Chapter 8

36 16 1
                                    

"Bakit ikaw naghatid niyan?" tanong ko. Syempre building 'to so may elevator talaga.

"Sabi mo, gusto mo ako." napataas ang kilay ko roon at mukha namang nagets din niya ang sinabi niya.

"I mean, ako kasi yung kausap mo sa phone tapos sabi mo, ako yung maghatid, so 'yon." tumango-tango ako.

Binuksan ko yung soda can saka inabot sakaniya. Tinignan naman niya ako ng nagtataka.

"Drink it. Napagod ka siguro sa hagdan." 8 floors ba naman yung inakyat niya. Nakakaguilty kaya kahit hindi ko naman intensyon 'yon. Kung alam ko na siya pala yung kausap ko, edi sana sa iba ko na lang inutos.

"Pwede ba uminom ng soft drinks kapag gutom?" napatingin ako sakaniya, hindi pa ba siya kumakain? Bakit? Past 1pm na.

"Hindi ka pa ba kumakain?" umiling lang siya. Gutom na rin ako at isa lang yung lunchbox na inorder ko kung magpapadeliver pa uli, matatagalan pa.

"Ay sige, sa'yo na 'yan. Checheck ko na lang sa pantry. Huwag ka munang lumabas ha." tumayo ako saka lumabas.

Nagulat ako dahil medyo nakadikit si Kayla sa pintuan. Tinaasan ko siya ng kilay, ngumiti lang siya sa akin saka kunyari inaayos ang damit pagkatapos ay umupo na sa upuan niya.

Gusto ko itanong kung bakit ang chismosa niya, kaso baka masabihan pa ako na masama akong boss kaya huwag na lang.

Pagdating ko sa pantry, wala na masyadong tao. Kumuha ako ng nakastuck na sandwhich na pwede initin sa microwave. Nag-init ako ng tatlo.

Napailing ako nang maisip ko yung ginawa ko. Bakit ko 'to ginagawa? I mean hindi ko ba naisip na baka awkward kami? Hindi talaga ako nag-iisip. Napatingin ako sa phone ko, tumatawag si Jun.

"Ano na naman kailangan mo?" sabi ko. Hindi naman siya tatawag kung wala siyang kailangan. Narinig kong natawa siya.

"Anong ginagawa ni Astrid sa opisina mo?" may halong pang-aasar ang tono niya.

"Ha? Bakit mo alam?" tanong ko. Hawak ko sa isang kamay ko yung phone at yung isa ginagamit ko sa pagtimpla ng kape.

"Pupunta sana kami kaso sinabihan kami ng sekretarya mo na may tao sa loob. Hindi raw niya kilala kaya pinakita ko picture ni Astrid tapos sabi niya, si Astrid nga."

"Oh, ano naman ngayon? Bye na nga." binaba ko yung phone ko sakto naman na tumunog yung microwave. Nilagay ko lahat ng pagkain sa isang tray saka dinala na yun papuntang opisina.

Pagdating ko sa may pintuan, nakaabang doon si Kayla. Tinulungan niya akong buksan yung pintuan.

"Sir dumaan po sila sir Jun dito kanina." tumango lang ako dahil alam ko naman na. Pagkabukas nung pinto napatingin sa akin si Astrid na nakaphone. Hindi niya pa nagagalaw yung food niya. Maybe she's waiting for me.

"Hindi ka pa ba kumakain?" umiling siya saka nilapag ang phone. Nilapag ko rin ang tray saka umupo na.

"Nagtext sa akin si Jun, kailangan daw niya tayo. Mauna na lang ako sa'yo."

"No. Kumain ka muna." pinagod ko siya kaya obligasyon ko siya.

"Okay," sambit niya saka binuksan na yung lunchbox. Kumain naman agad siya. Ang lakas niya pa rin kumain.

Tahimik lang kami kumain. Nasa pangatlong sandwhich na ako nang nagvibrate phone ko. Sino na naman ba 'tong tumatawag? Ay girlfriend ko pala.

"Yes, babe?" pagsagot ko. Nakita ko naman na nag-iwas ng tingin si Astrid. Napangisi ako roon.

[Jun is looking for rings. We're gonna meet later. For Vanessa ata.] ayun kasi ang business nila, jewelry.

"Malamang para sakaniya. Kanino mo gusto? sa'yo?" natatawa kong sabi.

[Ha ha ha. Funny. Anyways, He told me na nasabi na niya sa'yo where to meet.]

"Yes, ma'am." sagot ko.

[See you. I love you.] sagot niya.

"I love you too," binaba na niya ang tawag kaya binaba ko na rin ang phone ko.

"Ilang taon na kayo?" out of the blue naman ata ang pagtanong niya?

"1 going 2 ata. I'm not sure. I hate counting days."

"Ha? Tagal naman." she casually said. Sa tingin niya ba ganun siya kadaling kalimutan?

"Nag-antay muna ako ng 3 years, baka kasi bumalik ka pero hindi so ayon na." natahimik kami pareho.

Totoo 'yon. Nag-antay ako tuwing buwan, pasko hanggang sa naging araw-araw na aking naghihintay. Lagi rin akong dumadaan sa kanila kaso wala, hindi naman siya bumalik.

Imbis na i-down ko pa sarili ko, nagmove on ako. Doon ko na nakilala si Katrina. Maganda naman umpisa namin kaso minsan nag-aaway kami dahil selosa siya. Kung dati ako yung seloso, ngayon baliktad na.

"Sabay na lang tayong pumunta roon sa cafè na sinasabi ni Jun." aya ko, mukha naman siyang walang sasakyan kaya isasabay ko na lang.

"Okay." tipid niyang sagot. Tumango-tango naman ako.

"You're meeting with your girlfriend, right?"

"Oh, so you're listening to our conversation? Why?"

"Ah. Nevermind" napailing naman siya agad.

Lumabas na kami pareho at syempre nagulat na naman yung ibang empleyado sa amin. Wala naman kaming ginagawang masama??

"Kayla, kung may meetings man ako, pakitawagan na lang ako. At kung may humanap sa akin pakisabi na sendan ako ng e-mail, okay?" tumango-tango siya. Ngumiti pa siya kay Astrid.

"Mag-eelevator ba tayo or hagdan?" tanong ko. I just want to know mamaya niyan bigla siyang mahimatay kapag nag elev kami.

"Elev," tipid niyang sagot. May problema ba 'to? Well, it's not my problema.Pagsakay namin sa elevator, kita kong nanginginig ang kamay niya. Anong gagawin ko?

Bago pa sumara yung pintuan ay tinawag ko si Kayla, mabuti na lang at narinig niya.

"Hold her hand. May takot kasi siya sa elevator." agad naman tumango si Kayla at hinawakan na nga sa kamay si Astrid. Napatingin pa sa akin si Astrid.

Nakasakay na kami sa kotse ko. Pagkababa namin ay umakyat na uli si Kayla. Hindi naman masyadong matraffic at medyo malapit lang yung sinabi na cafe ni Jun.

Pagkadating namin sa cafe, nakita ko kaagad sila Jun. May mga clearbook doon, siguro ayun yung list ng rings.

"What the fuck, Katrina?" she said in disbelief.

"Oh my god!! Astrid?" napatayo naman agad si Katrina sa gulat.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Jun saka tumingin sa akin. Tawang-tawa naman ang loko.

"Yes! Babe, remember noong pumunta ako ng Japan?"

"Yes. Anong meron?" tanong ko at umupo.

The present meets the past.

"Bumili rin sa akin yung boyfie niya ng singsing."



HAPPY 100 READS!!!
follow me on twitter!! @kasenic7

Alone Again (A Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon