Author's Note:
HAPPY 900+ READS MGA KA-HOTDOOG!
Medyo short chapter siya tsaka corny kasi naubos na brain cells ko sa online classes namin ehehe
PS: STREAM WHAT? BY SB19!!!!
ASHLEI'S POV
Ilang buwan na ang nakalipas since naging close kami ni Sejun.
Umpisa nun ayun, palagi akong naghahangout kasama sila. Pati sila Dione kasama rin minsan.
Lagi kaming nagbebreakfast sa labas. And most of the times, sinusundo ako ni Sejun.
Oo. Tama kayo ng basa, mga kapatid. Sinusundo ako ni John Paulo Nase sa aming bahay.
Pinagkakamalan nga kami laging magjowa. Pero we're just friends, gaya ng sabi niya. Ouch. Sakit naman, mga boss.
'Di pa nga ako nakaharot, friendzoned na kaagad. Sakit naman ng life.
Anong date na ngayon? November 29, Thursday. Oras? Ewan ko.
Ilang buwan nalang, gagraduate na kami. At sa pagtapos namin ng Senior High, aalis na sila Sejun ng bansa.
Bilis no? Buti pa nga yung araw mabilis, pero yung progress namin ni crush hindi. Aray.
Haaaaays buhay.
Parang life.
Malamang, tagalog ng life ay buhay. Duh, Ash. Duh.
"Hoy, Ashlei." napalingon ako kay Diane. Distorbo talaga ang isang 'to sa pagmumuni-muni ko.
"May date ka na?" napakunot ang noo ko.
"Sa ano?"
Nagkatinginan ang dalawa at sabay akong binatukan.
"Engot!"
"Sabog!"
"Aray! Ano ba?!" reklamo ko at hinimas ang ulo ko.
Maka-engot naman tsaka sabog ang dalawang 'to. Nakakahiya naman sa kanila.
"'Di ka na ba marunong magbasa?" bulyaw sa akin ni Diane.
Binatukan ko siya. "Ano ako? Ikaw?" paasik kong sabi sa kaniya.
"FYI aking outdated na kaibigan, merong Senior's Christmas Ball ngayong taon! Wala pang fixed date at venue pero approved yung Ball! Galing nga ng Presidente natin ngayon, naapprove ng Principal ang request niya kasi nga yung mga previous hindi pinayagan. Last dance natin as high school students kaya dapat andun tayo!" naggesture si Dione na parang iiyak.
"After Christmas yata 'yon gaganapin. As for now, yung venue, wala pa." paliwanag ni Diane.
Hinampak naman ni Dione si Diane. "Ulit-ulit ka, Diane?! Kakasabi ko lang diba?!"
"Sorry naman!"
Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga ang dalawang 'to.
"Magshoshopping tayo mamaya!"
"Magpapabongga tayo dun!"
"Dapat super ganda natin!"
"I hate to break it you, girls, pero wala akong balak na pumunta." sabi ko kaya napalingon ang dalawa.
"Ano?! Seryoso ka?!" sabay na sigaw ni Dione at Diane. Tinanguhan ko sila.
"'Di ako interesado e. At wala naman akong kadate. So, there's no point on going." napakibit balikat ako. Naghintay sila na magsabi ako ng 'joke lang!' o kaya naman ay 'asa kayong 'di ako sasama.' pero no, I didn't say it dahil seryoso talaga akong hindi ako pupunta.
YOU ARE READING
Crush, Notice Me! (SB19 Sejun Fanfic)
RandomA SB19 Sejun Fanfic♥️ Short Story. Some chapters include epistolaries.