10

457 85 2
                                    




Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Today is the semifinals match game one of the best of three series in men's and women's volleyball tournament.


Kakatapos lang ng laro ng men's at kagaya ng inaasahan ay nakamit nila ang panalo in three straight sets lang. The condition and consistency was priceless, makikita mo talaga on how they played kung gaano sila ka determinado na manalo.


Kaya naman gagawin din namin ang best namin, hindi dapat namin biguin ang buong HNU lalo na at kami ang host.


Tinignan ko ang right ankle ko na ngayon ay balot na balot ng muscle tape. Masakit pa din ito pero hindi na kagaya ng mga nakaraang araw.


Sinubukan kong italon ito at ngumiwi ako sa bahagyang pagkirot nito na agad naman na kinabahala ng mga kasama ko.


"Kapitana ayos ka lang?" ani ni Diane.


"Ayos lang ako, medyo kumirot lang." bahagya akong ngumiti para ipahiwatig na wala silang dapat ipagalala.


Pumasok si coach kasama si Stan at ang ibang teammates nito. Andito kami ngayon sa locker room, 1:00 pm ang umpisa ng game namin at 12 pa lang kaya naman naisipan namin na dito na sa locker room pagusapan ang game plan namin.


"Girls I need your attention for a while." anunsyo ni coach.


Agad naman kaming naupo upang makinig sa nais nitong sabihin ng lumingon si coach sa gawi ko.


"Mika kaya mo na ba talagang maglaro?" tanong nito na puno ng pagaalala.


"Yes coach, kayang-kaya ko na po." sabi ko ng nakangiti.


"Okay, good kailangan ka ng team ngayon pero kung hindi mo na kaya you can say it to me. Mas mahalaga pa din ang kaligtasan mo kesa ang maipanalo ang game na ito."


Bahagya akong napaisip, sorry coach pero para sakin mas mahalaga ang larong ito kesa sa nararamdaman ko ngayon.


"As you all know, maganda din ang standing ng SIC papunta dito sa semifinals. Siguro nga wala silang ace player na kagaya ni Mika pero sobrang ganda ng communication nila. Their floor defense is their main offense that's why I want you all to read their plays properly. Kailangan niyo din na obserbahan kung saang zone ng court nila madalas bakante. I don't need a powerful attacks, I want attitude, discipline and smart. Maliwanag ba?"


"YES COACH!"


"As per Diane, alam mo na kung anong sinabi ko sa plays na gagawin mo. Your ball distribution is important, wag ka munang pumursyento palagi kay Mika you know na hindi pa full recovered ang sprain niya."


"Yes coach."


"And for you Gab, I want more energy. Kung kaya ay hingiin mo lahat ng service ng kalaban nagkakaintindihan ba tayo?"

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon