chapter-06

391 10 0
                                    

Zaira points of view


"Kamusta anak?" Kakapasok lang ni mama at papa sa room ko na na may dalang basket ng prutas.

Kakaligo ko lang, kaya naka upo ako ngayon sa kama habang nagpapahid ng lotion.

"Ayos lang po," Nginitian ko sila ng tipid.

Dumiretso si mama sa side table ko at iniligpit ang mga bote na ininuman ko ng tubig, habang si papa naman ay inayos ang prutas na dala nila sa isa pang lamesa.

"Good morning doc." Napatingin ako sa pinto ng biglang umimik si papa at tumambad sa amin si Doc Xavier na may dalang med record.


Tinanguan sya ng doctor bilang pagbati at lumapit sa akin.

"Do you feel anything mula noong huling check up natin, kagabi?" Tanong ng doctor.


Pero ngisi lang ang isinagot ko.

Bakit ako ang tinatanong n'ya, s'ya ang doctor diba?

"Hindi ba doctor ka? Dapat ikaw ang nakakaalam." Pambabara ko pero mukhang wala s'ya sa huwisyo upang makipag biruan.

"Mr. and Mrs. Ramz, as of now ay inaalam pa ang sakit n'ya. May iba pa ba kayong napansin sa pasyente mula kagabi?" Tanong ni Xaiver, nakaupo na si mama sa tabi ni papa.

Ang sungit ha!

"May mga sugat lang akong nakikita sa balat n'ya." Hindi ko napansin na napansin ni mama ang mga sugat ko sa balat. Sariwa pa iyon at hindi ko talaga iyonnapansin.



Nagsulat ang doctor sa med record n'ya at bumaling sa akin. Napatingin sya sa balat ko at nangunot ang noo.


Sinubukan nyang hawakan ang balat ko pero agad kong hinampas ang kamay nya, balak ba n'yang tsumansing?!

Napapailing syang bumaling sa med record at inirapan ko naman s'ya.

Bakit ba ang ang sungit nya ngayon? Daig pa ang may menstruation na babae!


"You're so quite, can you please show your true colors?" Nang aasar ang tinig ko.

"Zaira!" Napairap ako ng sawayin ako ni dad, ako na naman ang nakita n'ya.



Lumapit s'ya sa akin at bumulong na kami lang ang nakakarinig

"Why? Do you miss me?" Bulong n'ya at naramdaman ko ang init sa pisngi ko. Tinanguan lang n'ya si Mama at papa bago lumabas ng kwarto.


Napatingin ako kay mama at papa na nakaupo lang sa sofa at nakatingin lang sa pintuan kung saan lumabas si Xaiver. Hanggang ngayon ay itinatago pa rin nila ang sakit ko, ilang araw o buwan pa ba silang mag sisinungaling sa akin?

"Inaalam na ng mga doctor ang sakit n'ya, don't worry hon." Pagpapakalma ni papa ay mama.

"Madami s'yang sakit, kaya imposibleng sa loob ng 2 weeks ay malaman agad ang lunas sa sakit n'ya" pabulong na sambit ni mama, tila pinanghihinaan ito ng loob.

Gusto ko silang yakapin, ngunit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Kailan ba nila aaminin?


Napaiwas ako ng tingin sa kanila at huminga ng malalim bago umimik.


A Miracle CureWhere stories live. Discover now