[3] Caution

11 2 0
                                    

Zera's POV

Naalimpungatan ako sa sobrang init ng pakiramdam ko na para bang  sinusunog na ang balat ko, napagpasyahan ko na bumaba para uminom ng tubig. Bumungad agad sa akin sa baba ang madilim at tahimik na silid. Halos mangapa ako dahil hindi ko na napagabalahan ang pagbukas ng ilaw ng dahil sa init ng katawan ko, pakiramdam ko ang taas-taas ng lagnat ko.

Pabagsak na binuksan ko ang refrigerator at uminom ako ng tubig na para bang ilang buwan akong di nakainom sa sobrang uhaw .

"Shit!" Halos naghabol ako ng hininga sa nararamdaman ko.

Umupo ako saglit sa dining para magpa cool down. I travel my eyes around, masyado ngang luma ang mga kagamitan dito. Halos renovated na ang buong bahay, parang minana pa namin to sa ninuno namin.

Naglakad ulit ako pabalik sa kwarto ko nang mapansin ang malaking wall clock sa living room. 3am na pala masyadong mahaba ang naging tulog namin maaga kasi kami nagsitulog.

Nahagip sa gilid ng mata ko ang isang bakanteng kwarto dito sa taas, sa tingin ko ito ang pinakamalaking kwarto rito. Kanina ko pa to napapansin pero pinagsawalang bahala ko na lanh, hindi ko alam pero parang may tumutulak sakin na buksan ang kwartong to.

Hindi naman siguro masama.

"Fuck!" Bulyaw ko nang bigla na lang may humawak sa braso ko nang napihit ko na ang pinto.

"Anong ginagawa mo rito?" Seryosong tanong ni Aling Fei. Diba dapat ako nagtatanong nyan, nasa baba ang kwarto nila, bakit siya nandito? Bwisit.

"Bakit ka ba nanggugulat?" Kinuha ko ang braso ko sa kanya.

"Diba dapat nagpapahinga ka pa?"

"Diba dapat ang bahay ang pinakeke-alaman mo hindi ako?" Balik kong tanong. I took a deep breath bago ulit magsalita.

"Why are you here?"

"Tinitignan ko lang kung maayos kayo"

Nagsasalita pa ito pero tinalikuran ko na. Humakbang na ako patalikod at tumungo na sa kwarto ko nang bigla na lang itong nagsalita.

"Mahigpit na pinagbabawal ng mga  magulang mo ang pagpapasok sa silid na to" tumigil ako sa pagalalakad ngunit nanatili pa rin akong nakatalikod.

"bakit?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot kaya humakbang na ako papasok ng kwarto ko.

Restriction is my happiness oldy.

"Isang hakbang pa, hindi ka na maaaring umatras" sa pagkakataong ito tinignan ko siya ng makahulugan.
"Pag-isipan mong mabuti"

Tinalikuran niya ako at iniwan na namang nagtatanong. Naguguluhang tinungo ko ang kama ko hangang sa unti-unti na akong nilamon ng antok.

Naalimpungatan ako ng nakarinig ako ng ingay sa labas. Umupo ako mula sa pagkakahiga at pinasadahan ng palad ang aking mukha. Sumilip ako sa veranda kung saan kitang kita ko ang mga taong nagsisitakbuhan palabas ng village.

May sunog ba?

Arhg! Darn it. You wake me up.

Bumaba ako. napansin ko na walang tao ang bahay. Nilingon ko ang  orasan 9:30 am na imposibleng tulog pa ang dalawang yun.

Lumabas ako at sinundan ang mga taong balisa. What the hell is going on?

Nagtatakang pinasok namin ang isang malawak na gubat malapit sa village namin. Sa hindi kalayuan napansin ko na papalapit saakin si Ash kasama si Aling Fei.

"Asan si Gail?" Bungad ko sa kanila.

"Hindi mo ba kasama?"

"May nakikita ka ba?" Babalang kong balik sa kaniya. Hindi ko alam kung matalino nga talaga tong kaharap ko o nuknukan ng bobo.

CURSED UNIVERSITY At The Punishable Land Of DEATH CITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon