Ginabi kami sa daan at sakto namang nakaabot kami sa isa pa naming paboritong tambayan. Dalawang oras ang layo mula sa El Casa.
Maganda rito dahil nasa may bangin kami. Sa ibaba ay dagat. Rinig na rinig mo talaga ang hampas ng alon sa mga bato. Kitang kita rin ang mga city lights at mga nag niningning na mga bituin.
We set up our bonfire and inflated our banana like air bed. Then started eating the foods we bought. Ang saya kapag kasama iyong taong mahal mo tapos napakatahimik ng paligid, yung kayong dalawa lamg at walang gadgets.
I leaned into him while watching the city lights. "Alam mo, parang ang tagal na nating hindi nagpunta dito. Parang miss na miss ko na ito agad. Eh parang kailan lang?"
I heard him laugh and breath out. He wrapped his arm around my shoulder tightly, pulling me closer to him. Mas lalo naman akong nagsumiksik sa kaniya.
"You know how much I love you, right? May mga nagawa man ako, para naman iyon sayo. Sa ikabubuti mo."
"Gaya ng ano?" He didn't respond.
Tiningala ko siya.
Sadness was visible in his eyes. Parang bigla rin tuloy akong nalungkot. "Huwag ka na malungkot. Sinabi mo naman diba? Para sa ikabubuti ko. Hindi ako magagalit."
He smiled. But it didn't reach his eyes.
I suddenly felt hurt, sad and lonely, I didn't know why. But when I kissed him and he responded, I felt secure. Every negativities I've been feeling completely faded. He was always like this. Siya lang ang nakakapagpaalis ng mga negative thoughts sa isip ko. Namalayan ko nalang na umiiyak na ako.
We pulled away and when I opened my eyes, we were both crying. Natawa siya. "Bakit tayo umiiyak? Dapat nagsasaya tayo."
"Oo nga. Bakit ba kasi tayo umiiyak? Dapat nage-enjoy tayo." I smiled and hugged him tight.
I don't know why I suddenly cried. Maybe I was just too overwhelmed.
"Sayawan ulit kita?"
Bago pa siya makasagot ay tumayo na ako at sumayaw sa harap niya.
Para akong baliw na sumasayaw. Ngayon ko lang napansin na nakayapak lang pala ako. I didn't bother looking for my shoes and just dance the night away, even though there was no music at all. I must be crazy.
Tawa lang siya ng tawa. Now, the happiness in his eyes are now visible. I turned around and when I faced him, he was already nowhere to be seen. Saan nanaman kaya siya nagpunta? Baka naihi lang.
Nakaramdam ako ng hilo kaya tumigil na ako. Ayan! Alak pa! Umupo ako sa air bed at inipikit sandali ang aking mga mata habang hinihintay siya.
I don't want to lose him. We always bring out each other's best. He is always there for me. He is the cause of my euphoria. It was only him who can give me that feeling.