Sabrina's POV
Parang bumalik sila ten years ago. Naging maasikaso na uli si Gabino sa kanya. Bawat galaw at bawat kibot niya naka-alalay ito. Para siyang babasagin kung ituring nito.
Masaya siya na bumabalik na uli sila sa dati. Bumalik na ang Gabino na minahal niya.
Agad siyang napangiti nang pumasok ito sa hospital room na kinaroroonan niya. Ngayon na ang discharge niya. Ngumiti rin ito sa kanya saka iwinagayway ang mga papel na hawak nito.
"Uwi na tayo," anito saka nilapitan siya.
Agad na niyakap niya ito. Gustong-gusto niya kapag niyayakap niya ito at nararamdaman ang init nito. Gumanti ito ng yakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya.
"Tara na?" anito ng humiwalay sa kanya.
Tiningala niya ito at hinaplos ang pisngi. "I love you, Gab," aniya saka inabot ang labi nito at pinatakan ng halik.
Pumikit ito at idinikit ang noo sa noo niya, saglit silang na sa ganoong puwesto hanggang umayos ito ng tayo. Muli nitong hinalikan ang ulo niya saka tumalikod para kuhanin ang wheelchair na nasa tabi ng kama.
May pagkadismaya siyang nadama dahil hindi na naman nito tinugon ang 'I love you' niya. Ipinilig niya na lang ang ulo. Ayaw niyang ma-stress dahil masama raw iyon sa kalagayan niya.
Naging tahimik na si Gab kahit ng makasakay na sila sa sasakyan nito. Gusto niya sana itong tanungin kung may problema ba pero pinigil niya na lang ng sarili. Napalingon siya dito ng mapansing sa Villa Arcega ang daan na tinatahak nila.
"Papunta 'to sa Villa ah," nagtatakang tanong niya rito.
"Oo," maikling anito.
"Bakit?"
"Doon muna kayo ng mga bata, nandoon na ang mga bata-"
"Bakit?!" Hindi niya napigilan ang mapataas ang boses. Bakit sa Villa sila tuloy at bakit hindi sa bahay nito?
Bumuntong-hininga ito. "Mas maaasikaso kayo do'n,"
Di makapaniwalang natawa siya. "I-Ikaw saan ka tutuloy?"
"Sa bahay," anito.
"Bakit?" Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya. Hindi niya maintindihan bakit sila nito dadalhin sa Villa? Bakit hindi rin ito sasama sa kanila? Anong ibig sabihin niyon?
Hindi ito kumibo kaya tumahimik na lang din siya. Napansin niya namang hindi ito mapakali sa kinauupuan nito at tila may gustong sabihin.
Hindi niya ito nilingon o pinansin. Hanggang sa marating nila ang bukana ng Villa. Nilingon niya ito nang ihinto nito ang kotse pagkalampas ng arko ng Villa Arcega. Lumingon din ito sa kanya kaya nagsalubong ang mga mata nila.
Nakita niya ang guilt sa mga mata nito at gusto niya itong saktan dahil doon! Bakit ito guilty? Dahil ba makikipaghiwalay na ito sa kanya? Pero teka naging sila ba uli? Isang beses niya lang ito narinig na sinabihan siyang mahal siya nito simula ng bumalik siya. Yun ay nung nag-aagaw buhay siya. Dahil ba sa konsensiya?
Shit!
Na-in love na ba ito sa pinsan niya? Nakaramdam siya ng takot. Paano kung na-in love na ito kay Maria at ngayon ay dinala sila sa Villa para makapagsolo ang mga ito? Hindi siya papayag.
"Please, don't stress yourself?" masuyong anito. "Baka mag-bleed ka na naman," nag-aalalang anito.
Gusto niyang itanong kung 'Gago' ba ito? Pagkatapos sabihing maghihiwalay sila ng bahay sasabihin nitong wag i-stress-in ang sarili niya?
BINABASA MO ANG
✔️ The Crazy Tease (completed)
RomansaLANDIIN si Gabino Melchor! Di baleng bumaksak ang grade basta pasado kay crush! Kaya lang hindi pala pwedeng maging sila.... First love ni Sabrina si Gabino kaya naman ng maging sila ay nakalimutan niya ang problema sa sariling pamilya.. Mahal na m...
