Forced Deal

16 3 12
                                    

Naisara ko ang pinto bago ito makapasok sa staff room.

"What the hell is that!"

Patuloy na kumakalabog ang pinto, sa lakas nito ay unti-unting nasisira ang bisagra ng pintuan.

Hinarang ko ang mesa at computer sa pinto habang nagiisip kung paano makakaalis pero hindi iyon sapat.

Nagsisimula nang nawasak ang pintuan at bahagya ko nang nakikita ang nanlilisik at kahindik-hindik na itsura na halimaw.

Nakita ko ang isang sliding window sa likuran ko.

Tumungtong ako sa upuan at umakyat sa bintana.

Gamit ang aking buong lakas ay pinilit kong sumiksik kahit nagkanda punit-punit na ang polo ko.

Maliit lang ito. Mabuti na lang at slim ang pangangatawan ko pero nagalusan parin ang tagiliran ko sa pagmamadaling makalabas at masakit din ang pagkabagsak ko sa labas.

Mabuti na lang at kahit papaano'y na absorb ng makapal na snow ang impact.

Iika-ika akong tumakbo palayo sa convenience store at pabalik sa tunnel kung saan ako pumasok.

Gusto ko nang umalis sa lugar na ito.

Hindi nagtagal ay naabot ko din ang tunnel pero nagulat ako sa pagbabagong nangyari.

Ang lagusan kung saan ako pumasok ay nahaharangan na ngayon ng kongkretong pader.

Para bang sinimento ito at nang lapitan ko ay madumi na ito at nilulumot na para bang matagal na itong nandirito.

"P-pero kanina lang dito ako dumaan."

Sa pagaalalang baka sundan ako ng halimaw tumakbo ako at ginaygay na lang ang malapad na burol.

Siguro naman may iba akong pwedeng madaanan palabas maliban sa tunnel.

Tumakbo ako ng tumakbo.

Pero puro pader na lupa lang ang nakikita  ko na napaka tarik at walang makakapitan kaya't imposibleng akyatin.

Hanggang sa matanaw ko muli ang nasaraduhang tunnel kung saan ako nanggaling.

Sa isang direksyon lang ako tumakbo pero parang nagpaikot-ikot lang ako.

"What the freak is going on here!"

Nagpapanic na ako pero hindi ko na kinaya ang pagod kaya't napasandal na lang ako sa pader.

"Handa ka na bang tulungan ako?"

Sabi ng pamilyar na boses.

Pagkatingin sa harapan ay nandoon na ang batang nakausap ko sa convenience store.

"Sa oras na pumasok ka sa lugar na ito, hindi ka na makalalabas."

"Bata, anong ginagawa mo dito, delikado sa lugar na to."

"Malakas si Mommy, she can help you."

"Anong ibig mong sabihin, sino ba ang mommy mo, siya ba ang mayor?"

"Even better."

Naglakad na itong palayo.

"Follow me."

Ang batang ito, hindi man lang siya nagaalala.

Kung sa lugar na ito siya nakatira, malamang ay hindi din siya normal.

Pero kung matutulungan niya akong makaalis, wala akong pagpipilian kundi sundan siya.

Habang sinusundan ko ang bata bigla itong lumihis sa daanan at naglakad sa mabatong lupa.

That Faraway PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon