24

446 80 4
                                    




"Chris!" masayang bati ni Angel at mabilis na nilapitan si Chris upang yakapin.


Nawala kay Avo ang atensyon ko at napunta kay Chris na ngayon ay nakatingin sa gawi ni Michelle. Maging ang pag-iwas ng tingin ni Mich dito ay hindi nakaligtas sa mga mata ko.


I sighed. It's really hard for me to witnessed their situation but I guess among all of us here, I'm the only who've noticed the tension between them. Nang kumalas sa yakap si Angel ay dumako ang tingin sakin ni Chris. I smiled to him awkwardly and he did the same.


"Medyo late ang pagdating niyo ah." aniya at tumingin sa ibang mga kasama namin.


"Si Mika kasi." agad na sabat ni Angel.


Napasimangot naman ako agad ng dahil 'don.


"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Chris dito.


"Masyadong tulog mantika."


"Hindi niyo naman kasi ako sinabihan muna." depensa ko at binalingan si Chris. "You also didn't tell me."


Nilapitan naman ako nito at bahagyang ginulo ang ayos ng buhok ko. "I thought someone told you already." then he shrugged his shoulders. "Hindi ko din naman alam na makakalimutan mo ang birthday ko."


Kunot-noo naman akong tumingin sa kanya at magsasalita pa sana ngunit sumingit na agad si Angel.


"I think you should guide us to our room para malagay naming ang mga gamit naming and of course para na din makapagpahinga specially Mika na walang ibang ginawa kundi ang alagaan si Stan since last night until kanina sa byahe."


Bigla namang pumasok muli sa utak ko si Stan. I looked at him and to my surprise he's also looking at me.


"Sige. Balak ko sanang two rooms lang para magkasama ang girls ang boys but since baka may gustong bumukod sa inyo kagaya nila Louisse at Avo then you can tell me."


Malakas na kabog ang hatid 'non sa dibdib ko. Avo and Louisse are staying in the same room together, I know I shouldn't be bothered about that pero I can't help myself from thinking na kung anong pwede nilang gawin 'don.


"Mika!" sigaw ni Angel na nagpabalik sakin sa realidad.


And right on that moment I know already that all of them are looking at me intently. I smiled awkwardly.


"What's the matter?" nahihiya kong tanong.


"Tinatanong ni Chris if okay lang ba kung share tayong tatlo ni Mich in one room?"


Nilingon ko si Chris at ngumiti ulit dito.


BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon