Nagising ako ng mataas na ang sinag ng araw. Tiningnan konang cellphone ko kung anong oras na. 8:06 am na pala. Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kami sa bus at nag-earphones na lang di ako.
Nang mag stop-over ang bus ay kumain muna kami ni mama at kuya. Hays. Kapagod mag-byahe.
Tahimik lang ako sa bus. Minsan nag-papatugtug ako ng mga music minsan rin nag-a-IG na lang ako. Malapit na pala kami sa Manila. Natulog na lang ulit ako.
"Gising na, Zoey. Nandito na tayo." Naalimpungatan ako ng ginising ako ni Kuya Zeke.
Tiningnan ko ang cellphone ko at 4:48 na pala.
"Kuya, asan nga pala si Mama?" Tanong ko kay kuya Zeke.
"Bumili lang muna siya ng pagkain." Sakto. Nagugutom na rin naman ako, eh. Habang naghihintay na bumalik si Mama ay napalingon-lingon naman ako sa paligid. O M G! Grabe ang laki ng pinag-bago ng Manila. Bata palang ako nakapunta na'ko sa Manila. Minsan nag babakasyon kasi kami nila Mama at Kuya dito. Ang dami ng buildings. Marami na ring mga sasakyan. Ang rami ring mga tao. Napakalayo talaga ang pamumuhay ng mga taga-probinsya kung ikukumpara mo sa buhay ng mga taga-Manila. Marami akong nakitang taong naglalakad. Ang iba ay kasama nila ang kanilang pamilya. Ang iba naman ay naglalakad na mag boyfriend at girlfriend na nagho-holding-hands. May mga tao rin na nagkuwentuhan kung hindi ako nagkakamali ay mag-kaibigan sila. Speaking of bestfriend, na-miss ko tuloy si Kaylee.
Tatawagan ko na sana si Kaylee kaso pagbukas ko ng phone ko, battery low. Ugh. Gosh. May 54 missed calls na pala ako galing kay Kaylee. Lowbatt na rin power bank ko. Nagpatugtug pa kasi ako kanina. Hays.
Manghiram na nga lang ako.
Kinalabit ko na lang si kuya Zeke na nasa gilid ko na nag-a-IG. Akalain mo nag a-IG rin pala to. Akala po puro ML na lang nasa utak nito, eh."Uhm...Kuya?" Tawag ko sa kaniya.
Bumaling naman siya sa akin na nakakunot ang noo.
"Oh. Bakit?" Tanong niya pa."Uh. Puwede pang pahiram ng phone mo. Makitawag lang ako sandali. Tatawagan ko sana si Kaylee. Pahiram ako. Please." Pagmamaka-awa ko sa kaniya with matching puppy eyes pa. Pumayag ka na please.
"O sige. Oh." Pinahiram din naman niya sa akin ang phone niya. Haha! Sabi ko na nga ba gagana ang puppy-eyes effect ko.
"Thanks Kuya." Sabi ko idi-nial na ang number ni Kaylee.
["Oh? Thank God. Napatawag ka kuya Zeke? Kanina pa kita tinatawagan hindi mo rin naman sinasagot. Busy ka ba?"] Tanong niya sa kabilang linya.
"Couz!" Masaya kong bati sa kaniya. Pati boses ni Kaylee miss ko na rin.
["Oh my-couz!? Ano nakarating na ba kayo!? May problema ba!? Kamusta!? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko!? Tinatawagan ko si Kuya Zeke pero unattended! Kumain ka na ba!?"] OA. Amp. Inilayo ko naman ng kaunti ang cellphone ni Kuya dahil naging hysterical na ang boses ni Kaylee. Ang sakit sa tenga.
"Oh. Chill. Myghad. Puwede bang isa-isa lang ang itanong mo?" Mabuti naman at mukhang kumalma na siya ngayon.
["Oh. Eh ano na nga nakarating na ba kayo?"]
"Oo. Kararating lang din namin. Nandito pa kami sa terminal ng bus dahil bumili lang si mama ng pagkain.Speaking of mama, nandito na pala siya." Napatingin naman si mama sa akin ngunit itinuro ko na lang ang cellphone ni kuya dahil alam na rin naman niya ang ibig kong sabihin.
["Kumain ka na muna, couz. Mamaya mo na lang ako tawagan."]
"Hindi na. Okay lang naman ako. Hindi pa naman ako gutom, eh." Kahit ang totoo, kumakalam na ang sikmura ko. Tiis-tiis na lang.
YOU ARE READING
Enemies To Lovers
Teen FictionZoey Valencia- a sassy, rugged and tough girl. Xander Stanford- a badass, masterful and arrogant boy. Unexpectedly their worlds met. They loathed each other and traited each other as an enemy. May pag-asa bang mabago ang pagtingin nila sa isa't-isa...