ASHLEI'S POV
I'm at a playground. Nakaupo ako mag-isa sa mga swings. Walang ibang tao kundi ako.
Tumingala ako sa maliwanag na langit ngunit ay paunti unti itong dumidilim tsaka ako yumuko at naghum ng kanta.
Naramdaman kong nagsibagsakan ang ulan habang nakaupo ako.
Ewan ko kung ano drama ko ngayon. 'Di ko alam kung bakit 'di ako umaalis sa kinauupuan ko. Nasisiraan na yata ako ng ulo.
Feeling emo kid yata ako HAHAHA!
Nagulat ako nung may biglang humatak sa akin papunta sa may gilid ng CR para sumilong.
Kinulong niya ako gamit ng dalawa niyang braso kaya napatitig ako sa mukha niya.
"S-Sejun?!" gulat kong bulalas.
'Di niya ako sinagot. He just breathed heavily and stared into my eyes.
We stared at each other for a few seconds. Napansin ko naman an unti-unti siyang lumalapit sa akin na parang hahalikan niya ako.
Kaya napapikit ako at napapout.
Nung naramdaman ko ang mga labi niya sa mga labi ko ay bigla akong nakarinig ng halakhak.
Parang boses yata ni Jah yun ah?
Biglang nandilim ang lahat at nawala si Sejun. Naririnig ko pa rin ang tawa ni Jah na parang palapit ng palapit sa akin kaya tumakbo ako sa walang katapusan na dilim hanggang sa nadapa ako.
Dahan-dahan akong lumingon sa harapan ko.
It was Justin. He was creepily grinning at me from ear to ear.
"Hey, Ashlei. Wanna kiss?"
"Aaaaaah!!!"
Napabalikwas ako ng kama at kaagad naman dumapo ang aking kamao sa pisngi ng taong sobrang lapit sa mukha ko.
Phew. It was just a nightmare.
Pero may taong nakatingin sa akin kanina habang natutulog ako.
Galit akong napabangon at hinampas ng unan si Jah habang tawa pa rin siya ng tawa.
Binato ko ulit siya ng unan bago pumasok sa banyo para mag-ayos.
Pagkalabas ko ng banyo ay napakibit balikat ako nung makita kong wala si Jah doon. Siguro napapraning na ako. Sa sobrang bwisit ko sa kaniya kagabi, inimagine kong andyan siya. Hindi lang pala presensya niya yung nandyan, pati siya mismo nasa panaginip ko.
Pero baka... baka nababaliw na ako??? Naghahallucinate ba ako??? Nakadrugs ba ako??? Shet. Kinakabahan ako, baka kung ano nilaklak ko na may kung anong chemical na magiging sanhi ng pagkabaliw ko.
Sinampal ko ang sarili ko ng mahina at napabuntong hininga.
Ashlei. 'Di ka baliw. Siraulo ka lang. Baka nga naghallucinate lang ako kanina.
Bumaba ako ng kwarto at pumuntang kusina pero napatigil ako sa harap ng pinto ng kusina nung may nakita akong limang itlog na nag-aaway sa harap ng pagkain habang si Mama naman ay nakangiti lamang na nakatayo habang may hawak na spatula.
Oh. So I'm not crazy. 'Di rin ako naghallucinate. I sighed in relief.
"Oh, Ash." bati ni Mama. "Kumain ka na." napatingin naman ang limang siraulo sa akin pero napailing lamang ako at kumuha ng milk carton sa ref at nagsalin sa baso bago dumiretso papuntang salas para manood ng TV.
Nakatulala lang akong nanood ng TV. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari.
Nagulat ako ng may biglang lumipad na pancake papunta sa mukha ko kaya napatayo ako at pumuntang kusina.
YOU ARE READING
Crush, Notice Me! (SB19 Sejun Fanfic)
RandomA SB19 Sejun Fanfic♥️ Short Story. Some chapters include epistolaries.