Prologue

161 19 2
                                    

"Iiwanan mo na naman ba ako?" tanong ng lalaki sa babae. Hindi ito agad sumagot kaya naisipan niyang bawiin ito ngunit tumayo ito kaagad sa pagkahiga sa tabi niya.

"Siguro, hindi ko pa alam." lumabas ito ng kwarto. Tumayo rin siya upang sundan ito. Nakita niyang naghihiwa ito ng sayote at nilabas ang manok sa freezer.

Lulutin nito ang paborito nilang ulam, tinola. Nilabas niya ang bigas para magsaing.

Hindi na siya umimik. Para sakaniya, mas pipiliin na lang niyang hindi nila napag-uusapan ang ganitong bagay.

Ang importante ay magkasama sila at alam nilang mahal nila ang isa't isa.

#2 of  'A Series'

Alone Again (A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon