si Millet papunta sa sala.
Hudaasss!!!! - sigaw niya sa isip at nag-dirty finger siya sa mga ito nang makatalikod sa kanya.
Pabalibag niya namang isinara ang pinto na ikinatingin ng lahat sa kanya, pati na ang kuya niya ay napalingon at napakunot ang noo.
"Ay, napalakas, he-he!" palusot niya.
Lumapit na rin siya sa mga ito sa sala. Nakaupo sa sahig sina Mateo at Arjhay, si Millet naman ay na sa dulo ng sofa katabi si Gab at nagbubulungan. Katabi naman ni Gab si Manolo kaya tumabi naman siya kay Manolo. Ang kuya niya naman ay inaayos ang play station.
"Ganda mo ngayon, Sab, ah!" puri sa kanya ni Manolo na ikinangiti niya. Akala niya walang makakapansin sa pag-aayos niya ngayon e.
Ka-idad niya ito. Anak ng teacher. Cute din naman, Moreno, hindi nalalayo ang tangkad kay Gabin. Yun nga lang mas bet niya si Gabino.
"Ngayun lang?" Pabirong tinaasan niya ito ng kilay.
"'Di ah! Maganda ka na, mas maganda ka lang ngayon," nakangiting sabi nito sabay kindat sa kanya. Halatang nagpapa-cute sa kanya.
Di na siya umimik. Kung ano kasi ang kinaganda ng umaga niya, gano'n naman kapangit ang hapon niya, dahil kina Millet at Gab na parang mga bubuyog na nagkukuwentuhan.
"Sab, order ka pizza," baling sa kanya ng Kuya Sean niya ng matapos itong mag-set.
"Kay," maiksing sabi niya. Kaya lang ang landline ay na sa tabi nila Millet at ayaw niyang lumapit sa mga ito, dahil baka hindi siya makapagpigil at mapag-untog lang niya ang mga ito kaya naman tumayo na siya at pumunta sa kusina para gamitin ang extension phone.
Pagkatapos tumawag lumapit siya sa ref at kinuha ang pitchel ng tubig, kinuha niya rin ang powdered juice sa cup board saka tinimplahan ang pitchel.
"Sab, pa-CR."
Napapitlag siya ng marinig si Gabin sa likod niya.
"Di mag-CR ka!" mataray na sagot niya dito para maitago ang kabang biglang naramdaman niya dito. Nagpatuloy siya sa paghahalo ng juice.
BINABASA MO ANG
✔️ The Crazy Tease (completed)
RomanceLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...
