Chapter 4:Kabang-gaan

2 0 0
                                    

So, Xander pala pangalan niya?

Xander. Pangalan pa lang alam mo nang suplado at mayabang.

Sa huling pagkakataon ay nilingon ko yung Xander at tinaasan ng kilay pero gulat pa din ang reaksyon niya.

Hanggang sa makasakay kami ng taxi ay buma-bagabag parin sa isip ko ang pangalan at itsura niya. Xander. Ugh! Erase. Erase. Erase. Peste, mukhang magkaka-sakit ako sa utak nito, ah.

"Huy!" Matagal na pala ako nakatulala. Mabuti at tinawag ako ni kuya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Huy! Ano ba ang tagal-tagal mo naman maglakad. Nagugutom na'ko. Malapit na mag alas-dose. Usad-pagong ka pa diyan." Reklamo niya sa akin. Ang layo na niya pala sa akin.

"Ito na nga oh!" Binilisan ko naman ang paglalakad.

Pagkarating namin ng bahay ay nagbihis kaagad ako. Sabay-sabay na rin kaming kumain ni mama at kuya. Wala nga lang si papa kasi may trabaho. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nag-tanong si mama.

"Kamusta naman ang pagpunta niyo sa paaralan niyo? Maayos lang ba doon? O gusto niyo bang lumipat na lang?"

"Okay lang naman ako doon, ma." Sagot ni kuya.

Bakit kaya nandon yung Xander na yun sa Stanford University? Teka, baka doon din siya nag-aaral!? Oh noes!!! Ibig sabihin kung doon siya nag-aaral may posibilad na makikita ko siya! Shocks! Ayaw ko pa naman siyang makita. Naiinis ako. Hmp! Pero imposible naman sigurong makita ko siya dahil ang laki-laki ng unebersidad na yun.

"Anak?" Gosh. Tulala na naman ba ako?

"Tulala na naman." Dinig kong bulong ni kuya. Pero ding ko pa rin. Nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin.

"H-huh? Bakit po?" Na-uutal kong tanong kay mama.

"Sabi ko maayos lang ba doon? O gusto mo na lang kako lumipat?" Anong sasabihin ko? Na ayaw ko doon dahil nandoon yung Xander na yun? Mag-tatanong rin sila mama kung bakit ayaw ko sa kaniya. Baka asarin lang nila ako imbes kampihan. Gosh. Wala akong maisip na dahilan.

"Uhh...okay lang naman po kung doon ako mag-aaral." Sabi ko kay mama habang naka-ngiti. Bahala na si Lord kung mag-katagpo man ang landas namin dalawa.

Nang matapos kaming kumain ay pumunta muna ako sa sala para maglaro ng ML. Yes. Nag e-ML ako. Sa kalagitnaan ng pag-lalaro ko ay may biglang nagsalita sa gilid ko.

"Huy!"

"Ay palakang bakla!" Gosh. Baka mamatay ako sa sakit ng puso nito. "Ano ba kuya!? Nakakagulat ka, ah! Ayan tuloy, game-over ako." Reklamo ko sa kaniya.

"May itatanong lang naman ako sa'yo." Eh kung direstsuhin mo na lang kaya. Yan sana ang sasabihin ko pero 'wag na lang dahil hahaba pa ang usapan.

"Oh ano yun?" Tsk. Badrip, hindi ko natapos ang game ko. Hays.

"Bakit nga pala kita nakita sa canteen ng high-school department kanina?" Tanong niya sa akin habang naka-taas ang isang kilay.

Napakamot naman ako ng ulo bago siya sinagot. "Uhh...ayun, eh kasi naiinip ako kakahintay sayo. Hehe." Tawa ko pa kunwari.

"Ahhh..." Sabi niya habang tumatango-tango pa. Haha. Gumana naman pala ang dahilan ko."Pero kilala mo ba ang lalaki na 'yun?"

Gulat naman akong napatingin sa kaniya. Sino kaya ang tinutukoy nito?
"Huh? Sinong lalaki?" Maang-maangan kong tanong.

"Yung matangkad tapos maputi. Kilala mo ba siya? Bakit namilog mga mata nong nakita ka niya?" Omg. Napansin niya ba yun?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Enemies To LoversWhere stories live. Discover now