THAT FARAWAY PLACE

23 4 15
                                    

Pag mulat ko ng mga mata ko, tumambad agad sa akin ang isang nakasisilaw na liwanag.

Gusto kong takpan ang muka ko pero hindi ako makagalaw, hindi ko din masuri ang paligid ko sapagkat hindi ko man lang maibalikwas ang ulo ko dahil pakiramdam ko'y hinang-hina ako, ang pakiramdam ko lang ay nakaratay ako sa isang higaan.

Bahagya ko na lang ipinikit ang mga mata ko dahil nananakit na ito nang biglang may timakip sa liwanag.

Batay sa hugis ay muka ng isang tao na nakadungaw sa akin, pero nangingitim ang muka dahil sa matinding sinag sa likuran nito.

Pagkatapos ay nadagdagan pa ang mga muka na, padami ng padami na halos matakpan na nila ang liwanag sa likuran.

Magkakaparehas ang hugis ng kanilang muka, parang hinulma mula sa iisang tao.

Maya-maya ay nagsalita sila ngunit sa magkakaibang boses.

"Wala kang silbi!" Sigaw ng isa.

"Manloloko!"

"You're a disgrace!"

"Failure!"

"Mamamatay-tao!"

Hindi ko maintindihan kung bakit nila sinasabi ang mga bagay na iyon, hindi naman pamilyar sa akin ang mga boses nila kaya malamang ay hindi ko sila kilala, at wala akong matandaang ginawa ko para sabihan nila ako ng ganoon.

Pero bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo. Sa una ay bahagya lamang subalit ang bilis nitong nag escalate hanggang sa hindi ko na matiis, pakiramdam ko'y sasabog na ang ulo ko.

Hanggang sa bigla akong napadilat.

Pag tingin ko sa pagligid ay iba na ang nalikita ko, wala na ang matinding liwanag at ang mga muka.

Sa halip ang nakikita ko ay ang mga sanga na may mayayabong na mga dahon.

Nasa ilalim na ako ng isang malaking puno.

Naigagalaw ko na ang katawan ko kaya bumangon ako sa lupa kung saan ako nakahiga.

Pinagpagan ko ang aking pinaghalong maroon and orange checkered polo at tinupi ang mahabang manggas hanggang braso ko, pinagpagan ko din ang aking kupas na maong na pantalon na nadikitan na ng lupa.

Naramdaman ko naman naay kwadradong matigas na bagay na nakasuksok sa back pocket ng pantalon ko.

Nang tignan ko ay isang I.D.

Sa itaas na bahagi ay ang logo ng isang convenience store at sa gitna ay ang pangalan.

"Joshua Pascal." Pagkabasa ko.

"Store Klerk". Ang nakalagay naman sa ilalim ng pangalan.

At sa gilid ay ang one by one picture ng isang lalaking may short brown hair, mapupungay na berdeng mga mata at mistisong kutis.

Sa tingin ko ay akin ang I.D. na ito pero bakit parang ngayon ko lang naalala ang mga detalyeng ito?

Sa tingin ko ay dapat nagtataka din ako kung nasaan ako at bakit ako nandito pero hindi ko iyon inusisa.

Tumingin ako sa paligid pero wala akong nakikitang iba maliban sa hitik na kakahuyan na nababalutan ng hamog.

Wala ring marinig na mga insekto at huni ng ibon.

Ngunit may narinig akong tunog.

Nang pakinggan kong maigi ay tunog ng tubig na dumadaloy.

Sinundan ko ang tunog at matapos ang ilang sandaling paglalakad ay narating ko ang isang lawa.

Hindi bababa sa sampung metro ang lapad nito na banayad na dinadaluyan ng tubig.

Wala akong nakikitang anomang hayop sa paligid at wala rin akong nakikitang isda sa tubig.

Dahil sa hamog ay hindi nakikita ang magkabilang dulo ng lawa, kung saan nanggagaling ang tubig at kung saan ito patungo.

Paglampas sa lawa ay makikita ang isang maliit na nayon.

Bahagya itong natatakpan ng mga puno kaya bubong at rooftops lang ng mga gusali ang makikita at wala ring makikitang liwanag na nanggagaling doon.

Naisipan kong magpunta doon. Mas maigi kaysa manatili sa kagubatang ito.

Mabuti na lamang at maraming bato na nakalitaw sa lawa at ginawa kong stepping stones ang mga ito para makatawid.

Saglit pa akong naglakad sa kakahuyan hanggang marating ang isang clearing.

Sa harapan ko ay isang burol at sa ibaba nito ay may isang malaking man-made semi-circle tunnel.

Kahit malaking sasakyan ay kasya dito ngunit nakapagtatakang wala namang konektadong daan papunta dito sapagkat ang buong paligid ay nahaharangan ng mga puno.

Nilapitan ko at binasa ang kinakalawang na signage sa tabi nito.

"Welcome To Emberville".

Ngayon ko lang narinig ang pangalang ito.

Habang pinagmamasdan ko ang madilim na daan sa loob ay nakaramdam ako kaba.

May kakaiba dito, may mali, pero hindi ko maipaliwanag kung ano.

Pero sa kabila ng nararamdaman ay hindi ko parin napigilan ang sarili ko na pumasok sa loob.

That Faraway PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon