T H R E E

8 1 0
                                    

"Anong mukha yan?" tanong sa akin ni Nate

"Nate, tapatin mo nga ako. Pangit ba ko?"

"Buti tinanong mo..." sabay tingin nya sa mukha ko "Oo eh" malungkot na saad nya

"Bwisit ka!"

"Tss" biglaang sabat ni JD

JD nalang, ang haba rin kasi ng John Damon. Since JD rin naman nag tawag sa kanya ng karamihan

One week na simula nung first day at ang dami kong napansin sa kanya.

Sobrang sungit pero gwapo parin tingnan. Heartthrob pala sila dito sa University pati na rin yung dalawang kaibigan nya na sa tingin ko'y kaklase nina Van at Shane.

Hindi masyadong maganda ang mga nararanasan ko dito sa University.

Dahil nga close kami ni Nathan, ako ang pinagdidiskitahan ng mga fans kuno nya. Gwapo rin kasi si Nate, matalino pa.

Isama mo pa yung class President namin na si Andrea, sobrang init ng dugo sa akin

Naiingit yata sa kagandahan ko. Lolz

Hindi ko nga lang alam kung bakit.

*bell rings*

"Sasabay ka sa amin nate?" tanong ko nang matapos na akong mag ayos ng mga gamit ko

"Hindi na muna, sa library ako ngayon"

"Save a seat for me, pupunta ako dun after kong mag lunch"

"Sige sige"

Nang makalabas ako ng room ay agad akong nakarinig ng mga bulong tungkol sa akin

"mag la-library daw sila mamaya. Tss"

"di na nahiya, si Nathan pa talaga pina reserve nya"

"if i know, may gusto yan kay nathan kaya laging lumalapit"

Mga malisyosa talaga tong mga bruhang toh.

Agad akong nagtungo sa lamesa kung saan ko nakita sina Van.

"Oh Miqa, mag order ka na, early dismissal kami kaya nakapag order na kami agad. Medyo mahaba din ang pila eh."

At gaya nga ng sinabi ni Shane, pumila na ako para makabili ng makakain.

Habang naglalakad ay may demoyitang nag iwan ng paa sa daanan na dahilan ng pagakatumba ko

" That's what you get bitch!" maarteng saad ni Andrea. Yung Class president namin na kumukulo yung dugo pag nakikita ako

"Problema mo?" buti nalang wala akong dalang pagkain oh inumin kaya di narumihan damit ko tulad nung mga nasa stories na nababasa ko. 

"Problem? Ikaw! Masyado kang malandi" iritang sigaw nya sa akin sabay duro sa mukha ko

Makaduro toh, putulin ko daliri mo jan

"Si Nathan na naman ba? Kung may gusto ka sa kanya, sya sabihan mo, hindi ako yung pag tripan mo" sabi ko habang pinapagpagan ang damit ko

"What? Nathan? No! It's JD you dumb! Akala mo di namin nakikita? Nagpapansin ka sa kanya. Hindi ka ba aware? JD is mine. Alam ng lahat yan at ikaw lang ang nag iisang makapal ang mukha na lumalandi sa kanya" gigil na sagot nito.

Napansin nya pala yun? Lolz

Oo crush ko sya, pero konti lang naman. Pero di ko nilalandi noh. Maria clara toh uy! Flirting is not in my vocabulary.

At kung sa kanya nga yung sungit na yun, edi sana nilagyan nya ng tarpaulin na may nakalagay na "Andrea's property" para naman aware ako.

Binigyan ko nalang sya ng matamis na matamis na ngiti na nakaka diabetes "Gusto ko eh, What I want, I get" sabi ko na nag papikon lalo sa kanya

Hindi ko naman talaga aagawin sa kanya yung sungit na yon, namimikon lang. Mukha kasi syang kamatis na puputok. Lolz

At di nga ako nagkamali dahil umalis din syang minumura parin ako

Hahahaha. And the winner is..... TEntEnNEnenNn... MISHAL FERREEEERRR

Pesteng babae yan, pumunta ako dito para kumain hindi mapatid. Loko

"Hoy, anong eksena yun?" biglang tanong sa akin ni Van. "Anong nilandi landi? May gusto ka pala dun kay JD?"

"Diba kaibigan nun yung mga asungot? Sigurado akong asungot din yun." dagdag ni Shane na tinutukoy yata yung mga bespren ni sungit.

Nag kibit-balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos ay agad na akong dumiretso sa library. Pupuntahan ko pa kasi si Nate, at mag advance reading na rin.

At syempre pag sinabi kong Nate, kasama na dun yung mga malalanding higad na pinag chichismisan ako.

Madali ko rin namang nahanap ang kimauupuan ni Nate. Kailangan ko lang hanapin ang lugar na maraming nakapalibot na mga linta.

Ang totoo nyan, nalito pa ako nung una dahil dalawang magkakaibang pwesto ang pinalilibutan ng mga higad.

At kung tatanungin nyo ako kung sino yung isa... Syempre naman yung mga heartthrob kuno.

"Excuse me! Makikiraan nga, mag rereview yung tao oh! Makikichismis lang naman kayo. Shoo!" sabi ko sa mga nararaanan kong pinagnanasaan si Nate. Syempre hindi gaanong malakas, baka mapalabas ako ni Ms. Librarian na isa lang kilay, lagi kasing magkarugtong. 

Grabe rin tong fren ko eh, hanep ang kasikatan.

Nang umupo na ako sa tabi ng sikat kong fren ay nagsimula na rin ang bulung bulongan tungkol sa akin.

Sikat din ako mga beh. Insulto nga lang. Lolz

"uy, ano tong narinig ko na nakaaway mo raw si Andrea?" bungad na tanong sa akin ni Nate

Chismoso naman neto, nakarating pa rito sa Library ang balita?

"Wala yon, naiinggit lang sakin yun. Katabi ko kasi crush nya"

"Ako?" tanong naman nitong kumag.

Ang feeling nya ah.

Porket sikat sya na agad ang crush?

"Hindi uy! Piling! Si sungit kasi HAHA. Mukhang kamatis na nga yun kanina, pikon din naman pala" natatawa kong sabi habang binubuklat ang librong hawak ko.

Kalog lang ang attitude ko, kaso may maipagyayabang din ang utak ko. Feel ko kasi ang plain ng buhay pag puro aral, kaya nilalagyan ko ng kakulitan. HAHA

"Crush mo yun Miqa?" seryosong tanong nito sa akin

"Hindi naman, mga 10 percent lang ganern"

"Basta ba kahit maging kayo nung sungit na yon, di mo ko ba balewalain ah" parang bata nitong ani.

Parang kapatid ko na talaga tong batang toh. Gaya ng sabi nya, kahit maging kami ng sungit na yon, hinding hindi ko babaguhin ang trato ko sa kanila. Di tulad ng ibang kaibigan jan na nag kajowa lang, nakalimutan na ang mga kaibigan nila. Char

Teka nga, bat ko ba iniisip yon? Eh di ko naman jojowain yung sungit na yun. Duhh. Seriously Miqa?

***
A/N: Sorry kung lame toh. Sa mga nagbabasa. Thank you for supporting 💜. Stay safe everyone 💕

Don't forget to comment, vote and share


[Tropa Series 1] Breaking through ExpectationsWhere stories live. Discover now