19

361 79 0
                                    




"Is her right ankle injured already before this incident?"


Nagising ako ng dahil sa isang boses na hindi pamilyar sakin. Nang idilat ko ang aking mga mata ay bumungad sakin ang kulay puti na kwarto. Tinignan ko si Stan and Mich na ngayon ay kausap ang isang doctor. Nakatalikod sila sakin kaya tiyak kong wala silang ideya na gising na 'ko.


"Yes doc, but for the past few days lagi niya namang sinasabi na okay na daw. Hindi na din daw masakit." sagot ni Mich sa doctor.


"Maybe because it was already in the process of healing but right now I doubt kung maayos ba ang kondisyon ng right ankle niya."


"Anong ibig mong sabihin doc?" tanong naman ni Stan dito.


"Base on the examination that I did to her mukhang naitama niya sa isang matigas na bagay ang right ankle niya dahilan para bumalik ang pamamaga nito. It's better for her to take a rest for a while. I suggest no heavy movements and more compression because it can helps to stabilize the injured joint and may reduce swelling."


Tinanaw ko ang right ankle ko ngayon na balot ng bandage, napapikit naman ako ng mariin. Hindi maaari 'to, kailangan ako ng team.


"Ibig sabihin po ba nyan doc hindi siya pwedeng umattend sa volleyball trainings niya?"


"I'm sorry pero mas makabubuti na wag na muna. Kapag kasi pinilit niya ang gusto niyang paglalaro it may lead to severe sprain which can cause the ligaments to tear completely."


Nang marinig ko 'yon ay ramdam ko ang pagtulo ng aking luha. Hindi ko malaman kung ano pa ba ang pwede kong gawin sa sitwasyong 'to. Sa paghikbi ko ay nilingon nila akong tatlo at agad namang nagpaalam ang doctor sa kanila.


"Twin, anong problema? May masakit ba sayo?" agad na tanong ni Mich paglapit nito sakin.


"Hindi ako pwedeng hindi maglaro twin. Hindi pwede." naiiling kong sabi dito.


"Ssshh..don't worry makakapaglaro ka okay? You need to take a rest to be able to play always put that in your mind, okay?"


I nodded to her.


"Kailan pa nga pala ako dito?"


"When you fainted yesterday, Stan and I immediately bring you here."


Naramdaman ko din ang presensya ni Stan sa gilid ko ngunit hindi ko siya magawang tapunan ng tingin sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.


"Natawagan ko na ang parents mo, Mika. Wala kaming sinabi tungkol sa nangyari pero alam kong alam mo na malalaman at malalaman din nila lahat. Ibibigay namin ni Michelle sayo ang pagkakataon kung gusto mo bang sabihin o hindi." diretsong sabi nito.

BROKEN WITHOUT YOU (UNNATURAL LOVE SERIES 1) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon