CHAPTER 2 (Esper Academy)

7 3 0
                                    


Hei plugged his earphone on. Wala namang musika na naka play. He was just acting like he was not listening sa pag-uusap ni Kalvin at ni Kien. He leant to the window at pinagmasdan ang nararaanan nila. Nakasakay sila sa isang van. Hindi naman siya chismoso, but he liked to observe people. Inaaral din niya kung anong klasing persona ang mayroon sina Kien at Kalvin but he doesn't like talking too much kaya'y nakikinig lang siya.

"Kien, so what's your ability." tanong ni Kalvin. Nag-aalangan pa siya because it was their first-time na pag-uusap.

Ngumiti si Kien. "Super astig pre! Tingnan mo." Kien concentrated at bigla siyang nag multiply. "I can create clones! Haha. Eh sayo, anong ability mo?"

"I'm not really sure, but I think kaya kong mapabagal ang oras?"

"Astig! Pakita mo nga." Excited si Kien na makita ang ability ni Kalvin. Nagulat siya sa isang iglap lang ay nalipat na sa ibang upuan si Kalvin. "Wow naman!" manghang ani ni Kien.

Lumingon ang dalawa kay Hei. Di nila alam na naririnig sila ni Hei.

"Kalvin, kausapin mo nga 'yang isa."

"No, ikaw ang kumausap."

"Ikaw na hoy!"

"Go, you can do it. I'll back you up!"

Tinanggal ni Hei ang earphone niya. Kinuha niya ang smartphone at nakita niyang nakatingin sa kanya ang dalawa. It was just an act. Alam niya kasing nakatingin sa kanya ang dalawa. He rose his eyebrows, a body gesture na nagtatanong kung bakit sila nakatingin sa kanya.

"Erm, a-anong ability mo pre?" nauutal na tanong ni Kien. Without changing his facial expression, Hei changed his appearance. Hei became Marcuz.

"The heck!" gulat na ani ni Kalvin.

Napangiti nalang si Marcuz sa pinaggagawa ng tatlo.

***

Pinatawag ni Bubbles ang lahat ng mga senior. Excited siyang ipaalam ang bago nilang makakasama. Pito pa lang ang mga seniors pero marami-rami na ang mga kabataan at patuloy parin sina Marcuz sa paghahanap ng iba pang esper. Batid nilang maraming  esper ang piniling magtatago dahil sa takot.

"Listen everyone. May paparating na tatlong bagong espers. According to Marcuz, mga late bloomers ang tatlo. As you can observed, seniors lang ang pinatawag ko dahil mga kasing edad niyo lang sila."

A guy with brown hair and thick eyebrow smirked. "Eighteen or nineteen years old? Late bloomers? Hahaha. Sigurado akong mga lampa ang mga iyon?"

"Manahimik ka Lester!". Saway ni Bubble. May kumatok sa pinto kaya'y huminto muna si Bubble "Please come in." Iniluwa ng pinto ang isang lalaking  propesor na nasa late thirty na. "Oh Tracker? Ba't ka naparito?"

"Good morning Bubble, good morning seniors. Nandito na ang headmaster kasama ang mga bagong seniors. E welcome natin sila. Please follow me." Sumunod kay Tracker si Bubble at ang mga seniors. Pumunta sila sa open field kung saan naghihintay sina Marcuz, Hei, Kalvin, at Kien.

"Good morning seniors!", bati ni Marcuz na nakangiti.

"Good morning Headmaster!" sagot naman ng mga seniors na nakatingin lang sa tatlong binata sa likod ni Marcuz.

"Please help me welcome the new seniors. At alam niyo na ang dapat gawin." Ngumiti si Marcuz at umalis sa pwesto niya. Sumali siya sa kumpol ng mga seniors. Nagtaka naman ang tatlo at di alam ang susunod na mangyayari.

A girl with purple hair and a glowing purple eye stepped forward. "Good morning new seniors!" Sabay namang tumango ang tatlo ngunit nanatili silang tahimik dahil sa kalituhan. Nakatitig silang tatlo sa babaeng nasaharap nila. "We need to know kung anong ability ang mayroon kayo at hanggang saan ang kaya niyong gawin." Nakaramdam sila ng kaba, maliban kay Hei kaya'y humanda ang dalawa. Si Hei naman ay nanatiling kalmado.

ESPERS: The ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon