PROLOUGE

378 22 6
                                    

"Mainit?"




Mabilis kong nilapag sa lamesa ang hawak kong isang slice ng home made pizza na gawa namin ni Siria, best friend ko. Ininom ko ang soda ng mabilisan at pinakiramdaman ang bibig ko hanggang sa tuluyan ng mawala ang init sa dila ko. Si Siria naman ay walang ginawa kundi' tawanan lang ako.




"Ano sa tingin mo ha?" tinaasan ko siya ng kilay sabay irap ng mas lumakas pa ang tawa niya.




Padabog akong tumayo at dumiretso sa kusina. Hindi ako satisfied sa soda kaya nagsalin ako ng tubig sa baso at dire-diretsong ininom iyon. Nang makahinga na ng tuluyan ay bumalik ako sa sala at naabutan ko si Siria na dahan dahan kumakain ng pizza. Padabog akong umupo sa couch at kinuha ang phone ko sa tabi.




"Tuloy yung' punta mo sa Hospital?" biglang tanong niya sa akin. Tumango lang ako ng hindi inaalis ang tingin sa phone ko. "Na-move yung' seminar namin. Masasamahan kita ngayon." dugtong niya.




Tumango lang ulit ako bilang sagot. I heard her chuckled. Inalok niya ako ng pizza pero mabilis akong umiling. Nakakawala ng appetite ang pizza dahil sa pagpaso nito sa akin. Pagkatapos kong mag scroll sa phone ko ay agad na akong tumayo para makapagligo dahil pupunta ako sa Hospital ngayon kung saan ako nagtatrabaho. May kukunin akong medical papers na binigay sa akin after ng seminar namin na nakalimutan kong' kunin dahil sa busy ko sa work.




"Ligo muna ako." sabi ko kay Siria ng mailapag na ang phone ko. Tango lang ang sagot niya kaya napakunot noo ako. "Dalawa ang banyo dito. Hindi ka maliligo?" tanong ko dahil mukhang wala siyang balak gumalaw.




"Ang pag ligo ay gawa gawa lamang ng illuminati." umiiling at tawang tawa niya pang sabi kasabay ng pagkagat ng pizza. "Atsaka kukuha ka lang ng mga papeles diba, hindi naman tayo tatagal doon." mapagbirong aniya pa.




Nginiwian ko siya at mabilis tinalikuran. Ang dugyot ng babaeng iyon! Abot hanggang kwarto ko naman ang lakas ng tawa niyang walang katapusan. Mabilis akong naligo at nagbihis pagkatapos. Nag blow dry pa ako ng buhok ko bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko naman si Siria sa sala na nagtatali ng buhok. Malinis na rin' ang table na pinagkainan namin. Lumabas na ako ng condo ko, sumunod naman si Siria hanggang sa nakarating kami sa parking lot.




"Uy! Hi, Nurse Valdez, nandito ka pala!" gulat na bati sa akin ng isang co-nurse ko ng makita akong papalapit sa kaniya.  "Anong trip mo?" natatawang tanong niya ng matauhan. Lumingon din siya sa likod ko na kasama si Siria.




Mabalis lang ang pagdating namin sa Hospital since hindi naman ito kalayuan sa condo ko. Hindi rin' traffic kaya less hassle.




"May kukunin lang." I casually answered. Hinila ko ang kamay ni Siria at iniharap sa katrabaho ko. "Kaibigan ko nga pala, si Siria. Nurse din' siya.'' umipisa ko. Nagkamayan ang dalawa at nagpalitan ng pangalan.




Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na kami since hindi naman chickahan ang sadya namin ni Siria dito. Nakarating kami sa clinic at buti na lang ay walang pila ngayon, kaya mas mapapabilis ang pagkuha ko ng mga papeles ko. Si Siria naman ay sa labas ng clinic lang nag hintay dahil hindi niya daw bet pumasok.




"Thank you, Nurse Sotto." pasasalamat ko sa head Nurse namin ng makuha ko ang mga papeles sa hinihingi ko. Tumango siya at nginitian ako. Aalis na sana ako ng bigla niya akong tinawag kung kaya't napaharap ulit ako sa kaniya.




"I almost forgot to say this." aniya at napakamot pa sa ulo niya. "May meeting tayo sa Lunes. Huwag kang male-late ha." dugtong niya, casual niya lamang na sabi iyon' sa akin na para bang wala lang ito sa kaniya.




Aiming the Time (Star Series #1)Where stories live. Discover now