CHAPTER 03

122 14 1
                                    

Ngumiti ako ng mabilis nag tama ang mga mata namin. He's wearing a simple black jeans and a v-neck top shirt. Dito pa lang, kitang kita na ang pagiging matangkad niya. Isang malaking sana all dahil sa pinagpala siya ng height.





I was about to call him but a girl suddenly tapped his shoulder dahilan kung bakit napabaling si Kiah sa babae. Agad ko namukhaan ang babae dahil ito yung babaeng naghabol kay Kiah noong unang kita namin. Pinalupot ng babae ang kamay niya sa braso ni Kiah. Legit ba na girlfriend niya ito?





Nakakainis naman! Babalik na sana ako ng table namin ng mga kaibigan ko ng biglang nag vibrate ang phone ko. I want to ignore it dahil badtrip ako pero para akong pusang mabait ng makita kong si Kuya Asher ang tumatawag. Damn!





Bakit ngayon pa? Kinakabahan ako dahil ayaw kong malaman ni Kuya Asher na naglalakwatsa na naman ako. Pumikit ako nang mariin at tumingin muli sa pwesto ni Kiah. Nakita kong nakikipag usap parin siya sa babae. Hindi man lang ako tiningnan! I rolled my eyes at dali daling lumabas ng bar to answer my cousin's call.





Tumakbo talaga ako ng napakabilis para makalabas lang sa bar. Nandito na ako ngayon sa bandang parking lot. Medyo nagulat pa ako sa sarili ko ng nakaya kong' takbuhin ito. Hindi na abot dito yung tunog ng music kaya okay na dito.





"Hello Kuya A-asher?" medyo hinihingal kong salubong sa tawag ni  Kuya Asher.





[Hey, Are you okay?]





Kinagat ko ang ibabang labi ko. Medyo nag aalala ang boses niya pero kailangan kong ayusin ang boses ko dahil hinihingal pa ako.





"Ah? Y-yes Kuya. I'm okay, tumakbo lang ako kasi narinig kong tumunog yung phone ko. By the way, ba't ka tumawag Kuya?" mabilis na pag iba ko ng topic para hindi na lumayo ang usapan namin. Napaka sinungaling ko naman, jusko.





[Alright? Napatawag nga pala ako because I just wanna inform you that I won't be able to be with you on Saturday. I'm sorry. Medyo busy ako sa school, I have a lot of things to do that day. Babawi na lang ako sa inyo ni Abner.]





Ah. About that! Sana tinext niya na lang! Ba't pa kasi tumawag pa, char!





"Its fine Kuya. No worries. I understand." mahinang sabing boses ko. Naisabi na rin' ni Daddy iyan sa akin kanina habang kumakain kami sa resto. I heard him hissed and blurt out from disappointment.





[Thank you, I'm really sorry for that.]





Sayang na hindi makakasama si Kuya sa amin. Pero ayos lang din', mas importante ang pag aaral kesa gumala. Nakipag usap pa ako kay Abner, ang bunsong kapatid ni Kuya Asher. Buti na lang hindi na nag tanong si Kuya Asher tungkol sa mga magulang ko since hindi ko naman alam kung aning ginagawa nila dahil nga nandito ako sa bar. Natapos ang tawagan namin ng magpaalam na si Kuya Asher at Abner sa akin dahil matutulog na daw sila.





Buti na lang at hindi masyadong nagtagal ang pag uusap namin. I still have things to do in bar. Napatingin ulit ako sa phone ko. Wala pa namang message galing kina Mommy. I heard a fake coughed from my behind. Oo masasabi kong fake cough kasi halatang halata.





Agad agad naman akong napatingin sa likod ko. Nakakagulat naman to! "Kiah? What are you doing here?" gulat na tanong ko.





Gagi! Ba't nandito to? Bakit ba laging nanggugulat ang lalaking ito? Wait, tapos na ba siyang makipag-usap sa babae niya? Kadiri ka, Aine! Feeling jowa mainis.





Aiming the Time (Star Series #1)Where stories live. Discover now