IV

149 11 2
                                    

Binangungot ako!

kainis!

Buti nalang, hindi ako natuluyan dahil hindi 'ko gusto ang aking patutunguhan! Kainis na!

Nang mapunta ako sa kitchen, para sana kumuha ng maiinom ay muntikan ko pang nasira ang ref sa pagsara ko nito.

Bakit ba may gin dito? Hindi naman ako umiinom! Naalala' ko tuloy ang panaginip ko.

Hindi!!!!

Makakuha na nga ng tubig at kailangan ko ng sariwang hangin!

"ay palaka!" bakit nandito na naman siya? Nagfefeeling maganda sa balcony! Anong akala niya siya si Rapunzel baka yung kaibigang talangka ni Ariel!

"hoy! hindi ako palaka, prinsesa kaya ako!" bakit kasi pilit kong tinitignan ang mga labi niya? para intindihin kung ano man ang mga sinasabi niya. Pwede ko naman kasing hindi pansinin. Alam naman niyang may diperensiya ang kaliwa kong tenga.

"prinsesa ng mga palaka!" sigaw 'kong pabalik sa kaniya, mukha namang effective dahil nalukot ang kaniyang mukha. Hindi mo ako magagayuma may proteksyon ako!

"hoy! ang sama mo! Ano bang pangalan mo ang daya mo naman kasi! sinabi ko yung pangalan ko tapos ikaw! hindi mo man lang sabihin ang pangalan mo? " hindi ko na inintindi pa kung ano ang mga sinabi niya, dahil iniwan ko na siya.

Pero palakang ito! Hindi ako tinitigilan.

Nadudumihan ang salamin ng balcony ko sa ginagawa niya! Paano ba naman binabato nito ng macaroni shell! PAPANSIN!

" hoy! Nadudumihan iyong salamin sa loob ng unit ko! Ang ingay mo!" pagsugod  ko sa kaniya na mukhang gulat na gulat pa sa pagsulpot ko, habang nakaamba ang mga kamay nito sa pagbato sa flooring ng balcony.

" hindi mo kasi ako pinapansin pangalan mo ngaaaaaaaaaa kasi" pangungulit niya na parang bata!

"wala akong paki sayo!" sabay talikod ko rito pero nakamikropono yata ang sirang yerong alien na palakang ito!

"BABY SHARK DOOOO DOOOO DOOOO DOOOO ! " bigla tuloy kumirot ang tenga 'ko, kainis naman kasi! Nagiingay pa.

Napahawak nalang ako sa tenga ko.

"hoy? okay ka lang? Hoy!" naririnig ko pang pag aalala niya, kahit hindi na malinaw sa aking pandinig ay pinabayaan' ko ng magsara ang aking mga mata mas mabuti na ito, para hindi ko na marinig pa ang boses niya!

.......

Her Voice [HS 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon