"Oh? Kapatid ko bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ni kuya sa akin."
"Wala naman, ah. Oh. Happy nga ako eh." Sabi ko habang tinuturo ang sarili ko na pinipilit ngumiti.
Peste ng lalaking yu'n. Ugh.
Matangkad nga siya, maputi, at well...gwapo naman siya. Hindi mo maipagkakaila pero naiinis pa rin ako dahil sa kaniya, hindi ko na tuloy nabili yung love story na libro."Nasaan nga pala si mama, kuya?" Hindi ko kasi nakita si mama eh.
"May binili lang siya. Sabi niya hintayin raw kita." Okay. Umupo na lang ako sa may bakanteng upuan.
Ang boring naman. I-vi-videocall ko na lang kaya si Kaylee.
whatsupKAY is online...
["Hi couz!"] Masaya niyang bati.
"Hello! Kamusta ka na?" Na-miss ko na rin tong si Kaylee.
["Ito gumaganda. Charooot. Haha. Asan nga pala kayo ngayon?"]
"Nandito kami sa mall. Nag-grocery lang kami at bumili ng mga school supplies."
["Wow. Sana nandiyan rin ako."] Bigla namang nag sad face si Kaylee.
"Okay lang yan, mag ba-bakasyon rin naman kami diyan sa probinsiya. Pero may iku-kuwento ako sa iyo. Ugh. Kainis talaga." Hay. Naiisip ko pa lang ang nagyari kanina naba-badrip na'ko.
["Bakit ano bang nangyari?"] Curious na tanong niya.
"Eh kasi, bibili sana ako ng love-story book ko na gusto kong bilhin. Tapos kukunin ko na sana yun ng bigla ring kunin ng isang lalaki. Tapos last na rin yung story book na yun. Wala na silang stocks. Tsk. Tsk."
["So you mean na ikaw ang nauna don? Tapos kinuha na lang niya bigla?"]
"Oo. At ito pa pagkatapos niyang makuha ang libro ini-smik-an lang ako ng g*ago. Tapos walang pasabing umalis." Galit na pasabi ko sa kaniya.
["Napaka-walanya niya, ah. Kung nandiyan lang ako nasapak ko na siya!"] Nangga-galaiti niyang sabi.
"Chill. 'Wag ka nang mag super-science diyan. Binigay ko na lang sa kaniya yung libro kasi ha-haba pa ang usapan namin. Tapos pinag-titinginan na kami ng mga tao." Ugh. I hate him. I hate that guy.
["Grabe siya, ha. Okay lang sana kung gwapo. Taka lang, may tanong lang ako. Gwapo ba yung lalaki?"] Ayan na naman siya sa gwapo-gwapo na 'yan.
"Hmmm...gwapo siya? Oo. Matangkad rin siya. Maputi at makinis ang balat. Mukhang anak-mayaman nga, eh." Pagde-describe ko sa lalaki kanina.
["O-M-G! Mabuting binigay mo ang libro na yun sa guy. Gwapo naman pala!"] Eh para saan pa yung sinasabi niya kaninang sasapakin niya raw yung lalaki. Bipolar lang ganun?
"Teka nga sino bang kinakampihan mo? Akala ko ba ako? Tsaka hello!? Cousin-bestfriend kita!" Bakit parang ang lalaki ang kinakampihan niya!? Eh hindi pa man di niya yun nakikita!?
["Hindi naman sa ganoon. Pero kasi---"]
Inunahan ko na siya sa pagsasalita kasi alam ko naman kung ano ang sasabihin niya."Gwapo siya."
Hmp. Ipagpalit ba naman ang sarili niyang pinsan sa isang hindi kilalang lalaki.["Hindi naman sa ganon couz, pero kasi."]
Pinan-liitan ko siya ng mga mata."Kasi?"
["Kasi baka siya talaga ang nauna."] Pagapa-paliwanag niya pa.
"If that's what you think so."
Pagkatapos ng video call namin ni Kaylee ay bumili muna ako ng cookies and cream na ice-cream. Habang kumakain ako ng ice cream ay nakita ko yung lalaki kanina. Nakaupo rin sila sa isang bench.
YOU ARE READING
Enemies To Lovers
Teen FictionZoey Valencia- a sassy, rugged and tough girl. Xander Stanford- a badass, masterful and arrogant boy. Unexpectedly their worlds met. They loathed each other and traited each other as an enemy. May pag-asa bang mabago ang pagtingin nila sa isa't-isa...