Chapter 12

31 16 3
                                    


"Kamusta ka naman?" tanong niya. Kinakain niya yung aglio na naiwan. Kanino ko naman kasi ipapakain? Ano 'yon tatlong pasta kakainin ko?

"Okay naman. Ikaw?" sagot ko pabalik.

"Okay lang din." ngumiti siya sa akin. It feels strange na siya uli kaharap at kasabay ko kumain sa ganitong place.

Tahimik na naman kaming dalawa. Hindi ko alam kung friends ba kami dahil may history kami kaya hindi ako makapag-open ng topic. Hindi rin ako komportable kasi nararamdaman kong siya rin, or ako lang 'yon?

"Pwede mo ba ako samahan?" tinignan ko siya.

"Saan?" tanong ko naman, gabi na kasi at may pasok pa bukas baka malate ako kapag malayo.

"Sa bookstore, meron diyan sa baba.” bakit siya magbobookstore? Estudyante pa ba siya? Atsaka hindi naman siya nagtratrabaho.

“Bakit ako?”

“Nakakatamad na maglakad sa hagdanan atsaka nakaheels ako, gusto ko naman mag-elevator.” mahabang sambit niya. Tinignan ko ang suot niya, nakadress lang siya at nakaheels nga.

“Oh. Anong connect?” hindi ko pa rin gets bakit kailangan ako. Ano ‘yon? Siya lang mag-isang pumunta rito?

“Need ko kasama kapag sa elevator, diba?” ah, so comfortable siya sa akin? I don’t know but I can’t help but to smile.

“Okay, anong gagawin natin doon?” huminto ng saglit usapan namin dahil sinerve na yung deserts.

“Titingin lang ng kung ano-ano, mukha ba akong may pera?” patawa niyang tanong. Ah so hindi kami hati sa bill dito? Tapos ang lakas niya kumain?

“Oo? May share kayo sa restaurant, hindi ba? Atsaka nagtratrabaho ka na roon.”

“Hindi ako humihingi kay Mom. Nakakahiya kasi iniwan ko siya rito mag-isa.”

“Bakit? For sure, maiintindihan ka naman niya.” ako nga naintindihan kita, eh. Nung una hindi pero sa pagtangal ng panahon natuto kong intindihin.

“Feeling ko kasalanan ko lahat kasi nagpalala lang ng tampuhan namin nung umalis ako.” nabanggit niya sa akin ‘yung tampuhan nila noon. It’s about sa course na kukunin niya. Magkaiba kasi sila ng gusto ng mom niya kaya ayan.

“Ah, maganda ngang umuwi ka.” para you know, makapag ayos sila.

“Oo saka may gusto akong balikan.”

“Ah. School mo?"

"Nope. Tapos na ako, sa Japan ako nag-aral."

"So marunong ka magjapanese?"

"Syempre, hindi. May international school naman."

Hindi na ako umimik dahil ang haba na ng pinag-uusapan namin. Walang umimik sa amon hanggang maubos namin ang huling piraso ng cake.

Tinawag ko na yung waiter para sa bill out. Nakita ko namang naglabas siya ng pera. Akala ko ba wala siyang pera?

“Huwag na, libre ko na.”

“Ay. Oo naman, hindi ko naman siguro kayang bayaran mga pagkain dito.” napakunot ang noo ko. She sound like a girl na inagawan ng kayamanan ng step sister.

Inipit ko na yung pera kung saan nakalagay ang bill. Tumayo na ako. Tinignan naman niya akong nagtataka kaya tinignan ko rin siya.

“Aalis ka na lang? Paano yung change?”

“They can keep the change.” pero yung totoo sakto lang naman binigay ko kasama na yung tip.

Pinuntahan ko sila Luke at Jun para magpaalam. Pagkatapos lumabas na ako para rito na siya antayin.

“Tara na!” she gave me a soft smile saka pinindot yung button sa elevator. Ang lakas ng loob niya ha.

Pagpasok namin sa bookstore dumeretso agad siya sa mga crafts. Oo nga pala, mahilig pala ‘to magdesign ng kung ano-ano. Sumunod lang ako sakaniya.

“Hala, ang gaganda.” tinignan ko si Astrid, parang kumikislap mga mata niya nang makita niya yung mga stickers.

“Hala, bili ka nito oh, dikit mo sa laptop mo.” inabot niya sa akin yung parang tape. Plain black ang kulay nito tapos may design na eroplano.

Eroplano dahil lagi akong iniiwan?

Kumuha pa siya ng iba. Kumuha rin siya ng notebook tapos mga ballpen. Mag-aaral ba siya? Kung sabagay, mas bata pala siya sa akin. Lumingon muna siya sa akin saka ngumiti. Bakit ba siya ngiti ng ngiti? kala mo walang nangyari. Dumeretso na siya sa counter.

“You need cash?” tanong ko. Iniba ko ng tono ang tanong para hindi niya mamisunterstood, baka may masabi pa siya eh.

“Nope pero thanks for offering.” tumango lang ako. Walang nagbabantay sa cashier kaya nakasandal ako sa parang mesa nila.

Nagtama naman ang mga braso namin kaya agad kaming nag-iwas. Talagang ngayon lang kami nagkailangan, huh?

“For journal po ito ma’am?” tanong ng babae habang nilalagay yung mga stickers sa paperbag.

“Ah, yes po.” sagot ni Astrid. Nagphophone lang ako saka napatingin sa hawak kong tape, hawak ko pa pala ‘to? Bibilhin ko ba?

Bahala na nga. Isinali ko sa mga pinamili niya yung tape. Napatingin siya sa akin nang mapunch ‘yon. Natigilan siya pero nangingiting binalik ang tingin sa monitor.

“Hala, ang cute niyo naman pong dalawa.”

“Po?” gulat na tanong ni Astrid. Gusto ko man sumabat pero kaya na niya ‘yan. Matatarayan naman niya ‘yan kung kailangan.

“Bagay kayo.” syempre naman ate, mag-ex kami eh. Hindi na umimik si Astrid saka inabot na niya yung bayad.

Lumabas na kami ng bookstore. What now?

“Pwede ba ako sumabay? Ang mahal kasi ng grab” natatawa niyang tanong. Tinignan ko siya, kita sa mukha niyang nag-aalangan siya.

“Okay,” wala lang naman sa akin ‘yon.

“Kahit sa may restaurant lang,” pahabol niya.

“Okay,” Tumango lang ako, as if naman doon ko talaga siya ibaba, gabi na kaya atsaka anong gagawin niya roon?

“Thank you,” sambit niya. Hanggang sa maalala ko na kotse pala ni Katrina gamit namin kanina nung pumunta kami. Sinundo ko siya tutal walking distance lang ang opisina niya sa opisina ko.

Nilabas ko na yung phone ko para magbook ng grab. Buti na lang may nakuha ako kagaad kaya dumating ito agad.

"Tara na," binuksan ko yung kotse para makasakay na siya. Sumakay na rin ako pagkapasok niya.

"Sorry pala, naiwan ko kasi kotse ko sa opisina." sabi ko habang inaayos yung aircon.

"Ah, okay lang. Ako na nga lang makikisabay, eh" tumango lang ako saka tumingin na sa labas.

Hindi ko namalayang malapit na kami sakanila. Baba rin ako kasi roon yung pin na binook ko. Pagkadating namin sakanila, nagbayad na ako saka bumaba.

"Magbook ka muna bago ako pumasok sa loob, antayin kitang makasakay." hindi na ako umimik saka nagbook na. Nakakuha naman ako agad, swerte ko naman ata ngayong araw.

Tahimik lang kami. Mga tunog lang ng insekto ang naririnig namin. May humintong sasakyan na sa harapan namin, baka ito na yung grab.

"Una na ako," paalam ko sakaniya. Ngumiti siya sa akin saka inabot yung tape. Ay oo nga pala.

"Ingat ka pauwi. Huwag mong kalimutan itext girlfriend mo kung nakauwi ka na." ngumiti ako saka tumango. Bago pa ako tuluyang makapasok sa kotse, nilingon ko uli siya.

"Wala kang kasalanan. Huwag ka mag-alala."

Alone Again (A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon