O N E

29 4 3
                                    

"MISHAL! wala ka na bang balak gumising ha?! Naman, Bibili pa tayo ng gamit natin para bukas!"

Bakit kaya hindi nalang tong si Van ang gawin kong alarm clock?

Bukas ang first day namin sa Caldwell University at ngayon palang kami bibili ng supplies. Hindi ko alam kung bakit last day of Summer namin naiisipang bumili kung pwede rin namang a week before the class.

"Ano ba?! Bababa ka ba o hihilain ko yang buhok mo papunta dito?!" tamo yan, galit na galit.

"Anjan na! Makasigaw toh akala mo may buwanang dalaw"

"Ang aga natin ah!" nakangising sambit sa akin na Shane.

"Wag mo kong mangisi ngisi, badtrip ako. Ang ganda ganda ng panaginip ko tapos pinutol pa nyang megaphone na yan" pabiro kong sabi habang tinuturo si Van. Bigla namang sumama ang tingin ng bruha sa akin haha! Natawa naman sa amin si Shane.

"Dalian mo na jan Miqa" sa aming tatlo, si Van ang pinaka matured mag isip. Para syang nanay namin.

Matagal na kaming mag kakaibigan, simula grade school hanggang ngayon. Graduating students kami. We live on the same condo dahil gusto naming maging Independent kuno.

After I ate my breakfast, agad akong nag tungo sa kwarto para makapag ayos na.

I decided to wear something simple since bibili lang naman kami ng school supplies. I wore a black cropped top under the blazer jacket paired with black ripped jeans and white sneakers. I also used a gucci belt and wore a black bucket hat.

"I'm ready!" and as expected, naghihintay na sila sa kani kanilang mercedes-benz.

Napatingin naman silang dalawa sa akin. Napangiwi ako sa suot nilang dalawa. Kung simple yung suot ko, MAS simple naman tong sa kanila. Naka oversized t-shirt, pants and rubber shoes. Really? And shane with her big pair of glasses.

Ako lang talaga may taste of fashion sa aming tatlo eh. Nevermind

Hindi na rin kami nag sabay sabay dahil sigurado kami na marami kaming bibilhin at may kanya kanya rin kaming pupuntahan pagkatapos mag nito.

Agad akong napa tingin sa passenger seat dahil may tumatawag. Binagalan ko ng kaunti ang pagmamaneho para masagot ang tawag ni Shane

"Miqa, derecho na kaming NBS pag karating. Dun ka na din muna pumunta" bungad sa akin

"okay, malapit na ko sa mall, Geh" at binabaan ko na ng linya.

Derecho NBS na ako pag karating ko. Naisipan kong tumingin muna ng librong bibilhin. Nang makita ang librong gusto kong bilhin ay hinanap ko na muna sina Van. But someone caught my attention.

He's holding a book. A Harry Potter book. Complete Set! Well, not that I don't have it. And damn, he's good looking. Parang si adonis lang na pinababa sa lupa.

He's wearing a button down shirt paired with ripped jeans. May suot din syang silver necklace na nag palakas pa lalo sa appeal nya.

Pwedeng pandagdag to my list of crushes. Yes, with s. At dahil isa sya sa mga crushes ko. Lumapit ako at kunwaring matatalisod. Nahulog ang tatlong librong dala ko.

I expected na tutulungan nya ako pero...

"ano ba?! Tanga ka ba? Ang laki laki ng daan tapos mababangga mo ako? Tss"
Ay wala, gwapo pero masungit.

[Tropa Series 1] Breaking through ExpectationsWhere stories live. Discover now