F O U R . 2

3 1 0
                                    

A/N:  Errors ahead


***


"Performing arts daw sinalihan ni JD. Paano ba yan, ako kinausap, ikaw hinde" pangiinis ko kay Andrea na namula agad sa inis

ang sama ko ba? LOL. Mas masama sya

"Ha! What a b!tch" duro nito sa akin "You're so malandi" sabay walk-out

bat ba ang conyo ng mga tao dito? Akala mo kinaganda nila.

*Phone rings*

"Asan ka na? diba kasali ka sa sports club? nagsisimula na tryouts nyo. Magpalit ka na ng PE" bungad ni Van. Sh*t, nakalimutan ko

"Papunta na ako jan. Thank you"

binaba ko na agad ang tawag nagmadali na akong papuntang locker ko para kunin ang PE at magpalit

***

"Form a line according to your grade level. You must fill-up this form before you proceed to the try-outs" anunsyo ng president ata ng Sports club

Mukhang marami rami sa fourth year ang may balak sumali sa Sports club since ang linya namin ang pinakamahaba.

"Zaffuequa right?" Biglang sabi ng lalaking nasa likod ko.

"Yes?" baling ko sa kanya. "oh, the Vice President" Eto yata yung kaibigan ni JD, yung kinaiinisan ni Van

"Huh? oh yes, you're friends with Nica right?" Tanong nito na nagpakunot ng noo ko. Sinong Nica? 

"who?"

"Nica, Veronica anne" ahh si Van, ang FC naman neto, may pa Nica pang nalalaman

"Uhmm yes?" alanganin kong sagot dahil masama ang tingin sa akin ng mga kababaihan sa linya namin.

oh god! 

"I'm Ken Jerome by the way, Kenji for short"  pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay

Should I accept it or not?

"I did not ask" ngumiti pa ako sabay talikod. Dagdag issue na naman pag kinamayan ko pa, judgerist pa naman mga tao dito

"Ang taray, magkaibigan nga kayo, mga maldita" Hah! ang kapal naman ng mukha neto. Di ko nalang pinansin.

"Snobber pa. I wonder why JD keeps on talking about you" bulong nito na di ko naman marinig

"What?! are you still talking to me?"

"Wala, chismosa ka rin pala" maloko nitong sabi.ang sarap tanggalin ng ngisi sa mukha nya. Kaya naman pala nabubwisit dito si Van eh. Kung anong kinatahimik ng kaibigan nya, ganun din sya kaingay

Dumiretso na ako sa mga mag ta-tryouts sa Volleyball since tapos na rin naman akong mag fill-up.

Habang naglalaro ay pansin kong laging sinasadya na patamaan ako ng bola nung ssg officer na year level representative yata namin. Buti nalang ay naiilagan ko, kung hindi ay bukol ang aabutin ko

Nang matapos kami ay inanunsyo ng president ng sports club na bukas sasabihin ang mga pasok sa varsity.

nasabi ko na ba sa inyo na sumali rin si Andrea? Magkaibigan yata sila nung babaeng may galit sa kin kanina.

Bat ba ang daming may galit sa akin?

"Don't flirt with Kenji. Di ka pa nakuntento kay Nathan, pati ang mga Populars dinidikitan mo. Ugh! transferees" maarteng sambit nito na may paflip hair pa nung umalis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

[Tropa Series 1] Breaking through ExpectationsWhere stories live. Discover now